Noong nakaraang mga araw, approved na ako sa aking 2nd cycle loan sa Esquire Financing, Inc. Kahit kulang pa ako ng isang payment for my last due date, still binigay pa rin nila ang pera for my reloan. Kung nasundan nyo ang story about them, napakalayo ng kanilang office sa resident address ko. Nasa Taguig City ang office nila samantalang nasa Davao Region ako pero pinagbigyan nila ako na makapasa sa business loan service nila. Most of the Lending companies na meron tayo sa Pilipinas, kapag above P30,000 ang loan mo, kailangan talagang pumunta ka sa opisina nila para magloan o e claim ang loan proceeds mo. Pero sa Esquire Financing, Inc hindi na po nila ako pinaluwas ng Taguig para kukunin ang loan proceeds ko.
Ang aking maganda ang napakabait na loan specialist, siya ang nag assist sa akin sa lahat na kailangan para ma-approved at hanggang makuha ko ang aking pera. Ang pinaka nagustuhan ko sa 2nd loan ko sa kanila, isang documents lang ang hinihingi upang maisalang ako sa loan evaluation department. Humingi lamang sila ng aking tatlong buwang Bank Statement. After 5 working days, I received a call na approved na yong reloan ko. Ang first and trial loan ko ay P50,000 at ngayon sa 2nd loan, naging P100,000 na ito. Kung sa 1st loan ay pinili ko ang 4 months term amortization, ngayon sa 2nd loan ginawa ko itong 12 months. Every 15 days ang bayaran ng Esquire Financing, Inc. Ibig sabihin I issued 2 PDC every month. So, sa 12 months na payments term, nagpadala ako ng 24 PDC sa kanilang opisina sa Taguig through LBC.
Nag-apply ako sa aking 2nd cycle noong March 10, 2018. Sa panahong iyon, meron pa akong dalawang due date na babayaran sa March 14 at March 27. Habang pina-process ang loan ko, nag clear na yong March 14 post dated checks ko sa kanila. Buong akala ko, kailangan mabayaran ko muna ang last due date ko sa March 27 bago nila ipapa-process ang reloan ko pero kahapon, Lunes March 26 pagkatapos nilang matanggap nong Sabado, March 24 ang signed promissory note at ang PDCs na pinadala ko sa LBC, dahil walang opisina sa Sunday, agad-agad pagka Monday, pinasok agad nila ang loan proceeds sa aking bank account, ni wala ng tawag galing sa kanila. Nagulat nalang ako kagabi, pag check ko sa aking account meron ng P95,000 na laman.
Bakit P95,000 nalang ang pumasok sa bank account ko? Tulad sa ibang lending companies meron ding mga charges na dapat babayaran. Isa na dito ang service fee, documentary stamp, attorneys fees at iba pa. Sa P5,000 na iyon, doon din kinukuha nila ang referrals fee na ibibigay sa taong nag introduce sayo about Esquire Financing, Inc na meron ding existing loan sa kanila. Mas mababa ang service o processing fee na binabawas ng Esquire Financing compared sa ibang lending companies. Mabilis pa ang proseso nila at wala ng daming requirements lalo na kung 2nd loan mo na. Para sa akin, pangalawa sa Tagum Cooperative ay Esquire Financing. Sila ang dalawang nagpahiram sa akin ng P100,000 na hindi kalakihan ang interest.
Ang kagandahan sa Esquire Financing kahit meron ka pang natirang babayaran sa kanila, binibigay nila ang loan proceeds mo na hindi binabawas ang unpaid amortization mo. Akala ko, bukod sa service at processing fees na binawas nila, binabawas din nila ang unpaid loan balance ko pero based po doon sa total money na pumasok sa account ko, hindi nila binawas. Nakapaka ganda ng kanilang proseso kaya I HIGHLY RECOMMEND ESQUIRE FINANCING sa mga kakilala ko.
Kung gusto nyong mag-apply ng BUSINESS LOAN sa ESQUIRE FINANCING, INC kailangan meron kayo sa mga ito:
1. 2 valid ID
2. Bank Statement (3 consecutive months
3. Checking or Current Account
4. Physical Store (Dapat meron kayong office or shop)
5. Mayors Permit
6. DTI
7. Photo of you office or shop.
Kung meron kayo sa mga nabanggit na requirements sa itaas, maaari ko kayong tulungan para ma accomodate ang loan application nyo sa kanila at ma indorse ko kayo sa loan specialist na humawak din sa akin para smooth ang loan application nyo. Please lang po kung merong isa o dalawang wala sa inyo, huwag na po kayong mag-apply para hindi kayo mahihirapan. You can drop me an email through this address: pinoypautangonline@gmail.com
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.