Saturday, February 17, 2018

PAGASA Philippines Lending Company Inc -Q & A

Frequently Asked Questions (FAQs)
1.Pwede ba ako maka-loan?
Pwede. Basta ikaw ay isang microentrepreneur – may maliit na negosyo tulad ng sari-sari store, bakery, computer shop, nagba-buy and sell, nagtitinda sa palengke, nagtitinda ng kakanin, nasa food processing at iba pa.

2. Nagpapautang din ba kayo sa OFW?
Sa ngayon ay HINDI PA. Wala pa kaming loan program para sa mga OFW. Ngunit pwedeng umutang ang pamilya ng OFW mula sa Pagasa.

3. Anu-ano ang mga loan products niyo?
Tatlo ang aming loan products:
small general loan (SGL) – nagkakahalaga ng P 5,000 o 6000 (unang utang) hanggang  40,000. Lingguhan ang bayaran sa loob ng 6 na buwan o 23 linggo (23 weeks). May 15% na interes.
small business loan (SBL) – depende sa kapasidad na magbayad. Ang unang utang ay nagkakahalaga ng 11,000 – 20,000.  Lingguhan ang bayaran sa loob ng 6 na buwan o 23 linggo (23 weeks). May 15% na interes.
small entrepreneurship loan (SEL) –  depende sa kapasidad na magbayad. Lingguhan ang bayaran sa loob ng 6 na buwan o 23 linggo (23 weeks). May 15% na interes.

4. Para saan ang loan products ninyo?
Ang aming loan products ginawa para pandagdag kapital sa mga may negosyo or nagnanais magnegosyo. Sa ngayon, hinid kami nag-ooffer ng educational loan, housing loan, loan para sa pagpprocess ng papeles para mag-abroad, personal loan etc.

5. Nagpapautang din ba kayo sa mga lalaki?
Karamihan sa mga borrowers namin ay mga babae na walang fulltime na trabaho at gustong kumita sa pagnenegosyo. Ngunit nag-ooffer din ang kumpanya ng loan (small business loan at small entrepreneurship loan) para sa mga lalaki na may negosyo.

6. Ano ang mga requirements para makautang sa Pagasa?
18 years old hanggang 60 years old
may maliit na negosyo na nasimulan
may inaasahang lingguhang kita
may co-maker (asawa, kapatid, tatay, nanay, anak na nasa legal age) at guarantor (kapitbahay, kakilala, kapamilya, kasapi ng grupo ng mga borrowers ng Pagasa).
barangay clearance
ID picture (borrower at co-maker)
filled out application form (ibibigay ng Development Officer) na may pirma ng borrower, co-maker, at guarantor
kailangang kasapi ka ng isang grupo ng mga borrowers ng Pagasa para umutang (SGL) ngunit hindi kailangang member ng isang grupo para sa SBL at SEL.
business permit (para sa SBL at SEL)

7. Ang utang ba ay individual loan o sagutin ng grupo?
Ang utang ay tinuturing na individual loan. Ito ay sagutin ng mismong borrower at hindi ng buong grupo katulad ng ibang microfinance. Ang grupo ay binuo upang magkaroon ng pagdadamayan sa mga borrowers at upang mapadali ang mga transaction tulad ng collection, meeting, at training.

Sa pagkakataong may mga miembro ng grupo na nagsilbi bilang guarantor o co-maker ng isang borrower, doon nagkakaroon ng shared responsibility ang borrower, co-maker at guarantor na mabayaran ang utang.


8. May collateral ba ang loan ng Pagasa?
Walang collateral ang loan ng Pagasa tulad ng mga ari-arian ng borrower. Upang masiguro namin na makakabayad ang mga borrowers, meron kaming ginawang Loan Collateral Build-up (LCBU) facility.
Ang LCBU ay weekly deposit ng at least PhP 50 pesos. Sa panahong walang pambayad ang borrower, maaaring magwithdraw mula sa LCBU upang tugunan ang kulang sa pambayad utang. Ang halaga ng LCBU at maintaining balance ay at least 10% ng kabuuang utang. Maaaring magwithdraw dito kung labis sa 20% ng loan amount ang halaga.

9. Paano ang proseso ng pag-aapply ng loan?
Kung ikaw ay bagong borrower, pumunta sa pinakamalapit na grupo sa inyong baranggay at magtanong tungkol sa Pagasa. Ang mga grupo ay may mga Group Leaders (President, Secretary at Treasurer) na maaaring sumagot sa mga katanungan.

Referral system ang ginagamit ng Pagasa sa pagrerecruit ng mga members at borrowers. Ang mga dating borrowers ang nagrerefer ng mga bagong borrowers sa aming mga staff.

Kapag inendorse ka ng dating borrowers, bibigyan ka ng application form na sasagutan mo at pipirmahan mo, co-maker at guarantor. Ipapaliwanag ang buong proseso ng pagutang ng aming mga DO.
Ibigay ang mga requirements sa DO. Pag kumpleto na ang requirements, magcconduct ng paunang bisita ang DO sa iyong bahay upang malaman ang katayuan sa buhay ng borrower (background check). Ang mga branch managers (BM) ay bibisita din para ivalidate ang ginawang pagccheck ng mga DO.
Kapag ok ang mga requirements ang at background check, ipprocess sa loob ng isang linggo ang inyong loan.
Makakareceive ka ng text o tawag kung magkano ang halaga ng pwedeng utangin at kung kelan at saan ito pwedeng kunin.
Ang loan releasing ay ginagawa sa aming branch office tuwing umaga (7-8am) o hapon (2-3 pm). Nag-iissue ang Pagasa ng tseke (check) na maaring iencash sa pinakamalapit ng bangko sa inyong lugar.

10. Paano kung wala pang grupo sa aming lugar?
Kung wala pang grupo sa inyong barangay, maaring pumunta sa aming branch na malapit sa inyo at ipahayag ang inyong interes na umutang o bumuo ng isang grupo (at least 17 na miembro). Ang aming DO ang magbibigay ng gabay sa pagbuo ng grupo. Ang mga bagong buong grupo ang maghahalal ng President, Secretary at Treasurer na magsisilbing lider ng grupong nabuo.

 11. Paano ang pagbabayad ng loan?
Ang aming mga Development Officers (DO) ang pumupunta sa mga group meeting place upang magconduct ng weekly meetings at mangolekta ng weekly payment sa loan (SGL).

Kailangang umattend ang mga borrowers ng weekly meetings upang manatiling updated sa mga polisiya ng kumpanya, maging updated sa balanse ng utang at LCBU, at matuto sa mga learning sessions.
Sa mga kumuha ng SBL at SEL, ang aming mga DO ay direktang nangongolekta sa bahay ng borrowers.
Source: http://asa-international.com.ph/products-and-services/frequently-asked-questions-faqs/

1 comment:

  1. T whom it may concern,
    I'm already a member of Pag-Asa Lending Company-Palatiw,Pasig branch. Tatanong ko lang po sana if may hulog ng May 1, 2018 Labor Day? Thanks in advance!

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.