TALA 8th Reloan Successful Na Naman

Share:
Ngayon dapat due date ko sa Tala Philippines sa for my 7th Reloan pero busy ako ngayong araw dahil graduation party ng kapatid ko na nagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology kahapon na isang Cum Laude. Minabuti ko nalang bayaran kagabi at mag reloan sa pagwalong pagkakataon. Dahil Coins ang gamit kong pangbayad kaya wala itong piniling oras. Ginawa ko ang pagwalong reloan sa Tala mga bandang 1:30am.

Pero bago ko pa ito ginawa, kailangan ko pang e install at mag Log-in sa apps dahil hindi ko nadala ang cellphone na karaniwan kung ginagamit mula 1st application hanggang pang pitong reloan ko. Marami nagtatanong paano daw me lipat ang kanilang apps sa kanilang bagong cellphone kay sinubukan ko mismo sa aking sarili kung talaga bang mahirap ito gawin.


Una, ininstall ko muna ang apps tapos nito nag log-in ako gamit ang cellphone number na gamit ko kay Tala. Good thing dala ko ang simcard kaya agad kong na received ang CODE na pinadala ni Tala para ma verify ang aking account. Meron dalawang option na lumabas na BAGO ANG CELLPHONE o HINDI AKO ANG NAGMAMAY-ARI sa Cellphone. Pinili ko yong BAGONG CELPHONE at nag continue. Tuloy-tuloy na akong nakapasok sa aking OLD ACCOUNT. Agad-agad kong pinindot ang MAKE PAYMENT at meron alert notification ang COINS na nag request ng payment ang Tala. Pinindot ko ang ACCEPT payments at agad nagbawas ang coins ko ng P4,575 dahil yong ang balance ko. Dapat ang babayaran ko sana ay P5,175 pero dahil may anim ka tao na nangutang kay Tala gamit ang referral code ko kaya ito'y nabawasan ng P600.

Ilang segundo lang nagtxt na sakin si Tala na updated na yong loan ko at pwede na akong mag reloan uli. Gaya ng dati sinunod ko yong normal na proseso paano mag reloan. Kulang-kulang 5 minutes, agad kong natanggap ang aking loan proceeds for my 8th reloan. Mabilis talaga ang loan disbursement ng Tala Philippines kapag ang gamit mo ay COINS wallet instead na bank account at padala partners.

Nagawa ko ang 8th reloan na walang kahirap-hirap. Ilang pindot lang sa apps nila, mapasakamay mo na ang inyong inutang sa Tala Philippines. Kapag reloan kay Tala, wala ng requirements. Automatic kanang makapag reloan, talong tanong lang dapat mong sagutin sa kanilang apps para makapagpatuloy sa inyong reloan.


Approved ako sa P5,000 reload kay Tala for my 8th reloan at babayaran ko ito for 30 days. Pagkatapos ng 30 days, ang P5,000 ay magiging P5,750 na ito. Ibig sabihin, P750 ang interest a babayaran ko sa Tala sa loob ng 30 days. Ang status ko sa Tala ay Gold Member na. Trusted na ako sa Tala na hindi pumalyang magbayad mula Loan 1 up to Loan 7. 

Napaka-importanteng pangalagaan natin ang ating reputation bilang borrowers hindi lang sa Tala kundi sa lahat na lending companies na inutangan natin. Bakit kailangan nating may magandang credit score sa kanila? Dahil, hindi natin alam kung anong mga emergency na nasa hinaharap. Saan tayo lalapit kung tayo'y nangangailangan? Kung hirap tayong pahiramin ng ating mga kamag-anak, paano pa kaya ang mga lending companies na hindi natin sila ka anu-ano. Hirap mabuhay na walang patutungahan, at mas lalong mahirap magtago sa ating mga utang.

Sa mga hindi pa nakasubok humiram ng pera sa Tala Philippines, pakibasa sa aming blog ang USAPANG PERA AT IBA PA! para ma guide kayo paano gagawin ang step by step application. Sundan lamang ang link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/tala-philippines-how-to-apply-loan.html

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.