Wala ka pa bang bank account hanggang ngayon? Kung meron man, problema mo ay palaging nababawasan ang account balance buwan-buwan dahil mababa na ito sa maintaining balance. Nakailang lipat ka na ba ng bangko para lang makahanap na swak para sa pangangailangan mo. Meron ng sasagot dyan sa pangangailangan mo. Pinakilala ang BDO Kabayan Savings para sa mga OFW at mga beneficiary nito.
Ikaw ba ay beneficiary ng isang OFW? Ngayon, pwede ka ng makapag bukas ng isang bank account na walang maintaining balance. Hindi lang ito ATM card kundi meron pa itong passbook na makikita mo lagi ang iyong daily transactions. Napaka convenient dahil pwede kang makapag withdraw o magdeposit over the counter gamit ang inyong passbok sa kahit saan BDO branches sa buong Pilipinas. Walang hinihinging charges in every transaction.
Bukod sa nabanggit na benepisyo, sa Kabayan Savings mo pwede kana ring makapag apply ng mga loan services sa BDO like:
- Kabayan Home Loan - Build your dream home for your family
- Kabayan Auto Loan - Buy your own dream car
- Kabayan Personal Loan - Start your own business or finance other important needs
Hindi lang OFW ang pwedeng kumuha o magbukas ng Kabayan Savings account. Kapag ikaw ay beneficiary ng isang OFW; isang asawa, anak, magulang, kapatid o pinsan basta tumatanggap kayo ng remittance galing sa kapamilya nyong OFW, pwedeng pwede na kayong pumunta sa kahit saang BDO branch na lamapit lang sa location mo.
Siguraduhin nyo lang na meron kayong natatanggap na remittance kahit one a year ay patuloy nyo ng ma-enjoy ang benepisyo sa pagiging Kabayan Savings holder. Maaaring hindi pwede sa mga loans pero sa pagiging NO MAINTAINING BALANCE, you will enjoy it basta patuloy kayong nakakatanggap ng remittance sa inyong Kabayan account.
Para sa akin napakaganda ng benepisyo ang ibigay ng BDO para sa mga OFW at mga beneficiary nito. Bilaw OFW at ngayon isang beneficiary, mas gusto ko ang Kabayan savings compared sa ibang bank accounts na intended para sa OFW kahit sa ibang bangko rin gaya ng PBI na BPinoy.
Kasunod nitong post namin, ibibigay namin ang step by step na guide paano makakuha ng Kabayan Savings account at kung ano ang mga requirements bukod sa pagiging OFW at OFW beneficiary. Sundan nyo lang po dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.