MGA DAPAT MALAMAN UKOL SA ASTERIA LENDING INC.
Ang Asteria lending Inc. ay isang online lending company na naka base sa Makati, Ngunit ang kagandahan nito ay hindi na kailangan pang pumunta sa kanilang opisina para maiproseso ang inyong loan, sa halip ay puwedeng sa online na gawin ang lahat. Ang sumusunod ay ang hakbang kung paano magfile ng loan:
1. Magrehistro sa pamamagitan ng pag click sa link na ito https://beta.asteria.com.ph/apply
2. May application form na magpapakita at kailangan ninyong ilagay ang mga impormasyon ukol sa inyo rito.
3. Pagsumite ng application ay kailangang mag antay ng 48 hours para sa abiso kung ikaw ay nakapasa o hindi.
4. Pag ikaw ay kwalipikado mayroong matatanggap na abiso mula sa Asteria , maari mo ring Makita sa iyong email, cellphone number o account na rinehistro mo online.
5. At makikita mo rin kung paano ka magbabayad, madalas ay sa Dragon Pay System.
Pangunahing Requirements:
1. Kompletuhin ang application form
2. Dapat ay may SSS ID or UMID; and TIN ID or ITR
3. Dapat ay may Company ID
4. Two (2) months latest pay slips
5. Bank account na nasa pangalan ng magloloan
6. Proof of Billing
MGA IBANG IMPORMASYON NA DAPAT MALAMAN:
1. Para sa mga baguhan ang Personal loan ay nagsisimula sa Phhp2,000.00 hangngang Php10,000.00. Para sa Renewal puwede ring kumuha mula Php2,000.00 hangngang Php20,000.00 depende sa laki ng sahod o kaya ay sa estado ng nakaraang loan.
2. Ang mga schedule ng pagbayad ay ang sumusunod:
a. Lingguhan
b. Dalawang beses sa isang buwan
c. Isang beses kada buwan
3. Ang interes ay 0.7% kada araw, puwedeng gamitin ang calculator sa kanilang website para sa mas eksaktong computation ng loan.
4. Para sa mga gustong magreloan, maari kayong maglog-in sa inyong account at pindutin ang reloan button at sundin ang mga dapat gawin na nakasaad doo.
Dahil sa napakadaling proseso nila hindi na mahihirapan pa ang mga kliyenteng makakuha pa ng loan. Kaya subukan ninyong tignan ang kanilang website para sa gayon ang makatulong sa inyong pinansyal na pangangailangan.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.