Sunday, March 04, 2018

Higher Loan Interest -Makatarungan Ba?

Noong nakaraang araw lang, pinalabas sa FAILON NGAYON ang tungkol sa mga Lending companies na nagbibigay sa mga client nila ng matatas na interest tulad nalang sa Moola Lending at ang serbisyo ng mga bombay, ang 5-6. Pero sa totoo lang hindi naman ang 5-6 at Moola Lending ang may pinakamataas na interest. Bakit nakatutok sila sa Moola Lending pero ang Robocash na pinakamalaki sa lahat ay hindi na imbestigahan? Sa katunayan mas pinipilahan pa ang kanilang mga branches na makikita sa tapat ng train station.

Para sa akin, hindi talaga makatarungan ang napakalaking interest sa pinapataw sa mga nangungutang. Ang problema lang kasi sa bansa natin, kung sino pa yong may maliit na interest sila pa yong sandamakmak na requirements ang kinakailangan. Sa tingin nyo ba, ma grant ng loan ang mga ordinaryong mamayan sa bangko at sa mga malalaking lending companies? Suntok sa buwan ang mararanasan mo kung subukan mo lumapit sa mga yon.

Ang kagandahan sa mga high interest na lending companies, sila yong mga walang kuskos balungos pagdating sa usaping pera at utang. Bukod doon wala kang pepirmahan na sobrang daming dokumento. Napakabilis pa ng release kay sa mga yong ang daming pepirmahan. Kaya para sa mga ordinaryong mamayan pipiliin pang mangutang sa mga high interest lending. 

Maraming dapat tandaan sa mga gustong umutang. Bago tayo mag decide na uutang dapat pag-isipan natin kung saan tayo kukuha ng pambayad kung sakaling magkaproblema. Hindi lang natatapos ang problema sa pagkahawak mo na sa pera na inutang mo. Saka lang ito matatapos kapag nabayaran mo ng buo ang inutang mo sa inutangan mo.

Kaya nagkaproblema ang mga nangungutang dahil ang akala kasi nila, kapag hawak na nila ang pera na inutang nila. Kaya sa oras na ng bayaran, doon pa nila naisip na may problema pa pala sila, eh sobrang huli na lalo na kung ngayon na ang araw ng bayaran. Kung inisip kasi nila ang kanilang responsibilidad bago pa dumating ang due date, hindi sana nagkaka problema. Kahit malayo pa ang araw ng bayaran, nag-iisip na kung saan kukunin ang pambayad sa inuutangan. Napaka irresponsible kasi karamihan ng mga nangungutang. Walang pakialam basta napakinabangan na nila ang pera na inutang nila.

Ang nangyari kung nagka problema, ayon iiyak na at kung saan naghahanap ng masusubngan. Kaya din naman gumawa ng paraan ang mga high interest lending ng paraan para makabawi sa mga itinakbong pera sa mga nangungutang. Malaki din ang naitakbo sa kanila kaya sa iba sila bumabawi. Importante tuloy ang nesgoyo nila at the same time marami pa din ang matutulongan.

Total napag-usapan na natin ang Moola Lending. Para sa akin, OK sila pagdating sa pag approved ng loan at pagpapasok ng pera sa account mo dahil wala ng hinihinging isang sakong requirements. 


Nasa anim na cycle na ako kay Moola Lending at pangatlo sa P20,000 approved loan na wala ng tawag galing sa kanila kapag nag reloan ako. Dahil kailangan ko kaya patuloy ko pa rin silang inuutangan. Ang lagi ko lang iniisip kahit nasa kamay ko na ang pera, ang araw na dapat babayaran ko ang aking loan sa kanila. Hindi ko iniisip ang PROLONGATION FEE. Dahil, kahit bayad kana, meron ka pa ding P700 na penalty na ipapatong nila sa principal amount na inutang mo. Kaya ang iba nagtaka bakit lumalaki ang utang nila na bayad naman sila sa prolongation fees? Hindi nila iniisip ang penalties na nadagdag sa loan nila. Klaro naman yon na sinabi ng Moola Lending sa akin. 


Yong iba kasi, OO ng OO at YES ng YES kapag nag novena na ang agent ng Moola sa mga POLICY nila. 






TIPS:
IWASAN ANG PROLONGATION kay Moola Lending para maiwasan ang P700 penalties. Gamitin ang pera sa negosyo wag sa hindi importanteng mga bagay lalo na kung ang pagagamitan mo lang ay ang iyong luho. Siguradong sa huli ang kapalit sa luho mo ay LUHA. Wag umutang kung hindi naman kinakailangan. Kung umutang man, isipin ang araw ng bayaran, wag isipin kung saan ilakwatsa ang perang inutang. Wag gamitin sa bisyo, para may blessing ang perang hiniram mo.

1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.