Bukas na naman ang due date ko sa Moola Lending. Kung natandaan nyo sa previous reloan ko wala ng tawag from Moola Lending agent to confirm my loan at uulitin na naman ang terms and condition. Pangatlong beses na ito na wala ng tatawag na agent. Kung inaalagaan mo ang iyong credit score or credit standing kay Moola Lending, napakadali nalang ang succeeding reloans mo.
Kung dati mag-aantay kapa ng dalawang araw bago ma credit ang pera sa iyong account, ngayon napakabilis na ng disbursement. Kung umaga ka nag reloan, before 6pm ng hapon papasok na ito sa bank account mo. Kung sakaling nag reloan ka sa gabi dahil hapon mo ng nabayaran ang previous loan mo, kinabukasan bago mag 6pm papasok na sa bank account mo.
Hindi lang sa Moola Lending dapat na pangalagaan natin ang ating credit score. Kahit naman sa ibang lending companies. Kaso sa iba may tendency pa rin na ma disapproved ang reloan mo lalo na kung hindi maliwanag sa kanila ang rason kung bakit ka mag reloan or meron silang nakitang inconsistency sa mga datas na pinasa mo sa kanila.
Malaking tulong ang Moola Lending sa maraming tao lalo na yong mga nakasubok na sa kanila. Oo medyo may kalakihan ang interest kay Moola pero kung gagamitin mo ito sa negosyo, siguradong babalik ito sayo na may kita more than the interest na maaari mong ibayad kay Moola. In my case, I used the funds para ma sustain ang cashflow ng aking shop. Malaking tulong dahil marami kasi akong services na kailangan ng pundo sa iba't iba accounts. So far, wala akong problema sa pagbabayad. Pang anim ko na itong loan sa kanila at pangatlo sa halagang P20,000.
Sa awa ng panginoon, hindi nagka aberya ang pagbabayad ko. Importante talaga na iwasan mong ma delayed or mag prolong. Dahil maaari ka nilang patawan ng penalties at maiipon yon kasama sa principal amount na hiniram mo, hindi mo mamalayan na palaki ng palaki ito. Mas lalong mahihirapan ka ng magbayad. Lagi nilang inuulit yan kapag nag reloan ka pero kung tulad sa akin na wala ng tawag, wala ka ng maririnig tungkol sa mga terms and condition pati ang mga penalties.
Sa LBC ako nagbayad kanina. Sinunod ko kung anong nakalagay sa agreement na magbabayad ako ng additional P6,000 para sa interest. Kung tutuusin P8,000 ang mapupunta sa kanila dahil ang P20,000 ay may 10% pa itong processing fee. OK lang para sa akin kasi nakakatulong naman at wala ng maraming kailangang e submit sa kanila.
Gabi na ako nag reloan, pero alam kung bukas papasok na ito sa account ko bago matapos ang hapon. Most of the time, based on my observation -papasok ang pera sa bank account ko mga bandang 4pm. Hindi ko na kailangan pang e withdraw sa ATM or pumunta pa sa bangko kasi agad ko itong ililipat sa supplier ko sa LOADWALLET. Kaya malaking tulong para sa akin ang Moola Lending. Kung gusto nyong subukan ang Moola Lending, basahin nyo lang po ang guide na makikita sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/moola-lending.html
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.