Ang UTANG ay dapat bayaran at hindi dapat tatakbuhan. Maraming taong hindi humaharap sa responsibilidad pagkatapos maubos ang perang inutang sa kahit nino man. Oo, maaaring makakaisa ka ngayon pero darating din ang araw na ikaw din ang maisahan. Mabuti na yong nagbabayad ka ng utang para makakatulog ka ng mahimbing. Maraming mga tao na hindi na tinatablahan ng konsensya at instead mas lalo pang nanamantala sa ibang tao. Siguro naging manhid na sila at puro kademonyohan na ang pumasok sa kanilang utak. Malamang magpakasaya muna kayo sa mga kagaguhan na ginawa nyo pero sabi pa ng karamihan, DIGITAL na daw ang KARMA ngayon. Problema ang mga halang ang bituka at walang kaluluwa ay hindi naniniwala sa ganitong patutsada ng mga naging biktima.
Paano ba tayo makakabayad ng utang na hindi tayo mahihirapan? Maraming factors na dapat nating e consider para magawa natin ang pagbayad ng ating utang na hindi na kompomeso ang ating budget sa pang araw-araw.
1. MOTIVATION: Ang utang ay dapat bayaran. Dapat laging nating isaisip na ang utang ay hindi pwedeng burahin sa ating isip o kahit sa papel man. Hindi lahat ng pagkakataon ay mayron tayong pangbayad sa ating mga utang pero dapat nating tandaan na umutang lamang tayo sa halagang kaya nating bayaran. Huwag tayong umutang mahigit pa sa kakayahan natin magbayad.
2. BUDGETING: Spend Less Than You Earn. Marami sa atin, lubog na nga sa utang makuha pang maging social sa madla. Marami sa mga ito ang kadalasan kumakain sa labas o sa mga mamahaling mga restaurant o mga food chain. Hindi iniisip ang gagastusin sa pagkain sa labas kay sa magluto nalang muna sa bahay at makakatipid pa. Oo gusto talaga nating makibagay sa iba pero kung kapos tayo, pwede naman sigurong ipagpaliban muna natin ito. Saka nalang tayo kakainin sa labas o sa mga mamahaling restaurant kung wala na tayong inisip na babayarang utang.
3.CHANGE YOUR HABITS : Your daily habits and routines are the reason you got into this mess. Marami sa atin masaya na kapag nakita silang kumakain sa labas kasama ang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Minsan pa nga nanlilibre pa ito kahit kapos sa budget at may malaking utang ang binabayaran. Bakit kapa gustong mapuna sa kabaitan mo kung wala naman laman ang bulsa mo. Ang masaklap pa, hinahabol kana ng inutangan mo at pati sa pagtulog mo ay hindi mo na makuhang matulog ng mahimbing sa pag-iisip saan kukunin ang pangbabayad mo. Spend some time thinking about how you spend money each day, each week and each month ay makakatulong sa iyo para maiwasan ang hindi kailangan mga gastusin sa bahay o sa sarili. Halimbawa nalang sa trabaho, bakit hindi ka nalang magbaon para makatipid kay sa kakakin kapa sa labas at gagastos ka ng todo.
4. Sell Unwanted Gifts And Household Items: Pagmasdan ang loob ng iyong bahay. Tingnan ang mga gamit na masasabi mong hindi na kailangan. Kung maayos pa naman at pwede pang mapakinabangan, bakit hindi mo nalang ibinta at gumawa ka ng garage sale sa bahay nyo o sa online account mo. Sa ganitong paraan mapakinabangan mo pa ang mga ito.
5. Borrowing Money For A Small Business Sometimes Works: Kailangan nating baguhin ang ating pag-iisip. Kung dati nakasanayan natin palagang nagpapalabas ng pera sa bulsa, ngayon dapat ang laging nasa isip na, palagi tayong may pumapasok na pera sa bulsa. Paano magagawa ito? Simple lang, kailangan mong magka business o meron kang negosyo. Hindi kailangang malaki ito. Magsisimula ka sa maliit. Kahit magbibinta ka lang ng airtime load sa mga telcos. Tanging negosyo lang ang paraan para tuloy ang pagpasok na pera sa bulsa mo. Kung hindi mo alam paano mag negosyo, mag research kayo. Lahat ng kailangan mo ay hawak kamay mo na sa pamamagitan ng inyong gadget maaari kanang makakuha ng completong detalye paano magkanegosyo. Tanging negosyo lang ang nagpapayaman sa tao, saan ka nakakita ng isang empleyado na yumayaman? 100% wala...oo wala kang makikitang empleyado na mayaman. Mayaman lang sila sa UTANG.
6. WILLINGNESS - Kahit meron kang pambayad at sobra-sobra ang pera mo, kung wala ka rin namang willingness to pay o wala kang planong magbayad, hindi talaga mababayaran ang mga utang mo. Dapat mong tandaan na hindi lahat na pagkakataon meron tayo. Sa ayaw at sa gusto natin, mangangailangan din tayon ng ayuda o tulong. Kumusta naman kung ang mga utang mo ay tinalikuran mo? Paano na kaya kung darating ang araw mangangailangan ka uli dahil may sakit ang isa sa pamilya mo? Sigurado akong mahihirapan ka, kaya habang maaga pa. Bayaran mo na ang utang mo.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.