Friday, March 30, 2018

Moola Lending 6th Reloan -Repayment

March 30, 2018 holiday sa buong Pilipinas dahil sa ito'y Good Friday para sa mga Roman Catholics. Sarado ang mga pampublikong opisina at karamihan sa pribado ay nagsara din lalo na ang mga bangko at iba pang financial establishment. Di ko napansin na sa araw na iyon ay due date ko kay Moola Lending. Dahil meron ng nakalaang pundo para sa loan repayment ko, hindi na ako nahihirapang maghanap pa. Sa tulong ng ATM machine na malapit sa akin, nagwithdraw ako kahapon ng worth P26,000 para bayaran ko ang aking utang.

Kung dati palagi akong nagbabayad sa LBC pero ngayon hindi dahil sarado din ang LBC sa lugar namin and I think sa buong Pilipinas sarado ang lahat na LBC para mabigyang daan ang celebration ng mahal na araw. Dahil walang LBC, tapos kung ma-withdraw ang pera galing sa ATM machine, agad akong nagtungo sa pinaka malapit na 7-Eleven. Kailangan ko pang mag drive ng motor at around 6-8 minutes galing sa ATM machine. Dahil wala namang maraming sasakyan na bumebyahe kahapon kaya agad akong nakarating sa 7-Eleven.


Agad akong nagtungo sa CLIQQ machine para sa resibo na gagamitin ko sa cashier. Hinanap ko ang DRAGON LOANS para mailagay nag Reference Number na ibinigay ng Moola Lending. Ilang minuto lang hawak ko na ang resibo at agad akong nagtungo sa cashier para bayaran ang P26,000 na dapat kong bayara sa P20,000 loan ko noong February 28, 2018.

Tapos kung bayaran at nakuha ko na rin ang resibo galing sa cashier, umuwi agad ako sa bahay. Hindi tulad nong nakaraan na pagkadating ko sa bahay, agad akong nag-apply for reloan. Isang dahilan, kahit mag-apply agad ako hindi rin naman papasok ang loan disbursement ko ngayon dahil weekend at wala pa ring opisina ang Moola Lending at sarado din ang mga bangko. Naisipan kung wag nalang muna dahil sa Lunes pa naman magbukas uli ang mga opisina at mga bangko.

Titingnan ko rin sa Lunes, April 02, 2018 kung kailangan ko pang mag reloan uli para sa 7th reloan ko kay Moola Lending. Kung sakaling kailangan ko, pwede ko itong gawin early in the morning para bandang hapon, papasok na agad ito sa aking bank account. Ito'y dahil maganda ang record ko kay Moola Lending, hindi na nila ako tinatawagan pagkatapos kong mag apply ng reloan sa halagang P20,000. Yon ang maximum amount na binibigay ng Moola Lending sa kanilang good standing borrowers.

Kaya ang payo ko sa lahat na gustong umutang, hindi lang sa Moola Lending na kailangan nating alagaan ang ating credit score sa mga lending companies na inuutangan natin. Dahil kung maganda ang record natin, matutulongan agad nila tayo kapag kailangan natin lalo na during emergency. Malaki ang interest ni Moola Lending pero dahil hindi ito strikto sa kanilang pagpapautang, marami ang patuloy na nangungutang sa kanila. Kahit lumabas na sila sa TV, patuloy pa rin ang normal operation nila.

Kung gusto nyong umutang kay Moola Lending, please read our complete guide paano makautang sa kanila. Sundan nyo lang ang link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2018/01/moola-lending-sobrang-bilis.html

2 comments:

  1. Pre, follower ako ng blog mo. Pag kulang kasi sa pambili ng gamot ko, umuutang kami online, at sinusunod namin ang mga payo mo. Pre pwede b ko hingi ng favor sa yo, sana help mo ko mag post ng campaign ko para sa dagdag na pondo para saking bone marrow transplant.

    Hello. Hope you could see and read this tweet. Im kindly asking for your help. I was diagnosed with Adult Acute Lymphoblastic Leukemia last March 2017. I need to undergo Bone Marrow Transplant. Any amount will be greatly appreciated. Thank you!
    https://gogetfunding.com/forelmarbonemarrowtransplant/

    Salamat pre, di tayo magkakilala pero sana pagbigyan mo ang request ko. God bless us.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana magaling na kayo ngayon. Pasensya na at ngayon ko lang nabasa ito.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.