Happy Loan -Nagpapautang na Uli

Share:
Kamailan lang, sinabi ng Cebuana Lhuillier na STOP muna ang HAPPY LOAN. Pero this week, maraming lumalabas na usapan tungkol sa pagbabalik ng Happy Loan. Ang biglaang pagstop nila nong nakaraan ay naging palaisipan sa lahat lalo na sa mga tapos ng magbayad. Ito'y dahil maraming gustong makapag reloan agad tapos nilang bayaran ang kanilang Happy Loan. Marami ang hindi nasiyahan sa resulta ng pag stop ni Cebuana sa kanilang micro lending service.

Merong mga branch na nagsasabing hindi naman daw nawawala ang Happy Loan, binago lang ng management ang mga guidelines at policies nila. Malamang meron silang nasilip o na experience na hindi maganda. Siguro mas marami pa rin ang nakapagbayad kay sa mga hindi. Dapat doon sila mag focus sa mga nagbabayad. Ibig kung sabihin FOCUS on the POSITIVE SIDE instead doon sila sa negative. Kikita din naman sila pero dapat lang talagang mag-iingat dahil sa panahon ngayon maraming mapagsamantala.

Speaking of fraud, marami talagang oportunista ngayon kay sa noon. Nanamantala sa kahinaan ng iba lalo na sa usapang pera at iba pa. Isang halimbawa nito ay ang pautang. Napansin ko rin bilang borrowers ni Happy Loan, masyadong maluwag ang guidelines at policies ng Cebuana. Biruin mo, pwede kang maka LOAN sa kanila kahit ang proof of address mo ay hindi nakakapangalan sayo. At ang proof of income kahit remittance ay tinatanggap nila. Maraming nakakapagloan kahit hindi malinaw kung saan nila kukunin ang pangbabayad nila sa Happy Loan. Kaya ang ending ngayon, sumablay lahat at nalulugi ang Cebuana. Ang masaklap, yong mga good payer ay nadadamay sa walang kwentang panukala na hindi pinag-aralan ng mabuti. 

Naglipana ang mga scammer, naglipana ang ang mananamantala. Hindi lang ito nangyari this year, matagal na ito. Imposible kung hindi ito alam ni Cebuana. Hindi sila nag-iingat sa mga taong masasabi nating halang ang bituka at mga walang kaluluwa. Kaya ngayon ito na ang naging resulta, nagkahigpitan na sa Happy Loan.

Isang kakilala, sa pagnanais na makapag reloan ay nag renew ng kanyang barangay permit para lang makakuha ng mga requirements. Syempre, wala ng libre ngayon kung kukuha ka ng mga kaukulang papel sa negosyo man or for personal used. Sabi pa nya, ang bayad sa barangay permit ay P500. Tapos nyang makuha iyon, nag-apply agad siya sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier branch. After the day, nag follow-up agad siya sa Ka-Cebuana Fan Page regarding sa kanyang loan application. Ang sagot DISAPPROVED ang kanyang loan dahil hindi siya pumasa sa CREDIT SCORING.

Ano ba ang CREDIT SCORING?
Ang sagot ng wikipedia: 
credit score is a numerical expression based on a level analysis of a person'scredit files, to represent the creditworthiness of an individual. ... Lenders use credit scores to determine who qualifies for a loan, at what interest rate, and what creditlimits. 

May iba't-ibang pamamaraan ang mga lending companies sa pagbibigay ng credit score sa bawat loan applicants. Una, kadalasan naka focus ang credit scoring sa iyong proof of income. Kailangan may stable na trabaho at may kalakihan din ang sweldo. Pangalawa, ang iyong proof of address dapat malinaw at nakapangalan sa iyo. Pangatlo, yong buong personal details mo ay hindi kahinahinala. Bawat detalye ay may kaakibat na score na binibigay ang mga loan evaluators. Kung hindi ka umabot sa credit score na pasado sa kanila, sad to say, siguradong DISAPPROVED ang loan application mo.

Ngayon lang nagising ang Cebuana sa bagay na ito. Marami na ang nadismaya lalo na yong nakapag loan na sa kanila nong nakaraan. Kaya kung sa palagay mo tagilid ang status mo lalo na sa tatlong example na basihan para sa credit scoring, wag na kayong mag-apply kong kailangan gumastos pa kayo para lang makakuha ng requirements. Pero kung risk-taker kayo, mas maganda naman na masubukan para magkaalaman.

Sa mga gustong mag-apply ng Happy Loan, sundan nyo lang ang guide sa blo na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/loan-loan-sa-cebuana-hassle-free.html

10 comments:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.