Wednesday, March 21, 2018

Happy Loan - Tuloy Naba?

LOAN LOAN LOAN! 

Yan ang sigaw ng karamihang Ka-Cebuana Clients pagkatapos malalaman na, nagstop na ang pautang ni Cebuana Lhuillier na Happy Loan, ito'y dahil marami daw ang hindi nakakabayad. Totoo ba talaga ito? Ano kaya ang iba pang dahilan bakit biglaan itong nawala sa ere? Ano kaya ang balidong rason sa likod ng mga haka-hakang nagawa tapos ng biglaang pagkawala?

Maraming nagtatanong kung meron pa ba o babalik pa ba ang Happy Loan ng Cebuana Lhuillier. Kung natandaan ninyo, mahigit isang buwan na simula nong nabayaran ko ang aking last payment sa aking Happy Loan.  February 15, 2018 ang last due ko sa kanila. Nong araw ding iyon, binayaran ko  sa kanilang branch kung saan ako nag-apply. Pero nag message ako sa kanilang facebook fan page kahapon at tinanong kung ano ang status ng aking previous loan.  


Wow! Nagulat ako, hindi pa daw cleared at subject for tagging pa daw sa collection department. Kaya naman pala hininto nila ang Happy Loan service nila dahil mabagal ang kanilang posting. Kung ang reason nila dati kung bakit stop sila sa pagpapa loan ay dahil maraming hindi nagbabayad, mukhang hindi balid na ngayon. Meron talagang problema sa system nila kung bakit hindi agad nila ma update ang mga payments ng mga nagbabayad.


Kahapon meron din akong nakausap na isang Happy Loan client din nila, kinulit nya ang fan page nila at nagreply ang isa sa kanilang representative na pwede na uli siyang mag apply ng loan dahil cleared na daw ito sa system nila. YON NAMAN PALA! Kailangan pang mag antay ng matagal bago ma cleared ang pangalan mo sa iyong previous loan sa kanila.


Kung sino sa inyo na bayad na ang inyong loan for more than 2 months, subukan nyo uling pumunta sa kanilang branch para mag reloan. Siguraduhin lang na cleared na ang inyong utang sa kanila. Sa totoo lang nagustuhan ko yong Happy Loan compared sa iba pang online lending companies. Bukod sa maliit ang interest, kunti lang ang kailangang requirements na e submit sa kanila.


Hindi ko na sinubukan pang pumunta sa branch para magtanong, antayin ko ang message nila uli sa akin sa facebook na pwede na akong mag reloan. Nong nagtxt ako last time, stop pa kasi sila sa Negosyo Loan, yon ang balak kung aplayan instead sa Happy Loan para mas malaki ang approval. Ang Happy Loan ay hanggang P15,000 lang ang pwede nilang ibigay. Sa Negosyo Loan, aabot ito ng P50,000.

Para maliwanagan kayo, mas mabuting puntahan nyo ang pinaka malapit na Cebuana Lhuillier branch na pwede nyong pagtanongan sa kanilang Loan service.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.