Tuesday, April 17, 2018

PAY Early LESS Interest -BENJU FastLend

Sino ang nakakautang na kay BENJU FastLend? Kumusta naman ang inyong experience sa kanila bukod sa nawala ang kanilang website pagkatapos naming isama sila dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog? Sa ngayon ay maganda naman ang ratings nila pagdating sa loans. Lahat na approved clients ay nagsabing mabilis at madali lang silang lapitan. 

Kahit nong down ang website nila, marami pa rin ang nakakapag loan sa kanila sa pamamagitan ng kanila facebook fan page. Sumasagot naman agad ang kanilang mga agents sa mga katanungan ng mga aplikante. Sa ngayon, bukod kay Tala, nakuha ni Benju ang magandang feedback mula sa amin. Kahit ako ay maganda din ang kanilang pakikitungo. 

Due date ko ngayon sa kanila dahil ang terms na pinili ko ay 15 days. Tulad sa nakaugalian, responsibilidad nating bayaran ang ating mga utang. Hindi pwede na basta-basta itong kalimutan. "Sa mga mapagsamantala na mahilig tumakbo sa mga inutangan, isa lang masasabi ko, may araw din kayo." Huwag sana humantong sa pagkakataon, kung kelan kayo nangangailangan saka pa kayo'y wala ng malalapitan. Kaya huwag kayong maging kampanti, may nakatingin lagi sa inyo na hindi nyo nakikita pero alam nya ang bawat kilos natin.

Binayaran ko ang aking utang through BPI online banking. Napakadali lang naman gawin kapag meron kang willingness to pay at syempre meron ka ding pambayad. Mahirap kapag willing kang magbayad pero hindi ka humanap ng paraan paano makahanap ng pambayad. Tapos kung ma transfer ang amount sa account na binigay ni BENJU FastLend, agad ko itong pinadala sa kanilang facebook fan page at agad din naman akong nireplyan ng kanilang agent. Forwarded na ang aking payment sa kanilang accounting department at waiting nalang din po para sa aking reloan.

Meron akong nagustuhan kay BENJU FastLend na wala kay Tala. Ito ay tungkol sa interest rate ni BENJU. Ang kagandahan kay BENJU, ang interest nila ay hindi fixed tulad ng kay Tala. Kay Tala, kahit bayaran mo kinabukasan, yong interest na dapat mong sa loob ng 21 days or 30 days, ganun pa rin yon. Pero kay BENJU FastLend, ang interest rate na babayaran mo ay based po PER DAY. Ang daily interest na ibibigay nila ay 0.65%, napakaliit lang compared sa halos 99% online lending companies. The earlier you pay your loan, the lesser the interest you are going to pay. Kaya kung kaya nyong bayaran ng maaga, mas mabuting bayaran nyo ito para maliit lang na interest ang ibabayad nyo. Ang maganda pa, makakapag reloan agad kayo.

Kung dati humahanga ako kay Tala, sa ngayon nasa Benju FastLend ang loyalty. Humahanga ako sa concern nila sa mga clients nila pagdating sa interest rate na kadalasan yon ang mga hinaing nga mga followers namin dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Importante pa rin para sa lahat ang malasakit ng isang company sa mga clients nito. Ang BENJU FastLend ang sagot sa mahilig magreklamo tungkol sa interest. Kaya inaanyayahan namin kayong subukan ang kanilang loan service para ma experience nyo din ang na experience namin. 

Sa mga mapagsamantala, wala akong masabi. Maaaring sa ngayon magtagumpay ka, o pwedeng laging ikaw ang panalo at hindi kapa nasingil sa mga naloloko mo, pero tandaan mo, kung ano ang iyong "ipupugas, yon din ang aanihin mo". Maaaring hindi sayo babalik ang hindi magandang ginawa mo sa kapwa pero paano kaya kung mas malupit pa ang babalik sayo lalo na kung "ang pamilya mo na ang tatamaan sa idinulot na binigay mo sa kapwa".

Sa mga gustong mag avail ng loan kay BENJU FastLend, please read our step by step loan guide para magawa nyo ng tama at hindi kayo ma disapproved agad. Sundan nyo lang ang aming previous blog post sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2018/04/benju-fastlend-paano-mag-apply.html

1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.