Sa ngayon dumadami na ang pumasa sa loan service ng Pera Agad o Cash Credit. Kaya dumadami na rin ang agent representative nila na laging natawag sa mga client nila. Nakakabingi na na ring pakinggan ang paulit-ulit nilang mga salita bawat tawag nila simula 3 days before your due date. Bukod sa tawag meron ka ding text na matatanggap galing sa kanila. Ang nakaka badtrip kung nagbayad ka man ng maaga sa araw ng due date nimo, hindi ka pa rin makakawala sa tawag nila, mula umaga, tanghali at pati na rin sa hapon. Mangyayari ito kapag nagbayad kayo through Smart Padala. After 24 hours pa ang pag-update ng SMART at Cash Credit sa bayad mo. Sinong hindi ma badtrip, kahit nakabayad kana, tinatawagan kapa rin nila.
May bagong stelo din ang Pera Agad ngayon. Tumatawag sila pero kung sagutin mo, recorded voice ang nasa kabilang linya. Malamang tinatamad na rin silang ulitin ang similar words na ginamit nila mula sa simula hanggang matapos ang loan mo. Imagine, ang contract mo sa kanila ay 12 weeks. Bawat due date, nasa 3-5 calls ang matatanggap mo mula sa Pera Agad, walang pagkaiba sa una hanggang umabot ng 12 weeks. Palagay nalang natin, minimum of 3 tims silang tumawag on or before sa iyong due date. Ibig sabihin nito, makakatanggap ka ng atleast 36 calls bago mo matapos ang iyong loan. Kung nag reloan ka uli at 12 weeks na naman ang kinuha mong terms, another 36 calls na naman. Nakakabingi at sumasakit ang tainga mo sa pakikinig sa paulit ulit na sinasabi. Dagdag pa minsan, ang agent ay akala mo siya ang may-ari ng Pera Agad, lalo kang nai-stress.
Kung magbabayad ka rin naman, wag mo ng pansinin ang mga tawag nila sayo. Ang gawin mo, familiarize their cellphone number. Series of different numbers kasi ang ginagamit nila. Kung kabisado mo na ang 2423 na last 4 digit nila, gawin mo din ito sa ibang numbers nila. Nag level-up na din kasi sila, kaya gumamit sila ng mga numbers na hindi 2423 ang last 4 digit. Yong mga matagal sa na Pera Agad, alam ko nakaka relate nito.
May bago akong natuklasan sa pagbabayad na mas mabilis na pag-update ng inyong bayad. Hindi na kailangan antayin ang 24 hours at another calls na naman ang mang-storbo sa iyo. Napakabagal ni Smart Padala magbigay ng update kay Cash Credit sa mga payments na natanggap nila sa buong araw. Mostly ang pag forward ng mga payments ay mangyayari after 12 midnight, cut off time nila kaya kung nagbayad ka ng after 12midnight, siguro mga 12:30am, ang update nito ay sa susunod na araw na. Kaya expect na maraming bumubulabog sayo kinabukasan maraming beses sa buong araw.
Introducing the new bills payment portal na mas mabilis mag remit ng payments sa Cash Credit ay si Truemoney. Nasubukan ko ito sa akin mismong loan, isa na din kasi akong center ng Truemoney dito sa bayan namin. 12:30noon ako nagbayad sa aking Pera Agad loan, pagka 4:30pm meron na agad akong txt na natanggap from Pera Agad, THANK YOU sa bayad ko ra sa aking loan. Usually kung sa Smart Padala ako nagbabayad, the following day mga around 9am pa ako makakatanggap ng THANK YOU. Ibig sabihin nito, 5 hours lang ang gap updated na ang payments mo kay Pera Agad. Sa ganitong paraan maiiwasan mo ang pambubulabog ng mga agent ng Pera Agad.
Ang maipapayo ko sa mga may existing loan sa Pera Agad, magbayad na kayo sa Truemoney, kung wala pa sa lugar nyo, pwede nyo itong idaan sa akin. Parehong charge sa kahit saang Truemoney centers nationwide. Ang kahibahan nito compared kay Smart Padala, P10 nalang ang charge. Kay Smart Padala kasi, P15 dahil si SMART ay meron charge na tinatawag nilang "system charge". Kay Truemoney, walang ng system charge at ang bilis pa. Kaya pag-isipan nyong mabuti saan kayo comfortable at para makaiwas na rin sa storbo ni Pera Agad kahit bayad kana.
Kung si Smart Padala ay tanging reference lang ang panghahawakan ni customer, kay Truemoney ay resibo na galing sa kanilang POS terminal na ginagamit sa pagbabayad ng bills. Hindi lang bills, pati din loading, at Pera Padala. Kilalanin nyo si Truemoney sa susunod kung mga post.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.