Tuesday, January 09, 2018

Robocash Nakakalulang Interest

Marami ang nagtatanong tungkol sa Robocash, akala kasi ng karamihan napakadali lang umutang sa kanila. Bukod sa Metro Manila lang ang pinapautang nila, sila lang naman ang may pinaka mataas na interest sa lahat ng lending companies sa Pilipinas. Hindi po madaling mangutang sa kanila pero dahil sa matinding pangangailangan, marami pa din ang lumalapit sa mga opisina nila ang nag-apply.

Mabilis ang approval lalo na kung completo kayo sa requirements. Pero hindi lang requirements nakasalalay ang approval nila. Kailangan mo rin mag provide ng apat (4) na character references. Reminders: Huwag mong ilagay ang mga taong hindi mo closed kasi siguradong disapproved ka. Ang apat na references mo ay tatawagan isa't-isa. Kailangan masagot nila ng tama ang mga tanong na related sayo. Una-unang sasabihin ni Robocash na ikaw ay mangungutang sa kanila kung bakit tinawagan dahil isa sila sa mga reference na isinulat sa application form. Dapat ang apat na tao ay sasagot sa tawag ni Robocash, kung merong isa na hindi susagot sa tawag nila sa cellphone, automatic disapproved ang loan mo.

Bakit Metro Manila area lang ang pinapautang ni Robocash? Ito'y dahil sa Metro Manila lang sila merong mga opisina. Kung nag-apply ka online sa website nila, papupuntahin kapa rin sa pinaka malapit na branch office ng Robocash para doon ang final processing ng inyong loan application. More on walk-in application ang tinatanggap kaya kung within Metro Manila kayo, pwede kayong magsadya sa kanilang pinaka malapit na branch office para mag-apply.

Nabanggit ko kanina ang nakakalulang interest nila. Kung hihiram ka ng P1,000 ang maaaring babayaran mo after 15 days ay magiging P1,600. Take note, kung mag renew ka ng another 15 days at P1,000 ang e renew mo, ang mangyayari sa loob ng 30 days or isang buwan, ang P1,000 ay magiging P2,200 na ang total na binabayaran mo. Ibig sabihin sa P1,000 na hiniram mo, ang tubo after 30 days ay P1,200. Mas malaki pa kay sa hiniram mo sa kanila. Napaka gahapan naman ng company na ito. Hindi man lang naaawa sa mga Filipino na, hirap na nga mas lalo pa nila itong pinahihhirapan. Pera-pera lang talaga ang labanan sa company na ito. Dapat hindi ito tangkilikin ng mga mamayang Filipino pero wala eh, wala na ring ibang malalapita ang karamihan kaya pikit mata nalang nilang babayaran ang sobrang laki ng interest na ipinatong nila sa mga nanghihiram.

Nagtataka lang ako bakit wala akong nakitang gumawa ng group sa facebook para labanan ang Robocash. Ang nakita ko lang ay group para labanan si Moola Lending. Kung tutuosin kalahati lang ang interest ni Moola kumpara kay Robocash. Pero isa lang nasa isip ko, yong mga nag alsa laban kay Moola ay mga taong hindi nakakabayad na sinisingil na sila. Galit singilin dahil sa mga penalties nila na alam naman nito ito bago pinadala ni Moola ang loan proceeds nila. Mga taong excited lang dahil na approved ang nila pero hindi na pinapansin ang sinasabi ng agent tungkol sa mga penalties na ipapatung kong sakaling hindi nila tuparin ang nakasulat sa agreement na pinadala sa email nila.

Ang mapapayo ko sa lahat, maliit man o malaki ang interest dapat isipin nating mabuti kung saan tayo kukuha ng pambayad pagdating ng due date natin. Ang karamihan kasi, nag-iisip lang ng utang kung nag-a-apply palang hanggang ma approved na pero pagkalipas ng ilang araw lalo na't ubos na ang inutang, nagiging amnesia na at wala ng matatandaan kung ang pinapangako nito sa lending company. Laging tandaan, wag umutang kung ang pagbabayad ay hindi mo kaya. Baka sa bandang huli magdudusa ka sa lungkot at hiya sa iba.

9 comments:

  1. May loan po aq kay robocash ng 3k.. Ngayon nsa 6700 na.. Laki ng tubo.. Central luzon aq pero aq nbigyan nila noon.. Di q na alam pano ko pa ito babayaran. Dahil mas malaki pa ang tubo kaysa sa kinuha q.. Ntanggap q lang po is 2200

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung gusto mong makakatulog ng mahimbing bayaran mo yon...habang hindi mo nababayaran, patuloy ang paglaki ng utang mo sa kanila.

      Delete
    2. pro my nakukulong ba tlaga sa pautang nla

      Delete
    3. ahm wala po kasi malaki sila magtubo

      Delete
  2. Bakit po ganun wala aqu narecieve na pera sa knila pero my repayment due aqu knima qj lnv nlamang kc my nagtx sa akin na robo cash

    ReplyDelete
  3. May utang din aq sa robocash..8500 ang hiniram ko, ngaun 14k+ n dahil ang computation nila principal amount × 2.5% interest = yung amount n ittbo ng principal amount mo per day + yung principal amount

    ReplyDelete
  4. Nakalagay sa https://allthebestloans.com/loan/robocash/

    Ang tubo ng Robocash 1.67 lang tapos psg uutang ka 2.5% na di. Sa SEC pa galing ang info

    ReplyDelete
  5. Kaka email Lang po sa akin Ng robocash demand letter daw po and gusto nila bayaran ko agad as in now n Ang utang ko

    ReplyDelete
  6. Kaka email Lang po sa akin Ng robocash demand letter daw po and gusto nila bayaran ko agad as in now n Ang utang ko

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.