Friday, April 20, 2018

Micromoney is Proven Legit Lending Company

Actually, matagal na akong nag-apply sa kanila pero nong nag-apply ako hindi naman ako seryoso dahil wala naman akong katunayan na nakita na legit sila. Tapos kung ma submit ang aking online application, binaliwala ko na din. Halos mag-isang buwan na rin simula noon na walang balita tungkol sa application ko. Noong huwebes lang April 19, 2018 nang maisipan kung mag follow-up dahil meron akong nabasang post at comment na kailangan pa daw ipa follow-up para umaksiyon sila. Siguro din dahil sa sobrang dami ng application na natanggap nila araw-araw simula nong pinakilala namin sila sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog, hindi na nila kinayanan pang asikasuhin ang lahat ng application na dumating sa kanila kaya kailangan pa natin itong e follow up para mapilitan silang e check ang mga ito.

Nag message lang ako sa kanila na kumusta na yon application ko, tapos di ko na rin pinagtuonan ng pansin. Pagka friday, sumagot sila na kailangan nila ang contact number ko para matawagan nila. Nagbigay naman ako agad pero hindi rin tumawag nong araw na iyon. Kahapon, April 20 mga bandang hapon meron tumawag isang unregistered Globe Mobile Number sa cellphone ko. Nagpapahinga kami ng anak ko kasi pinapatulog ko ito palagi pagka hapon. Unang ring hindi ko sinagot dahil akala ko ordinaryong tawag lang. Pero ilang segundo tapos nong unang tawag, tumawag uli kaya sinagot ko ito. Nong sinagot ko na, isang babae nasa kabilang linya at nagpakilalang taga Micromoney daw siya at masyadong hirap mag English pero naintindihan ko naman. 

Sinabi nya sa akin na approved yong loan ko at pauutangin nila ako ng P4,000 pesos at babayaran ito pagkatapos ng 28 days. Dahil gusto kong maranasan ang serbisyo nila at para na rin meron bagong legit na lending company na pwede uutangan nga mga followers sa USAPANG PERA AT IBA PA! kaya pumayad na akong kunin ang akin loan proceeds. Bago nya binaba ang conversation natin, sinabihan nya ako na e confirm yong BPI account ko kung tama yon? If yes, ipapadala agad nila ang aking loan proceeds. Wala pang 30 minutes after na confirm ko yon BPI account ko, tsenek ko yong account ko at pumasok na nga ang aking loan proceeds galing sa Micromoney. Mga after 3 hours pa nong maka received ako ng text na galing sa kanila na pumasok na ang pera ko at pati din sa messenger nag message din sila sa parehong mensahe.

Malaki ang pasasalamat ko na meron tayong bagong lending company na pwede mahiraman. Kahit hindi sila Filipino pero nagtiwala sila sa atin pero alam kong sa ngayon lang sila hindi mahigpit pero siguro after several months, siguradong may magbabago. Alam kung mapapasokan din sila ng mga mapagsamantalang mga kapwa nating Pinoy na walang ibang hangad kundi makalamang sa kapwa at gusto ang madaliang pera.


Ang Micromoney ay galing sa Myanmar. Hindi sila mayamang bansa pero malakas ang negosyo doon lalo na sa pautang. Halos pareho lang ito sa bansang India at Bangladesh. Yong mga nagmamay-ari ng Pagasa at ASA ay mga Bangladesh at ang mga Bombay naman ay galing sa India. Kaya pala hirap mag English yong tumawag sa akin dahil taga Myanmar pala yon. Hirap silang mag English hindi tulad nating mga Filipino. 


Sa mga gustong umutang sa Micromoney, pwede kayong mag-apply sa kanilang website. Para sa step by step guide kung paano gawin pwede nyong basahin ang aming blog tungkol dito: https://malalamanmo.blogspot.com/2018/04/micromoney-how-to-apply.html

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.