Nitong buwang ng Marso, lahat na lending company na may loan ako, hindi ko na inantay ang due date para e settle ang obligasyon ko. Sa Pera Agad at Moola Lending ganon ang ginawa ko, a day before my due date ay binayaran ko na ang due amount ko. Kaya walang pinagkaiba kay Tala Philippines.
Ano si TALA?
PLEASE READ MY TALA EXPERIENCE
Bukas pa sana ang due date ko pero binayaran ko na pagkadating sa bahay ng mga nagtatrabaho sa aking cellphone shop. Gamit kasi sa shop ang old android ko dahil COINS ang pinaglo-load namin sa customers para ma avail namin ang 10% discount, 5% more compared sa traditional na retailer sim ni Smart, Globe at Sun. Ang kagandahan sa COINS, hindi lang sa loan nagagamit pati na rin sa bills of payment. Kung gusto nyong malalaman ang iba pang gamit ni COINS please read this link: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/how-coinsph-works.html
Ano si TALA?
Ang Tala ay isang company na naka based sa Makati, Philippines. Layunin nito na matulongan ang bawat Filipino na mapabilis ang pagkuha ng LOAN lalo na during emergency. It takes around 5 minutes lang po without having to visit ANY BANK or STORES, you know if you get the amount you LOAN. Ang kailangan lang ay mayron kang SMARTPHONE or android phone para ma downloan at install mo ang kanilang apps.
PLEASE READ MY TALA EXPERIENCE
Bukas pa sana ang due date ko pero binayaran ko na pagkadating sa bahay ng mga nagtatrabaho sa aking cellphone shop. Gamit kasi sa shop ang old android ko dahil COINS ang pinaglo-load namin sa customers para ma avail namin ang 10% discount, 5% more compared sa traditional na retailer sim ni Smart, Globe at Sun. Ang kagandahan sa COINS, hindi lang sa loan nagagamit pati na rin sa bills of payment. Kung gusto nyong malalaman ang iba pang gamit ni COINS please read this link: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/how-coinsph-works.html
Mga 8pm na yon ng kunin ko ang cellphone pagkatapos naming kumain at binuksan ko agad ang Coins app sa aking cellphone. Syempre tulad sa nakaugalian, pinindot ko agad ang MAKE PAYMENT. Ilang segundo lang, meron agad akong natanggap na text kung saan pwede kung bayaran ang due amount sa 7-Eleven. Dahil more than 5 times ko ng hindi ginamit ang 7-Eleven mode of payments after my first loan kaya doon na ako sa nakasanayan ko na ang pagbabayad sa pamamagitan ng COINS wallet. Mula pangalawa kong reloan kay Tala, puro instant or real time ang posting ng aking binayad. Wala pang dalawang minuto updated na agad at pwede na akong magreloan.
Kanina, iba ang nangyari pagkatapos kong e accept ang request for payment through coins. Naka WAITING FOR CONFIRMATION ang nakalagay. Matagal-tagal ding pag-aantay bago na confirmed makatanggap ng text mula kay Tala na bayad na ang loan ko. Inabot din ng mahigit 20 minutes pero dahil marami akong ginagawa sa laptop, hindi ko nalang pinapansin para hindi ako ma bored. Nong matanggap ko na ang text agad kong kinuha ang cellphone para tingnan ang Tala apps kung updated na ito. Nakita ko na FULLY PAID na ang nakalagay sa apps kaya it's time to reloan again.
Sa 6th reloan ko, P4,000 ang inaproved nila sakin. Kaya, ngayon expected ko na P4,,500 ang ibibigay nila. At yon na nga ang nangyari, granted na ang P4,500 at pinapapili ako kung anong mode ang disbursement ng aking loan. I choose COINS wallet para mas mabilis ang pagpasok ng pera sa coins account ko. Natapos ko na ang step by step reloan process, at nabasa ko na rin sa apps na THEY'RE sending my loan sa aking coins wallet. Kaso naka limang minuto na akong nag-aantay pero hindi pa rin dumating. Tuloy pa rin ang pagtatrabaho ko sa laptop at siguro mga 15 minutes, finally dumating din ang P4,500 sa coins wallet ko.
Kahit naman na delayed ng kunti ang posting ng payment at pagkatanggap ng aking reloan. Hindi nawawa ang tiwala ko kay Tala. Tulad nong dati, #1 pa rin sa puso ng karamihan at kasama na ako doon na lubos na nagtitiwala sa Tala na napakabilis nilang mag approved ng reloan, na wala kang tawag na matatanggap. Tanging text lang ang palaging tumutunog sa cellphone. Bilib ako kay Tala dahil hindi sila mahirap kausapin. Ilang pindot lang ng inyong cellphone, makakahiram kana sa kanila.
Kung sakaling nag-isip ka na wag magbayad kay Tala, sana wag mo ng ituloy. Dahil sa gagawin mo, maraming mga tao ang ninakawan nyo ng opportunity na makahiram kay Tala. Sana isipin nyong mabuti ang responsibilidad nyo bilang nanghihiram. Kapag sinabing manghiram, dapat itong isauli sa tinakdang panahon. Ang utang ay dapat hindi pwedeng burahin sa isip lamang. Kung kaya mo man itong burahin sa papel, pero sa isip manatili ito hanggang kamatayan. Papahirapan mo lang sarili mo kung nagkataon.
Sa mga nagnanais mangutang, subukan nyo ang bilis at ang pagkamatulungin ni Tala Philippines. Kapag, magaling kang borrower, meaning laging nagbabayad on time...papahiramin ka nya hanggang ikaw na mismo ang magsasawa. Para sa tips at guide tungkol sa Tala, basahin nyo ang iba pang mga post namin dito tungkol sa Tala Philippines.
Sa ngayon nagiging Gold member na ako kay Tala. Matagal din akong nanatili sa pagiging Silver member. Ibig sabihin nito, confident na si Tala na pautangin ako dahil good payer ako simula pa nong umpisa hanggang ngayon. Almost kalahati na ako sa maximum amount na binibigay ni Tala sa kanilang mga client. On my 8th reloan, half way na ako para sa P10,000 maximum reloan ni Tala. Kaya, pinapangako ko kay Tala, hindi ko sisirain ang credit standing ko sa kanila, hanggang may utang pa ako, I will try my best to pay it ON TIME.
Para sa mga gustong subukan si Tala Philippines, basahin nyo ang complete guide sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/tala-philippines-how-to-apply-loan.html
Para sa mga gustong subukan si Tala Philippines, basahin nyo ang complete guide sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/tala-philippines-how-to-apply-loan.html
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.