Meron ka bang existing loan kay Moola Lending? Hindi na natin pag-usapan ang interest na meron sila kasi lahat naman tayo aware sa interest rate nila bago pa natin nakuha ang ating loan proceeds sa BANKS or sa Padala Center. Minsan, hindi talaga maiiwasan na mahihirapan tayo sa pagbabayad ng ating utang kay Moola Lending. Pero mabait naman si Moola. Nagbibigay naman ito ng palugit kung gugustuhin mong hindi muna magbabayad sa inyong existing loan.
Ang kailangan mo lang gawin ay bayaran ang interest na pinapatong nila sa principal amount na hiniram mo. Magkano ba ang PROLONG na babayaran mo sa kanila? Kung halimbawa tulad sa akin nakautang ng P20,000 sa kanila tapos ang interest nito after 30 days ay P6,000 so magiging P26,000 na ang babayaran mo. Kung hindi mo kaya bayaran ang P26,000 pwede kang mag apply ng prolong payment kay Moola Lending.
Parang e-re-renew mo lang ng another 30 days ang loan mo. Bibigyan ka ni Moola ng chance para makabayad sa full amount na P26,000. Kung hindi mo talaga kaya, pwede kang mag prolong ng mag prolong. Ang babayaran mo sa PROLONG ay ang P6,000 lamang. Automatic renewal na yon sa iyong exisiting loan na P20,000.
Paano ba magbayad ng PROLONG sa loan mo kay Moola Lending? Walang pinagkaiba sa pagbabayad mo ng full amount. Ganun pa rin, pupunta ka sa payment partner ni Moola Lending. Kung malapit lang sayo ang 7-Eleven, pwede kang magbayad sa kanila. Maaaring dumeretso ka sa Cashier or kukuha ka muna ng payment slip sa CLIQQ machine. Hanapin mo lang ang Dragon Loans at enter mo yong Reference number na binigay ni Moola Lending sayo through Email at sa text.
Kung malayo naman kayo sa 7-Eleven, pwede kayong magbayad sa Cebuana Lhuillier, LBC dahil tumatanggap din sila ng payments for Dragon Loans. Real time din ang posting ng inyong payment kaya after few minutes, pasok na sa account mo ang inyong binabayad. Bukod sa mga nabanggit na bayad centers, maaari din kayong magbayad sa SM Department stores, SM Hypermart, SM Supermart, SM Savemore at Robinson's Payment Center.
Grab the opportunity na bayaran nalang ang PROLONG payment kay sa hindi nyo babayaran ang lahat, yong principal at interest. Dahil tutubo pa ito at meron ka pang babayaran na penalty bukod sa interest. Kaya isiping mabuti at wag kalimutan ang responsibilidad mong magbayad dahil inutang mo yon sa kanila. Ang utang ay dapat bayaran.
Note: Kahit naka prolong ka at nabayaran mo na ang advance interest, meron kapa rin babayarang penalties dahil sa hindi mo naibalik ng buo ang pera na hiniram mo. Kaya mas mabuti bayaran nyo ang existing loan nyo at mag reloan nalang kayo.
Note: Kahit naka prolong ka at nabayaran mo na ang advance interest, meron kapa rin babayarang penalties dahil sa hindi mo naibalik ng buo ang pera na hiniram mo. Kaya mas mabuti bayaran nyo ang existing loan nyo at mag reloan nalang kayo.
pero bkit po ganun kahit mgbayad ng prololng my dgdag pa dn na 700
ReplyDeleteInterest yong binayaran nyo po. Hindi yon prolongation fee. Meron tayong isa pang post dito sa USAPANG PERA na pinaliwanag ko about sa interest fee at prolongation fee.
DeleteNagbayad kana ng prolong. May charge pang 700. Tindi talaga ni moola.
ReplyDeleteYong 700 yon ang sa prolong pero yong isa pang binayaran mo interest yon sa loob ng 30 days.
ReplyDelete