Hindi na mabilang ang pagsasabi namin through post at comment sa PPO facebook group, kapag merong processing fees o nanghihingi muna ng pera na ihuhulog sa smartpadala bago ang loan release, ito ay isang 101% SCAM. Bakita kaya marami parin ang nagiging biktima? Minsa maiisip namin na huwag nalang e remind kayo kasi mukha din namang hindi ito binabasa at hindi pinapansin. Bago kayo makapasok sa facebook group ng PPO, sinasabi na namin sa introductory question na BASAHIN ang naka PINNED POST para ma guide kayo kung paano makaiwas sa SCAM at SCAMMER pero marami ang tamad maghanap at mas lalong tamad magbasa kung anong meron doon.
Minsan nakaka dismaya ang ganong situation na malalaman namin na meron na namang nadadali na isang member or followers sa PPO o kahit dito mismo sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Gusto naming maaawa pero naiinis din kami kasi hindi naman kami nagkulang sa pagre-remind sa lahat na huwag magtiwala at makikipag transact sa kahit kaninong nagko-kunwaring nagpapautang kuno through PRIVATE MESSAGE.
Unang-una, hindi kami nagpo-promote ng kahit sinong PRIVATE LENDERS sa aming facebook group. We never SUPPORT any pero kasi alam namin na marami talaga ang mananamantala at magkunwaring LEGIT sa UMPISA pero kapag nakadali na ng malaki agad ito mawawala. Tanging pino-promote namin ay ang lahat na mga LEGIT LENDING COMPANIES na pwede nyong malapitan kahit dyan mismo sa inyong community.
Nagsulat kami ng mga GUIDE para kayo'y hindi mahihirapan. Problema lang, marami pa din ang nahihirapan dahil hindi marunong sumunod ng mga simple instructions at ang karamihan umiiral ang katamaran at walang effort kung paano magawa ang isang bagay na hindi na kailangan pang subuan. Nasanay na tayong subuan, hindi tayo marunong maghanap ng paraan paano masulosyunan ang isang problema na darating sa ating buhay. Ito'y dahil mahilig tayong umiwas sa problema kahit naman sa atin mismong pamilya at tahanan.
Layunin ng aming blog na matuto ang lahat na sumusubaybay nito. Hindi pwede palagi nalang tayong umaasa sa iba. Palagi nalang tayong nakatunganga, nag-aantay na may sumubo sa atin. Ang problema lang, sa pag-aantay natin meron ding nanamantala sa ating kahinaan. Marunong silang magpapaikot sa taong kakagat sa kanilang pain. Dapat isiping mabuti ang bawat hakbang na gagawin natin lalo na kapag INVOLVE na ang PERA. Huwag agad magpapadala sa matatamis na salita. KAPAG NANGHIHINGI NG PROCESSING FEES at ihuhulog daw muna ito bago ma RELEASE ANG LOAN NYO, aba! dapat kayong huminga muna at mag-isip, hindi TOTOO ang mga yon.
SIKAPING humingi ng advices sa mga kasamahan at kaibigan. Huwag maniwala na huwag sasabihin sa iba dahil confidential. Walang katutuhan yan. Huwag din kayong pumatol kapag minamadali kayong maghulog sa SmartPadala o sa Palawan. Mas lalong minamadali ang panloloko sayo para hindi ka makaisip at mahuhulog kana sa kanilang bitag. KAYA MAG-ISIP MUNA BAGO UMAKSYON.

No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.