Bakit nahinto ang Happy Loan ng Cebuana Lhuillier? Isang malaking palaisipan para sa nakararami kung bakit nila ito pinahinto. Naging malakas ang ugong-ugong na marami ang hindi nakapagbayad sa kanilang mga client sa Happy Loan. At kinompirma din ito sa akin galing mismo sa isang Happy Loan incharge dito sa isang branch malapit sa akin kung saan doon ako din ako nag-apply sa aking loan noon Disyembre 2017. Tapos kung bayaran ang aking loan ay hindi na uli ako nakapag reloan dahil nga hininto na ni Cebuana Lhuillier ang Happy Loan nila.
Sadya nga talagang maraming mapagsamantala. Nakita nila na maluwag ang Cebuana Lhuillier pagdating sa loan service kaya nagsulpotan agad ang mga applicants na alam naman nila na wala silang planong magbayad kundi samantalahin lang ang pagkakataon na sila'y magkapera. Hindi iniisip kung ano ang magiging idudulot nito sa mga inosenteng aplikante na umaasa lang din sa magandang serbisyo ni Cebuana Lhuillier. Dahil doon, nadadamay lahat dahil yong umaasang makapag reloan ay hindi na uli nabigyan ng pagkakataon.
Sa panahon ngayon ang dami na talagang taong mapagsamantala. Kahit ako ay hindi nakaligtas dahil pati pangalan ko ginagamit din nila sa panloloko. Wala naman talagang manloloko kung ang lahat ay hindi nagpapaloko. Karamihan kasi sa mga naloko ay dahil sa katamaran at medyo may pagka sakim. Ayaw mahirapan kaya hindi nag imbistiga kung ano ang kahihinatnan sa desisyon na ginawa nito. Ayaw magbasa kahit nakabuyangyang na ngayon sa social media o sa internet ang mga palatandaan na ikaw ay papasok na sa kanilang bitag. Dahil tamad at ayaw mahirapan kaya sila nagiging biktima.
Sa lahat na lending companies na pinalabas namin sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog, mas nagustuhan ko at ng karamihan ang serbisyo ng Happy Loan ni Cebuana Lhuillier. Napakaliit lang ng interest at monthly pa ang bayaran. Kaya hindi mabigat sa bulsa ng mga umutang sa kanila. Napakalaking tulong nito lalo na ngayon marami ngang pwede uutangan online pero kung interest ang pag-uusapan napakagahaman nila. Mukhang sinama na kasi nila sa interest na binigay sa lahat yong chances na kung sakaling tumakbo ang isa sa mga client nila.
Sa ngayon gumawa ng paraan ang Cebuana Lhuillier para makabawi sa mga hindi nagbabayad. Nagpapalabas ito ng promo na tinatawag nilang "Happy Loans Pay Now Promo". Layunin nito na maingganyo ang lahat na umutang na magbayad para manalo sa isa sa pinamimigay nilang 200 smartphones. Sa tingin nyo ba ay kakagat ang mga umutang sa kanila? I don't think so kung kakagat sila dahil pwede ng makakabili ng mga murang smartphones ngayon ang mga tao. Hindi rin naman binanggit sa text kung anong mga smartphones ang ipamimigay nila.
Sana nga maayos na nila ang problemang ito para naman yong mga nag-aabang para sa official announcement nila na pwede na uli mag reloan ay magiging masaya sila. Marami ang nanghihinayang sa pagkawala ni Happy Loan sa ere. Marami ang umaasang makakareloan kaya agad nilang binayaran ang kanilang utang kay Cebuana Lhuillier. Although, responsibilidad naman nilang bayaran ito dahil ang utang ay dapat bayaran, hindi pwedeng agaran itong kalimutan.
Sa mga meron pang mga utang kay Happy Loan, sana makonsensya kayo at bayaran nyo na ang utang nyo. Ito'y hindi dahil sa smartphones na pinamimigay ni Cebuana, kundi dahil responsibilidad mong bayaran ito bilang umutang sa iba at alam mong natutulongan ka nito sa maraming bagay. Isipin mo, hindi mo hawak ang hinaharap. Maaaring hindi mo masyadong kailangan ngayon na umutang pero baka in the future kailangan mo ito. Ano kaya ang mangyayari sayo kung sakaling dumating ito sa hindi inaasahang panahon tapos walang ng magpapautang sayo. Kaya isiping mabuti ang bawat aksyon na gagawin nyo. Huwag manloko sa kapwa. Laging tandaan, kung ano ang itinanim mo, yon din ang aanihin mo. Kung nagtanim ka ng panloloko, panloloko din ang aanihin mo.

No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.