Thursday, January 25, 2018

SCAMMER GUIDE!





👉🏽ILANG TIPS PARA DI MALOKO, MAGANTSO O MA-SCAM NGAYONG YEAR 2018!
1.) Unang una icheck ang wall, i sure kung mukha nya ang nakalagay at madaming tagged photos at madaming nakapost na albums, maraming friends and most of all may mga proof of transactions ( pero wag bsta bsta maniniwala sa mga proofs minsan ninanakaw lang nila yan at nilalagyan ng sariling watermark.) -Dahil masyado ng PUBLIC ang mga facebook account, napakadali nalang e grab o nakawin ang mga photos na nasa profile ng isang pribadong individual. Ang trabaho ng mga manloloko, e re-post nila ito sa kanilang account, kunwari may proof sila para manila ang magiging biktima. Kailangan maraming nagpatotoo na legit ang ka transaction mo sa pamamagitan ng mga comments na galing sa mga legit clients nito. Dapat ang nakalagay ay na proof ay mula sa pinaka luma hanggang sa pinakabago.
2.) Pag masyado mabait, malambing at makulit sa payment mo. Ung talagang ina agad agad ka. Magtaka ka na, kasi sa experienced ko na mga legit di sila rush sa pera at di sila gahaman sa tubo. -Kapag inaapura kanang maghulog na at mukhang minamadali ang paghulog ng bayad, dapat magdalawang isip kana kasi ang legit na seller hindi namimilit sa mga clients nila. Inaantay nila kung kelan ka gustong maghulog o kung kelan ka gustong bumili. Minamadali nila ang bayad mo para mai-blocked kana nila at tapos na ang transaction nyo. Mag-ingat lagi sa mga ganitong tao na marami na ngayon sa paligid mo, nakamasid at nag-aantay lang ng tamang oras para susugod na ito sayo.
3.) Wag maghanap ng super mura, yan!Nag-aabang mga scammers kasi alam nila mura hanap mo kaya mag aalok sila ng mura sayo at aakitin ka sa kung anu-anong bagay para makuha ang loob mo. Kaya madami na-scam sa super murang hanap, bakit di nalang sila lumuwas para ma-experienced din ninyo ang init trapik at siksikan sa kalye. -Umiwas sa napaka-murang items kung iko-kompara mo ito totoong presyo nito. Para makaiwas, wag na maghanap ng pinakamura kasi dito karamihan nauuwi sa wala at ang ending, iiyak nalang kasi nawala na sa isang iglap ang inaasahang bagay na hidi naman pala totoo.
4.) Smart Padala Modus - ugaliing wag magpadala jan kasi no need na ang name jan at Reference number lang ibibigay mo mawawala  na agad ang perang pinaghihirapan mo. Pero doble ingat din kasi nag-upgrade na din nag mga scammer, pumapasok na rin sila sa Palawan, Cebuana, MLhuillier, RD at marami pang iba. 
5.) MATUTONG mag LEGIT CHECK, tingnan ang mga friends nya at mga post kung LEGIT ba ito. At syempre may mga friends syang kamag anak nya na if in case lolokuhin ka may mapapagtanungan ka sa isa sa kanila. Siguraduhin ang ka transaction mo ay hindi kahapon, nong isang araw o nitong buwan lang ginawa ang facebook account nya. Karamihan sa mga scammer, mga bagong gawa lang ang account nila. Huwag magkatanga, laging mag-ingat sa mga taong mapagsamantala. Ugaliing magtanong at mag legit check sa mga group page kung saan niyo sila nakilala. Wag maniwala sa isang tao lang ang magsasabing legit siya, kasi siguradong may kasabwat sa mga panloloko nila.

2 comments:

  1. paano namankong aaply ako ng pautang kahit mura lng para puhonan ko ng product ko d2 sa online bussness ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basahin nyo po ang aming mga loan guide dito sa blog para kayoy magabayan.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.