Saturday, May 05, 2018

Benju FastLend -Apply through Fan Page Messenger

Nanahimik ng kunti ang Benju FastLend nitong nagdaang mga araw. Maraming nag-aakala na wala na sila o stop na ang loan service nila. Kahit nga rin ako, yon din ang iniisip ko. Last reloan ko sa kanila, wala akong na received na text at kahit sa messenger hindi sila nagre-reply sa message ko. Nagtaka nalang ako na may pumasok sa BPI account ko at nong tiningnan ko ang details, pareho ang taong nagpapadala nong unang loan ko sa Benju FastLend.

Nong Huwebes, May 03, 2018 ay due date ko sa kanila. That day, saka pa sila nag message sa akin at nagtanong kung meron nabang nag inform sakin na pumasok yong reloan ko 30 days ago. Dahil wala din naman talaga akong natanggap na message o reply sa mga mensahe ko kaya yon din sinabi ko sa kanila. By the way, si Mam Rose yong nag message sa akin at nagtanong. Humingi ng apology, syempre kasalanan nila yon. Kung mainitin ang ulo ko siguradong hindi ko na sila pinapansin o hindi ko na babayaran ang utang ko pero hindi naman ako ganun. Isa pa, napakaliit na halaga para sirain ko ang pagkatao ko. 

Hindi dapat sirain ang reputasyon mo dahil lang sa pera o kahit ano paman. Dapat palagi nating pangalagaan ang reputasyon natin lalo na ang relasyon natin sa ibang tao o sa kompanya na maaaring makakatulong natin sa panahon ng emergency. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap kaya hindi rin natin alam kung kelan tayo nangangailangan ng tulong sa iba. Kung sira ang pagkatao mo, sino pa kaya ang magtitiwala sayo?

Maganda ang relasyon namin sa Benju FastLend. Simula nga nong inilabas namin sila dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! hindi na nakapagpahinga ang mga staff nila. Ang daming PM ang natatanggap nila araw-araw kaya hindi talaga masagot ang mga queries ninyo. First come first serve pa rin ang policy nila kaya mag antay-antay lamang mo na kayo.

Isa sa napag-usapang namin tapos kung makuha ang balance ko na dapat babayaran ko that day ay yong tungkol sa pautang nila kung STOP na o TULOY pa rin ba. Kung napansin nyo, ang website nila ay hindi pa gumaganan kapag pinindot mo ang APPLY FOR A LOAN NOW. Kung napansin nyo, hindi pa talaga stable ang company nila at pati na rin ang serbisyo nila. Yong website nila, gumagamit pa rin ng FREE HOST. Malamang nagtitipid pa sila, which is hindi maganda para sa isang kompanya dahil madali din itong pasukin ng mga hacker.


Ganun pa man, kahit hindi pa sila stable ang importante nagpapautang pa rin sila. Yan ang sabi nila sa last CONVO namin ni Mam Rose. Kung dati sa website kayo mag a-apply ng loan, ngayon sa messenger na. Sinasagot nila isa-isa ang mga message at kasama na yong mga nag a-apply. Kailangan lang ng pasensya, dahil sa sobrang nag apply hindi agad mababasa nila ang mga bago palang na submit sa kanilang messenger.

Kung gusto nyong mag-apply sa BENJU FastLend, pwede nyong gamitin ang REFERRED BY: EDGAR ONTOY para mapansin kayo. Sa ngayon, naka priority ang mga member ng Pinoy Pautang Online facebook group sa pautang nila. Para sa tamang fan page nila, click nyo lang ang link ng kanila fan page: https://web.facebook.com/benjuquick.loan

Kasalukuyang inaantay ko ang aking 3rd reloan sa kanila. Tulad sa sinabi ko sa itaas kailangan natin ng pasensya. Kailangan nating mag-antay. Tulad nong nakaraan, hindi ko napansin nong una ang reloan ko dahil walang text at message akong natanggap galing sa kanila, pati email wala din. Malay natin, pagising ko sa susunod na araw pumasok na pala ang reloan ko kay BENJU FastLend.

Bukod sa BPI, pwede rin e claim ang inyong loan proceeds sa tatlong padala partners ng BENJU FastLend, ito ay ang Palawan, Cebuana Lhuillier at M.Lhuillier. Kaya sa mga walang bank account, pwede na rin kayong magloan sa kanila gamit ang padala centers. Ang disadvantage, ibabawas sa loan proceeds mo ang padala charges.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.