Ang mga guide at tips sa iba't ibang lending companies ay isinulat namin sa blog para doon nyo mababasa kay sa magtanong kayo kahit saan-saan nalang at minsan nakakatanggap pa kayo ng mga hindi magagandang sagot. Ang masaklap pa, kung ang makakasagot sa inyo ay SCAMMER, siguradong mahuhulog kayo sa mga PAIN nila at maging isa kayo sa mga BIKTIMA nila. Instead na matulungan kayong makautang, mas mababaon pa tuloy kayo sa UTANG lalo na kung ang pinagbayad nyo sa SCAMMER ay inutang nyo din. Kung sakaling FREE DATA kayo, hindi problema ang load kasi pwede naman kayo pagpalod kahit sampu para lang ma access ang blog namin. Para sa TM at GLOBE users magpaload lang kayo ng GOSURF10 at para sa SMART naman, magload kayo ng ALL OUT SURF 20, 150MB data, unli allnet txts at 20mins call to Smart at TNT. Samantalang sa TNT users naman, magload kayo ng Gaansurf10 para sa buong araw na pagbabasa sa blog na ito.
Kung ikaw naman ay gumamit ng de-keypad na cellphone, pwede kayong pumunta sa mga pesonet para makapag access sa aming blog. Kung ang rason nyo ay nahihirapan na kayong mag facebook dahil keypad lang kayo, tatanungin ko kayo, LAHAT BA NA BAGAY SA MUNDO makukuha mo sa madaliang paraan? Kung ang sagot mo OO, naku hindi po kayo bagay dito. Naniniwala ako na ang mga bagay sa mundo mahirap makuha lalo na sa PANGUNGUTANG. Kung nahihirapan kang mangutang sa magulang sa kamag-anak mo, mas lalo na po dito. Isa lang naman ang pinaka madaling mag approved ng UTANG, alam mo ba kung sino? SIla lang naman ang mga SCAMMER na PAAASAHIN KA LANG at ang ENDING, ikaw ay uuwing LUHAAN.
Sa panahon ngayon kinakailangan pa rin nating patuloy na maghirap para makuha natin kung ano man ang gusto nating makamit sa buhay. Alam nyo kung bakit? Iba pa rin ang pakiramdam at kahulugan sa salitang success para sa'yo. Lahat ng bagay may proseso at kailangan mong dumaan muna nito para makuha mo ito. Meron bang doctor o engineer na hindi nahihirapan, basta nalang natapos nya ito? Siguro meron dahil binabayaran nya ang professor at ang unibersidad. Sa palagay mo ano kaya ang pakiramdam nyo nong natanggap nya ang diploma, kasi saya kaya nong mga taong dumaan sa lima hanggang sampung taon pabalik-balik sa eskwelahan? Syempre hindi.
Walang imposible sa mga bagay na gusto mo kung talagang interesado ka nito. Simple lang naman ang logic nyan. Kapag gusto mo ang isang bagay, maraming paraan pero kung ayaw mo sa isang bagay maraming dahilan. Hindi naman pwede sabihin natin, hindi mo gusto umutang, dahil yon ang main rason mo kung bakit napunta ka dito. Ang problema lang kasi natin lalo na sa mga Filipino, gusto natin ng instant. Yong natutulog ka lang at pagising mo andyan na sa harapan mo. Ayaw nating mahihirapan, eh simula bata palang tayo, sanay na tayo sa hirap.
Kung ayaw nyong mahirapan, huwag nalang kayong umutang. Dahil after several days mahihirapan din kayong maghanap kung saan nyo kukunin pambayad nyo lalo na kung ang sahod mo ay kulang-kulang sa pang araw-araw na budget nyo. Kaya kung interested kayo at gusto nyo hindi magmukhang tanga habang ginagawa nyo ang paglo-loan, inaanyayahan namin kayong basahin ang aming blog at palaging bisitahin ito every time na may internet connection kayo dahil everyday din meron kaming update dito tungkol sa mga lending companies na pwede nyong mauutangan. Huwag maging tamad at umasa sa iba dahil hindi ganyan ang ugaling Pinoy.
ReplyDeleteApply poh ako