Due date ko noong Wednesday sa kanila. To try their service sinubukan kong magloan ng P1,000 noong April 3, 2018. I was lucky enough dahil within 3 hours nasa BPI account ko na yong loan proceeds ko at binawasan lang ng P20 para sa processing fee. Actually, hindi lang ako ang nakaranas ng ganun ka daling proseso ng loans, pati mga kakilala ko ganun din ang feedback nila. Napakadaling uutangan ni BENJU FastLend at hindi nanghihingi ng maraming requirements.
Binayan ko ang aking due nong Wednesday sa halagang P1,097.50 sa loob ng labing limang araw na loan sa kanila. Madali ko itong nagawa kasi naka mobile banking ako sa BPI. Ganun din ang BENJU, mas madali ang proseso kapag ang mode of loan disbursement mo ay BPI. Kung inyong natandaan sa previous post ko, ang interest ni BENJU ay hindi fixed. Ang interest na idagdag sa principal amount at 0.65% bawat araw. Kung babayaran mo ang iyong loan sa loob ng sampung araw, ang computation ay good for 10 days lang at hindi mo kailangan bayaran ang interest based doon sa 15 days na kasunduan nyo.
Tapos kung magawa ang online money transfer sa BPI account sa isang nag ngangalang FERNANDO DIMAANO FLORES, authorized bank account ng BENJU FastLend, inihabol ko yong message ko sa agent nila na MAAARI BA AKONG MAG RELOAN. Nagreply naman ito na ipo-forward nya ang payment at ang concern ko sa Finance Department nila. Umaasa naman ako na maka reloan sa umpisa. Ang sabi kasi sa mga nakaranas magreloan, within an hour ay papasok na ang pera sa BPI account ko pero lumipas ang oras, araw at maging ang pangalawang araw hindi ako nakatanggap ng message or text na pumasok na yong pera sa BPI account ko.
Bago ko makalimutan, nong time na pinasa ng agent sa Finance Department ang payment at concern ko, after 2 hours noon, may nagtxt sakin na nag ngangalang RIZA, nagpakilala siya na from BENJU FastLending. Hiningi uli ang BPI account ko para sa disbursement ng aking reloan. Akala ko nga nong time na iyon papasok agad ang pera pero nagcheck ako sa aking BPI account, hindi pa rin pumasok. Kahapon ng umaga hanggang hapon wala pa rin. Hindi ko alam kung anong oras pumasok kasi nong tsenek ko ngayong hapon April 20, meron ng pumasok na P1,480 na galing sa account ni FERNANDO DIMAANO FLORES, account yon ng BENJU FastLend. Ang date kung kelan ito pumasok ay April 19, 2018. Ibig sabihin kahapon ito, malamang gabi na ito pumasok kasi hindi ko na rin nai-check kagabi.
Hanggang ngayon hindi pa rin nagreply sa akin ang BENJU, sa text man o sa aking message sa facebook messenger. Wala akong idea kung kelan nila ako e inform na pumasok na ang pera sa BPI account ko. Para sa akin, salamat at pumasok ang pera na hindi ko inaasahan. Buong akala ko hindi nila inaproved ang reloan ko tapos kung bayaran ang aking loan nong nakaraan. Antayin ko nalang ang mensahe nila baka sa susunod na linggo na kasi weekend na ngayon.
Pansamantalang hindi ma access ang APPLY FOR A LOAN NOW section ni BENJU FastLend. Pero nababasa nyo ang mga importanteng mensahe sa kanilang website. Kung gusto nyong mag apply ng loan sa BENJU FastLend, basahin nyo ang step by step guide namin sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2018/04/benju-fastlend-paano-mag-apply.html
Habang hindi pa accessable ang kanilang website, maaari din kayong mag-apply ng loan sa kanila facebook fan page na makikita nyo sa link na ito: https://web.facebook.com/STFquickloan/ Importante lang na marunong kayong mag antay, may mga bagay kasi na hindi natin makukuha agad-agad. Kaya para maging maayos ang lahat, hintayin natin kung kelan ang turn natin para asikasuhin nila. Simula kasi nong nai-post namin dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog ang BENJU FastLend, inulan sila ng queries at mga applications. Kunti pa lang ang staff ng BENJU kaya hindi agad nila ito nababasa lahat sa isang araw.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.