January 13, 2018 Sabado, nakakatanggap ako ng text from an unknown numbers. Sinabi pa sa text na nagremind lang daw sya sa due date ko for that date. Hindi rin sinabi sa text kung anong lending company yon. Buti nalang naalala ko na bagong cellphone pala yong ginamit ko at hindi nadala yong mga contacts sa isang cellphone ko. Dali-dali kung hinanap ang kaparehong number sa kabilang cellphone at doon ko nalalaman na ang text ay galing sa agent ng RFC, yong naghandle ng loan application ko pati din sa CI.
Dagdag pa nya, halfday lang daw sila pag Sabado kaya kailangan ko ng pumunta sa kanila office. Hinanap ko ang agreement na pinirmahan ko with their branch manager at nakita ko doon na sa January 19, 2018 pa ang due date ko. Kaya nagreply ako na sir bakit iba ang date na nakalagay sa agreement? Nagreply din sya na hahanapin daw nya ang file ko para malaman ang totoo. Maya't-maya nagreply cya uli sa akin at humingi ng sorry. Yon pala ang process date na natanggap nila ang tseke ko kaso hindi ko kinuha agad kasi iniisip ko pa kung itutuloy o e cancel ang loan ko na yon. Buti mabait sa akin yong tao kaya tinanggap ko yong apology nito, kasi kung hindi malamang napagalitan ko yon.
May lesson na kasi akong natutunan pagdating sa mga due dates. Dati lagi kung nakakalimutan kaya malaking tulong ang mga text or tawag na nagre-remind sa ating mga due dates. Kaso maraming lending company na gumagamit ng 3rd party agent at sila yong tatawag na walang pag-iisip kung paano mag remind na hindi nakaka badtrip sa tao. Ilang beses ko na naranasan yan sa PERA AGAD. Mga agent nila kung hindi kulang sa training, karamihan walang training kung paano e handle ng maayos ang kanilang client.
Meron akong nahanap na bill tracker na napaka useful sa akin na mamonitor ko ang aking mga due dates lalo na kung nag issue ako ng PDC. Kaya kahit hindi pa ako etxt or tawagan, alam ko na ang mga due dates ko with that specific dates. Pero para sa akin, nakakatulong pa rin ang mga reminders ng mga agent. Baka minsan nakakalimutan nating sumilip sa ating cellphone dahil sobrang busy, atleast mapapansin mo agad ang cellphone mo kung may nagtxt or tumawag.
Pero yong reminders na napaka advance medyo nakaka disappoint yon at our end. Dapat talaga updated din ang mga agent. Karamihan lalo na sa Pera Agad, yong listahan na tatawagan nila, print out out pa yon the last 24 hours kaya kahit bayad kana, tatawagan kapa rin nila. Yon ang pangit na system ng Pera Agad at sana mahanapan nila ng paraan yon.
Sa January 19, 2018 pa yong due date ko pero sa January 18, maghahatid ako ng PDC sa office nila para hindi na sila magtetxt sakin, ako na bahala mag monitor sa due date para sa clearing ng aking tseke na na-issue ko sa kanila. Six months ang terms ko sa RFC kaya madali ko lang itong mababayaran. Isa pa monthly kaya hindi masyadong pressure sa paghahanap ng pambayad. Gamit ko naman sa business kaya may nakalaan na pundo para dito.
Sa mga gustong magloan sa RFC -Radiowealth Finance, basahin nyo ang mga post tungkol dito: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/RFC
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.