Nakakatulong ang social media sa pagpapadali sa halos lahat ng bagay lalo na sa komuniskasyon. Dahil sa social media na-connect ang matagal ng hindi nagkikita na magkamag-anak, mga classmate at batchmate na hindi na rin nagkaalaman kung saang lugar na sila nakatira. Dahil sa social media, napabilis ang transaction ng mga online seller, maraming nagkakilala at nabuo ang isang negosyo, at dahil din sa social media napadali ang pag-angat ng maraming negosyo.
Pero hindi lang hanggang doon, ito'y dahil din sa teknolohiyang ito, maraming buhay ang nalagay sa alanganin. Bakit nangyari ang ganito? Ito'y dahil sa hindi pag-iingat at nakalimutan ng lahat na maraming mapagsamantala na nasa paligid lang at nag-aantay ng tamang oras para makapangbiktima sa mga inosenteng tao.
Ibig sabihin hindi puro kabutihan ang maaaring maibigay sa atin ng social media. Marami ding pagkakataon na ito'y dahilan ng pagkawala ng isang buhay at ari-arian. Ang social media ay bukas sa lahat dahil libre itong ma-access ng kahit kanino. Oo meron itong security measure pero hindi ito guarantee na safe na talaga ang lahat lalo na sa mga information na nilalagay natin sa ating account.
MGA DAPAT TANDAAN SA SOCIAL MEDIA
1. WAG ILAGAY ANG COMPLETONG ADRES NG BAHAY AT TRABAHO
Para sa safety mo at ng inyong pamilya, iwasang ilagay sa inyong profile ang completong adres mo lalo na kung naka public ito. Marami ang mga masasamang tao na nagma-manman sa isang target gamit ang social media. Kaya wag ilagay ang exact or specific address mo para hindi ito mapupuntahan ng mga mapagsamanatalang tao.
2. YOUR BIRTH DATE AT NG PAMILYA MO
Maaari itong magbigay ng finacial security at risk sa iyo dahil pwede itong gagamitin nila para pang access ng mga online bank access mo, atm pin at marami pang iba. Ito ang dahilan din na pinaalalahanan tayong lahat na huwag gamitin na combination ang mga birthdate natin pagdating sa mga atm pin at sa mga password ng ating online banking.
3. MOTHER'S MAIDEN NAME
Karamihan sa mga sensitive transaction natin with the banks ay nangangailangan ng Mother's Maiden Name kaya dapat nating ingatan ang pangalan ng ating ina. Wag itong isama sa ating mga status update.
4. PICTURE OF A REMITTANCE SLIP
Madali lang gumawa ng hindi halatang fake ID lalo na't ang mga crew ng isang padala center ay baguhan. Marami ng kaso na kini-CLAIM ng iba ang isang padala para sa membro ng pamilya. Baka sa sobrang excited mo na e claim ang iyong padala tapos nalaman mo na na claim na pala ng iba -naku! baka hihimatayin ka. Maaari nyo lang itong e post kung nakuha nyo na ang pera na nakasulat sa remittance slip.
5. KUNG KAYO'Y NAGBABAKASYON
Wag ilagay sa inyong status update na wala kayo sa bahay at nasa malayong lugar kayo. Magbibigay ito ng idea sa mga masasamang tao na pwede nilang pasukin ang inyong bahay dahil walang tao. Ito'y opportunity nila na makapangloob na walang makakaestorbo.
6. HOME ALONE
Nagbibigay ito ng idea sa mga salarin na mag-isa ka lang sa bahay. Ito'y hindi pwede mababasa sa account mo lalo na kung ikaw ay babae. Maraming mapagsamantalang lalaki na maaari kang pasukin halayin ng walang makakakita. Kaya mga babae wag nyong bigyan ng idea ang mga kalalakihan.
Hindi lahat ng nasa isip natin ay pwede gawin sa social media na inakala lang natin na hindi importante pero sa mga mata ng iba ito'y malaking bagay na magagamit nila sa panloloob ng mga tirahan ng mga taong inosente at walang kaalam-alam sa mga maaaring mangyayari sa kinabukasan. Kaya sa mga social media addict, ingat po kayo sa paglagay ng status update nyo. Isipin muna kung ano ang maidudulot nito sayo at sa iyong pamilya.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.