Marami ang nagtatanong kung meron pa bang Happy Loan ang Cebuana Lhuillier sa ngayon? Marami ang natapos ng bayaran ang kanilang Happy Loan tulad ko pero hindi agad nakapag reloan pagkatapos ma fully paid ang aking loan. Kung nasundan nyo ang unang post ko dito, sinabi ng Cebuana Branch Manager sa akin na babalik ako pagka next week dahil hindi agad ma-update ang payments ko. Alam ko seryoso sya doon sa sinabi nyan na balik nalang ako sa susunod na linggo. Kaya kahapon bumalik ako upang magbayad ng electricity bill namin, pwede ko naman utusan ang mga tauhan ko para gawin yon pero ako na mismo ang pumunta doon para ma clarify ang concern ko.
Sakto nandon ang manager sa pagpunta ko sa branch. Tapos kung bayaran ang electricity bill namin, tinanong ko siya kung kumusta na yong Happy Loan? Pwede pa ba akong mag reloan. Ngumiti siya sa akin at mahinahong sinabi, sir wala ng Happy Loan. Hininto na ni Cebuana Lhuillier dahil ang daming HINDI nakabayad. Sabi ko, "Talaga?" at sabay alis. Marami pa sana akong sasabihin pero madami kasing tao sa time na iyon kaya minabuti kung umalis nalang.
Actually, may mali sa nagiging desisyon ni Cebuana Lhuillier. Dinamay nya ang lahat na good payer, considering lahat na nagloan ay hindi nagbayad. Dapat itinuloy ito pero sa mga good payer lang. Masyado din kasing maluwag ang requirements kaya ang dami ding tumakbo sa kanilang mga pangako. Marami talagang taong mapagsamantala, sobrang sama ng kalooban. Makuhang manloko at manlinlang para makakain at ipakain sa pamilya nila. Kung sakaling alam ng pamilya nila na ganon ang ipinakain sa kanila, ano kaya mararamdaman nila? matutuwa kaya sila? Pagkatapos malalaman na galing sa panloloko ang kinakain nila?
Meron naman ding hindi nakapagbayad, na hindi sinasadya. Siguro nagka emergency kaya nagamit ang pambayad pero talagang likas na sinadya na hindi magbabayad. Ang masaklap ang dami na nila ngayon. Yong mga scammer, alam kaya ng pamilya nila ang mga panlolokong ginawa ng kamag-anak para lang mapakain sil? Daming tanong pero sila lang ang pwede makasagot.
Sa ating mga matitino, kapag meron tayong utang hindi tayo nakakatulog. Lalo na kung malapit na ang bayaran, mag-iisip saan kukunin ang pambayad. Paano pa kaya kung mang-scam mas lalong hindi tayo makakatulog. Bilib talaga ako sa mga scammers, nakakain at nakakatulog sila ng mahimbing sa panloloko nila. Sana makaranas din sila ng maloko para mararamdaman din nila kung ano ang feeling na naloko.
Anyway, sayang ang umaasa na makapag-apply at maka reloan sa Happy Loan ni Cebuana Lhuillier. Malamang, e clear out muna nila ang mga hindi bayad na mga LOANS. Nag-iisip pa siguro sila ng alternatives o mga paraan paano masingil ang mga nakautang. Baka lalapit pa sila sa police para puntahan isa-isa ang mga umutang na hindi na binabayaran. Sayang, maganda pa naman ang offers nila para sa mamayang Filipino. Mabilis na approval at maliit lang na interest. Goodbye Happy Loan.
Tama ka po sa sinabi ninyo kawawa yung mga good payer na deserving makbalik sa happy loan. Siguro na check and balance Ng cebuana baka mas lamang po yung may utang pa kesa nakabalik na bayad.
ReplyDeleteMalamang yon talaga ang malaking dahilan kung bakit nila pinahinto...mas ganado ata sila sa jewelry loan dahil may colateral...kung sakaling hindi magbabayad, at least may hawak silang pwedeng kikitain pero yong sa pautang nila...wala silang habol kung hindi nagbabayad...ang daming nakautang nong time na bukas ang pautang nila...hindi ata sila marunong magkilatis ng tao dahil nasanay lang sa opisina, prenda at tubos lang pagdating sa pagkilatis ng mga marurunong sa mga utangan wala silang alam kaya doon sila nalugi.
Delete