Pwede Bang Makautang?

Share:
Sa online world napabilis ang lahat ng bagay. Pati ang pangungutang pinapabilis din. Kung napansin nyo sa mga facebook, maraming nagpo-post ng kanilang mga hinaing kung bakit sila mangungutang. Ang iba pati mga anak nila at matatandang magulang ginamit nila para lang maabot ang puso ng mga nagpapautang. Karamihan parang nanghihingi lang ng tirang pagkain sa kapitbahay. Ginawa nilang pinakasimply ang lahat na akala mo kilalang kilala sila na parang kamag-anak mo. Meron pang iba nagdi-demand, na parang meron silang iniwang pera sayo tapos kukunin na nila. Wow! Ang lupet nila, ganun naba talaga ka disperado ang isang tao?

Marami ang nagtatanong "wala bang lending na mas madaling mag approved?". Minsan nakakatuwa pero kadalasan nakakapikon. Ganito lang ang concept nito "Kung nahihirapan kayong umutang sa kapatid o magulang nyo mas lalo kayong mahihirapan mangutang sa mga taong hindi kayo kilala. Kapatid at magulang mo nga kilalang kilala ka, pati kaluluwa mo halos nababasa na nila pero hindi pa kayo pinapautang, paano na yong mga taong hindi ka kilala nila. Anong utak meron ang mga yon, merong utak pero hindi ginagamit ang common sense. Akala nila ganun kadali mamulot ng pera sa daan. Ang mga nagpapautang, pinaghihirapan din nila ang perang yon para mapasakamay nila. Kaya hindi nila basta-basta ibigay at iasa sa iba, lalo na ngayon ang daming mapagsamantala. 


Isa kaba sa pinaparinggan ko? Sana hindi kasi baka isa ka sa mga hindi gumagamit ng inyong common sense. Naiintindihan natin na lahat ay dumating talaga sa point na may malaking pangangailangan pero hindi naman siguro tama na sa ugali mo palang parang iba na ang pinapahiwatig nito? Di ba dapat, kung ikaw ang nangangailangan ang ugali mo ay dapat mapagkumbaba, hindi yong sisiga ka na akala mo'y ikaw ang may hawak sa mga buhay ng mga tao na nasa paligid mo. Bilib na bilib talaga ako sa mga taong ganito, ang lakas ng loob mag demand at kung makapag demand daig mo pang ikaw ang may utang sa kanila.

Pakiusap lang mga kaibigan, wag kayong masyong demanding kung kayo'y may pangangailangan. Kung nahihirapan kayong mangutang sa lugar nyo na kilala kayo, isipin nyo din po na nasa internet lang tayo. Lahat pwedeng gawin sa isang bagay na kahit mali ay magmukha itong tama. Kahit fake, pwede itong gawing tunay at totoo. Dati marami ang naniniwala sa mga magagandang mga salita na ginagamit ng mga mangungutang pero dahil nauwi ito sa wala, karamihan sa mga mababait at may magandang puso ay nag-iingat na rin. Pahirapan na ngayon sa pangungutang, dadaan kana sa utas ng karayom kungikaw ay uutang. Hindi kana pwedeng mag demand at hindi mo na rin kailangan ng mga matatamis na salita at dila. 



Napakadaling sabihin legit at at nagbabayad ako ng utang. Ikaw mismo nagsasabi nyan sa sarili mo, syempre ikaw yon..sisirain mo ba sarili mo? Ang sagot hinding-hindi. Ang dapat paniniwalaan ay si JUAN O MARIA NAGBABAYAD YAN. Galing mismo sa ibang tao ang magpapatunay na talagang nagbabayad ka ng utang. Hindi yong ikaw mismo ang nagpatotoo sa iyong sarili. Kung ako ang lenders hindi talaga ako maniniwala sa ganitong scenario. Napakalinaw ang panloloko nito sa iba at sa kanyang sarili mismo.

Sa mga nagbabalak magpautang, wag kayong padadala sa mga matatamis na dila at mala tsokolateng salita. Karamihan sa mga ito, sila ang totoong hindi nagbabayad. Ang mga manloloko, gumagawa talaga ng paraan para makuha ang loob mo lalo na kung napapansin nila na ang kahinaan mo ay makakarinig ng mga taong kailangan ng tulong dahil may sakit kailangan madala sa ospital o sa clinic man lang. Dati mabinta itong panloloko na'to pero ngayon dahil marami ng naging biktima, ibinta nyo nalang ito sa mga nakatira sa bundok na hindi nakakabasa o nakak access ng social media. 

Para sa mangungutang sa social media, wag na kayong umasa na makakahiram pa. Gawin nyo nalang ang lahat ng inyong makakaya na makakapasa sa mga online lending companies dahil sila nalang ang nagpapautang ngayon kahit hindi nila kayo kilala sa personal. Pero matinding requirements ang kinakailangan para pumasa kayo sa kanila. Wag kayong umasa na may magpapahiram pa sa inyo na private lenders kasi karamihan naging biktima na rin ng panloloko at pabor na silang magpapautang doon sa mga kabarangay nila kay sa social media.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.