Sa loob ng tatlong buwan simula nong nagpalit ng categories ang aming blog at ngayon ay nakilala na ngayon itong USAPANG PERA AT IBA PA!, meron na ito ngayong more than 188,000 page views. Napakarami na ang bumibisita ng aking blog at marami na din ang natulongan nito na mga readers at followers. Syempre hindi naman lahat naging happy, meron ding iba na disappointed lalo na kung an disapproved sa kanilang ina-aplayang lending company.
Sabi nga nila "You cannot please everybody". May nasiyahan, may nalungkot, may nainis at mayron ding nagagalit kasi hindi nila mababasa ang blog dahil free data lang sila. Nakakatuwa na may halong lungkot din para sa amin na sumusuporta nito. Basta sa lahat ng aming makakaya, gagawin namin ang makakatulong sa lahat. Siguro ang ibang information na pino-post namin ay medyo hindi kayo interesado sa ngayon pero alam namin, in the future magagamit nyo rin ito.
Sa mga nagdaang mga araw at buwan, meron kaming nilagay na POLL sa bandang kanang ng aming blog at ito'y tungkol sa TOP LENDING COMPANIES na na-publish na dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Nakakuha ito ng 81 VOTES galing sa aming mga readers at followers. Out of 81 votes, apat lang ang nakakuha ng majority votes. Aminado kami na kahit kami din ay hindi nahihirapan sa apat na lending companies na ito.
1. Tala Philippines -nakakuha si Tala ng 22 votes o 27% out of 81 respondent. Ang Tala ang pinaka madali at mabilis mag-approved sa lahat na lending company. Ang kailangan mo lang ay magkaroon ng Android phone. Once na install mo na ang Tala apps, pwede kanang magjoin at mag-apply ng loan sa kanila. Bukod sa nabanggit, isang valid ID at selfie mo lang na hawak ang ID ang iyong kinakailangan para makapag-apply sa kanila. Wala ng tawag after ma-submit mo yong application mo. After 2-5 hours during weekdays, meron na itong update agad kung approved or disapproved ang loan mo. Ganon lang ka dali at ang halaga ng first loan nila ay P1,000. Bawat cycle ng loan mo ay madagdagan ng P500 hanggang umabot ito ng P25,000. Dalawang terms lang ang available kay Tala, ito ay 21 days na babayran mo weekly a total of 3 payments at 30 days term na babayaran mo lang on the 30th day since na released ang loan mo from them. Kung gusto nyong subukang mag-apply, gamitin nyo lang ang aming referral code: ALD86C .
2. Happy Loan -ang happy loan ay nakakuha ng 18 votes o 22%. Hindi lingid sa karamihan na madali lang ding mag-apply sa Happy Loan ni Cebuana Lhuillier. Kung kami ang papipiliin mas gusto namin ang Happy Loan dahil P5,000 ang first loan nito at payable within 3 months. Hindi ka mahihirapan dahil, monthly ang bayaran. Ang kailangan lang para makapag-apply kay Happy Loan ay isang valid ID, proof of income pwedeng payslip, business permit or remittance paper. Bukod nito, kailangan din kayong magsubmit ng proof of address tulad nalang ng Bill sa koryente or tubig, pwede rin sa telepono or sa internet bill ninyo. Imporante nakapangalan ito sa iyo para hindi na kailangan ng authorization.
3. Pera Agad -ito'y nakakuha ng 13 votes o may katumbas na 16%. Si Pera Agad ay exclusive for Smart and TNT subscribers only. Ibig sabihin nito kung ikaw ay Globe at TM users, automatic you are disqualified. Upang maging qualified, dapat active yong sim mo sa loob ng mahigit anim na buwan. Ano ba ang sinabi nilang active sim? It means your sim ay hindi nauubusan ng airtime loan at nakapagpareload ka ng atleast 200 a month. System ni Smart ang namimili kung sino magiging qualified. Hindi rin masyado strikto si Pera Agad basta maganda ang financial records mo. Kapag approved ka ni Pera Agad, mababawasan ng 10% ang loan proceeds mo pero ibabalik naman ito kapag ON TIME ka angbabayad. Pero mag-ingat kayo kasi maraming agent si Pera Agad na laging tumatawag sa inyo starting from 2 days to your due date.
Sumunod na si ASA/PAG-ASA. Isa din akong member ng Pag-asa as invidividual borrowers. Majority na umutang sa kanila ay gropo. Kailangan magbuo kayo ng isang gropo na merong atleast 10 members para papayagan kayong mag-apply sa kanila. Mababa lang din ang interest rate nila kaya hindi problema ang pagbabayad, kayang-kaya ng mga nanay kahit pa nasa barangay.
Kung sino pa sa inyo na hindi nakapag vote sa inyong Top Lending Companies, maaari kayong bumuto ngayon para malalamang natin kung ano ang resulta kung aabot na sa 100 ang total respondents. Maaaring maunahan ni Happy Loan si Tala sa susunod na buwan. Kaya abangan nalang natin ang magiging resulta pagkatapos nito.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.