Thursday, February 15, 2018

Happy Loan Fully Paid

Ngayon ang last bonding namin sa Happy Loan ni Cebuana. Binayaran ko na kanina ang aking pangatlong due date. I was approved last November 14, 2017 at unang due date ko last December 15, 2017. Ang pangalawa last January 15, 2018 at ngayong araw na nga ang pangatlong due date ko. Clear na ako kay Cebuana simula kaninang hapon tapos kung matanggap ang aking resibo galing sa branch nila dito sa lugar namin.

Pagkatapos kong magbayad, tinanong ko ang Manager ng branch kung meron bang reloan ang Happy Loan? sinagot ako ng manager na meron naman daw basta matatapos ko nang bayaran in full ang aking loan. Sabi ko sa kanya na last payment ko na yon dahil pangatlong due date ko na. Ang advised nya sa akin, mag-apply daw ako uli by next week kasi kailangan ma update pa ang aking loan sa kanilang system. Ibig sabihin hindi real time ang posting ng mga payments. Babalik nalang daw ako next week para mag reloan, sabi pa nya -same process pa din daw ang gagawin ko tulad nong una kung pag-apply. Tapos ma-submit ang aking application, mag-antay ng ilang araw para sa approval.

Bago ako umalis sinabihan ako ng manager na dapat daw mag-apply ako ng EASYLOAN, isang pautang ng Cebuana para sa mga businessman. Mas malaki daw ang approval compared sa Happy Loan. Sa easyloan pwede kang makahiram ng up to P50,000. Binigayan pa nya ako ng guide paano mag inquire. Tatawagan ko lang daw ang kanilang customer care para sa karagdagang impormasyon. Lahat ng poseso sa easyloan ay dadaan pa rin daw sa kanila, mula application until sa disbursement. Susubukan kong tawagan ang hotline nila bukas kung merong sasagot sa akin.

Mas interested kasi ako doon sa EASYLOAN kay sa Happy Loan kasi up to P15,000 lang ang maaari nilang ibigay na amount kung sakaling ma approved ako. Dahil businessman naman ako, maaari akong maka-apply sa kanilang business loan. Sabi pa ng manager marami na daw na approved na applicants pero dito sa branch namin, wala pa rawng nag-apply. Lahat na client nila na nagbabayad ay Happy Loan ang kinuha.

Kung sakaling meron ng naka-apply ng Easy Loan sa Cebuana at nababasa mo itong blog ko, please comment below para makuha din namin ang more details about Easy Loan. At sa mga Happy Loan borrowers, ano ang experience nyo with this type of Loans? Satisfied naba kayo sa halagang P15,000 maximum?

Sa mga gustong mag avail ng Happy Loan sa Cebuana Lhuillhier, inaanyayahan namin kayong basahin ang aking previous post tungkol sa pag-a-apply at mga requirements ng Happy Loan. Please read this link: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/loan-loan-sa-cebuana-hassle-free.html

3 comments:

  1. yung sakin d ko alam bkt alo na decline,,,may cebuana ca d na nga ako lahat ng requirements ko napasa ko nmn n,,,d nmn cnb anu b kulang sa requirements ko,,,

    ReplyDelete
  2. ako na decline jan,,d nmn cnv ong anu kulang sa sa requirements ko,suki p nla ako,,may card pa ako ng cebuana,,,

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.