Ang mananamantala ay hindi nawawala. Kahit saan kaman, lagi itong nasa likuran at nag-aantay ng pagkakataon upang ikaw'y susugurin. Ang masaklap, kung kelan may matindi kang pangangailan yon din ang pagkakataon na susugurin ka nila. Ang galing-galing nilang magsalita, animo'y napaka among tupa, pero sa likod nito ang isang makamandag na ahas na handa kanang tuklawin para maging biktima nila. Hindi kami nagkukulang sa paalaala, noon at ngayon, lagi namin inuulit na mag-ingat at mag-ingat. Pero bakit ang dami pa ring naging biktima nila? Ano ang tunay na rason bakit araw-araw merong umiiyak dahil nawalan ng pera? Simple lamang ang sagot!
Kung hindi lang tayo tamad magbasa, siguradong magiging aware o mulat tayo sa katutuhanan tungkol sa kanila. Dahil sa modern technology kasama na dito ang social media, nawalan na ang mga tao ng ganang magbasa. Lalo na kung ito'y pagka haba-haba na akala mo'y wala ng kataposang storya, kahalintulad ng Probinsyano na kung saan-saan napunta at kung sinu-sino na ang na involved sa storya. Sa ating blog, hindi mahaba ang guide at tips kung paano mangutang sa mga legitimate lending comanies. Kung mapapansin nyo, karamihan meron itong illustration para mas madaling maintindihan. Ang problema lang, kahit idiin pa namin sa mga bunganga ayaw pa rin basahin. Alam nyo ba ang kanilang mga rason?
FREE DATA
Karamihan sa atin natityaga sa Free Data pero kung meron gustong panoorin na video o picture ng kanilang kamag-anak at kaibigan, dali-dali itong nagloload para magka connection. Ang tanong ngayon, nakakatulong ba ang video o picture na yon para madagdagan ang inyong budget sa pang araw-araw? Syempre hindi pero ginawa nyo kasi masaya naman kayo kung napanood o nakikita nyo ito. Di bale ng walang makain basta magka wifi lang sa bahay. Alam kung merong gumagawa ng ganito. Pero sa pangungutang na kailangan ng internet ayaw magbasa dahil walang pambili ng load pang connection. Hindi man lang iniisip na ito'y para sa pangangailangan nila o di kaya para sa pambili ng gamot. Nakuha ng nilang mag effort magload masilayan lang ang mga magagandang videos at picture ng kanilang kaibigan, ito pa kaya na kailangan talaga kasi kung hindi maaaring malalagay kayo sa alanganin.
Hindi kailangan gumastos ng malaki para magka internet. Ito'y based sa aking experience kanina. First time in the history na gumamit ako ng data, dependent kasi ako sa wifi. Nasa byahe ako at sinubukan ko. Nagpaload lang ako ng GoSurf15 para meron akong access sa internet while nasa bus. Sinubukan kong buksan ang blog, at nagbasa habang bumibyahe. Inabot ng kalahating araw, hindi pa rin naubos ang data connection ko. Ibig sabihin, hindi pala kailangan gumastos ng malaki para lang mabasa ang blog na kasalukuyan mong binabasa ngayon. Sa halang P15 kung TM ka, one to sawa na ang pagbabasa mo. Sigurado ako kahit sa isang oras na pagbabasa mo sa blog, marami kanang makukuhang impormasyon na magagamit mo sa pangungutang. Kung TNT ka meron ding Gaansurf15 para makapag data connection ka.
Isa lang talaga ang bottom line kung bakit ang daming rason pa na hindi mababasa ang blog dahil nasanay na tayo na lagi nalang isusubo sa atin ang mga impormasyon na gusto natin. Isang halimbawa, meron post na tungkol sa isang scammer pero ang into nito about pautang, hindi mawawala sa comment ang HOW? o Paano? Bakit nagcomment sila ng ganun? Dahil hindi po nila binabasa mula sa simula hanggang sa dulo. Alam nyo ba, based po sa mga nagiging biktima ng mga mananamantala ay umaamin na hindi sila nagbabasa. Ito'y ATAT sila na makautang dahil sa matinding pangangailangan. Marami ang nagman-man sa mga group page, nag-aantay ng mabibiktima. Kung hahayaan mo sila, sigurado masasama ka sa mga listahan nilang naging biktima.
Wag magpakatanga, magbasa at wag manghinayang magload kahit P15 lang, sigurado kaming marami ang matutunan mo at siguradong makakahanap ka rin ng mauutangan mo sa blog naming USAPANG PERA AT IBA PA! Lagi nyong tandaan, kung merong nagPM sa inyo na nagpapautang, maghinala na kayo, hindi ganon kadali ang magpapautang lalo na sa social media, karamihan sa mga ganun nagpapanggap lamang. Wag din kayong mag PM sa mga nagpo-post na NAGPAPAUTANG. Ito'y isang strategy din nila para mabiktima kayo. Papaikutin nila kayo at once nakuha na nila ang loob mo, magigising ka nalang, wala na ang pera sa wallet mo.
Kaya mag-ingat ng mag-ingat. Wag makikipag deal sa mga tao sa social media lalo na kung hindi mo ito kilala. Kaya magbasa ng magbasa sa aming blog para ma guide kayo sa tamang landas at hindi kayo iiyak sa bandang huli. Subay-bayan nyo lagi ang aming blog bawat araw kasi parati kaming nagpo-post para sa kaalaman ninyong lahat na mga mambabasa namin. Sana meron kayong natutunan sa aming blog at inaasahan namin na marami na ang makakaiwas sa mga manloloko.
Wag umaasa lagi sa free. Lahat ng free ay may kapalit. Hindi man ngayon pero sigurado sa susunod babalik din yon sayo. Kailangan nating gamitin lagi ang ating utak, lalo na ang initiative at common sense. para makaiwas sa mga manloloko. Huwag, matakot gumastos kung ito'y para din sa ikakabuti mo at sa buong pamilya mo.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.