Home Credit Long Term Interest Rate!

Share:
SHORT TERM OR LONG TERM LOAN -ANO ANG PIPILIIN MO?

Akala ng karamihan, mas maganda yong maliit lang ang buwang hulogan o monthly amortization sa mahabang panahon kay sa malaking hulogan in a short period of time. Ang maliit na hulogan ay hindi masakit sa bulsa bawat buwan. Hinding-hindi ka mahihirapan sa pagbabayad kasi abot kamay naman ang halaga ibabayad mo sa kanila. Unlike sa malakihang hulog, mahihirapan kang maghanap ng pambayad lalo na kung laging kapos ka sa pera o kulang ang sahod mo para sa pangbabayad ng monthly hulogan mo sa isang lending company.


Isang halimbawa nito ay ang HOME CREDIT. Kilala natin ito na pinakamagandang uutangan dahil hindi naman kalakihan ang interest na sinabi nila sa kanilang website. Oo, totoo yon pero merong hindi natin naiisip lalo na sa pagpili ng terms of payment. Karamihan sa atin pipiliin ang LONG TERM kay sa SHORT TERM.

Isa sa mga followers ng ating USAPANG PERA AT IBA PA! blog, nagbahagi ng isang experience tungkol sa pagpili natin sa mga TERMS ng ating mode of payment. Baka marami sa atin hindi namamalayan ang kaibahan ng terminong SHORT TERM at LONG TERM. Alam kung marami talaga ang pipilin sa LONG TERM dahil hindi ito masakit sa bulsa at very affordable amount na pwede mo naman hanapin kahit sa isang oras lang.

APPROVED ang LOAN niya sa halagang P53,000 at babayaran nya ito sa loob ng 36 months or 3 years. Ang monthly amortization nya ay P3,331.92. Alam nyo ba kung magkano ang aabutin nito after 3 years? Ang magiging total na binayad nila sa Home Credit ay P119,949.12. Ito'y kulang-kulang P120,000. Maliit o malaki? Syempre napakalaki ng aabutin nitong halaga. Ang total interest ay mas malaki pa sa principal amount dahil ang total interest na ibabayad mo ay P66,949.12. Samantalang ang principal na kinuha mo sa kanila ay P53,000 lamang. Magbabayad ka ng P1,859.70 na interest bawat buwan.

Napakalaki ang aabuting ng interest kapag lalo mong pinatagal ang pagbabayad sa inyong mga utang kay Home Credit. Kaya kung ako sa inyo, piliin nyo ang SHORT TERM para maliit lang din ang interest na babayaran nyo. Hindi lang ito para sa Home Credit, kahit sa ibang lending companies. Lagi nyong iisipin ang total interest na ibabayad nyo sa kanila sakaling nabayaran nyo na ito ng FULL in a certain period of time.

Dapat huwag kayong maging masaya at kampante sa maliit na monthly amortization kung ang kalalabasa naman nito ay napakalaking halaga at mas malaki pa sa principal na inutang nyo. Kadalasan dito tayo nadadali dahil pinili natin ang maliit na buwanang hulog pero ang ending pala ay sobrang laki ng halaga.

5 comments:

  1. hi ask ko lng kung mgkno ang monthly payment pg nag loan ka ng 53,000 sa home credit using yung short term thanks

    ReplyDelete
  2. Magandang araw! Ano po yung Loan Account ID na hinihingi sa application for firstimer appicant?

    ReplyDelete
  3. hello po magkano ang monthly payment ng 50 thousand? ano pong requirements ?

    ReplyDelete
  4. magkano po ang monthly ng 50thousand?

    ReplyDelete
  5. magkano poh 100K sa 1 year poh sa Home credit? kasi sa inutangan ko poh 100K malaki ang monthly ko kaya naghanap ako ng ibang mapag loan ko poh!

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.