Tuesday, May 08, 2018

BENJU FastLend -LOAN AT RELOAN TULOY PA BA?

Karamihan sa inyo, dito nyo lang nalalaman ang lending company na nagngangalang BENJU FastLend. Ipinakilala namin ito simula nong na appproved ang loan application namin sa kanila. Yon lang ang beses namin kung bakit pinakilala namin sila dito dahil para sa amin, they are legit na nagpapautang. Wala kaming internal deal sa kahit sino sa mga agent at staff ng BENJU FastLend. Bilang admin ng PPO at author ng USAPANG PERA AT IBA PA! blog, I never make a deal na papautangin ang kahit sino na member ng PPO facebook group.

Sa blog post ko tungkol sa BENJU, inililagay ko ang aking pangalan as referrer sa mga gustong magloan sa kanila. Dahil meron daw silang referral program kapag nakarami kang e refer sa kanila. Based po doon sa nakausap ko, make atleast 10 referrals meron kang incentives galing sa BENJU, kaya nilagay ko ang aking pangalan sa post ko. Marami ang pumasa sa kanila galing sa PPO. Napansin ko rin sa views ng aking post about BENJU, naging mataas ito compared sa ibang online lending company except Tala. Ibig sabihin nagtrending ang BENJU sa PPO at sa iba pang group na pinasahan namin ng blog link.

Nakausap ko ang isang staff o agent na si Ms. Rose. Ang sabi nya nong last naming mag-usap sa messenger, ang BENJU at patuloy pa rin na tumatanggap ng loan application. Pero lately lang, marami ang nag post at comment na naka ON HOLD ang loan at reloan ni BENJU dahil marami ang hindi nagsettle ng kanilang mga loan balances. Ang masaklap, karamihan daw ay PPO members.

Ito ang point of view ko tungkol dito at I think dapat malalaman din ito ng karamihan sa mga readers ng USAPANG PERA AT IBA PA! at members ng Pinoy Pautang Online facebook group. Tulad sa sinabi ko, walang DEAL na nangyari between us at sa pamunuan ng BENJU. Kung totoo mang maraming nakapagloan sa BENJU na membro ng PPO, ni isa sa kanila wala kaming natanggap na incentives. Napansin ko rin na merong mali sa pamunuan kung sakaling totoo na marami nga member ng PPO ang nakapagloan sa kanila. Walang ibang mas nakakaalam sa PPO activities maliban sa akin kasi ako ang ADMIN nito.

Dapat sa umpisa palang inalam na nila sa akin kung anong klaseng mga tao ang mga membro ng PPO. Nabigyan ko na sana sila ng idea at binigyan ng warning na marami sa mga membro ng PPO ang hindi marunong magbayad ng utang. Ang nangyari ngayon, nadadamay lahat pati ang mga good payer. In my case, kahit hindi ako mag reloan, it won't hurt me kasi ginawa ko ang pag-utang sa kanila to proved na legit sila at  ako mismo ang makapag recommend sa lahat na they are one of the legit lending company.

Sa ngayon, kulilat pa rin ang website nila. Hindi ko lubos maiisip ang isang lending company na kikita sa pamamagitan ng pautang ay magtyaga sa pagawa ng isang website na free host ang gamit. Ito'y isang dahilan na maluwag na makakapasok ang hacker dahil wala silang strong security sa site nila. Masyadong nagtitipid ang BENJU kaya hindi naging stable ang operation nila. Bukod pa doon, kapos din sila ng pundo at pati staff na mag-asekaso ng mga interested possible clients nila.

Kung hindi gumawa ng action ang management ng BENJU, sooner or later malulugi talaga sila. Dahil mas marami ang nakapasang manloloko kay sa mga totoong tao na marunong magbabayad sa mga utang nito. Ito'y isang dahilan kung bakit hindi ako pabor magkaroon ng private lenders ang PPO para hindi ako madadamay kung sakaling magka onsehan ang lenders at borrowers. Hindi rin maiiwasan na maraming scammers ang magpapautang kuno pero hindi pala. Experience ko na ito sa iba pang online group tungkol sa pautang online.

Sa mga readers at followers namin dito na umutang, hindi lang sa BENJU please po bayaran nyo ang mga atraso ninyo para tahimik ang pagtulog nyo. Huwag masyadong sakim, ang panahon ay hindi laging pabor sa inyo. Darating ang araw bumaliktad talaga ito. Paano na kung sa panahong iyon, wala ng magtitiwala sayo? Mahirap kapag isa sa pamilya mo na ang nangangailangan tapos wala kanang magawa dahil walang nagtitiwala sayo. 

Sa mga may utang kay BENJU please settle it immediately para bumalik ang smooth operation nila at makakatulong na din sila sa iba. Huwag kayo umutang kung wala kayong kakayahan magbayad. KAYA PLEASE PAY YOUR LOAN NOW!

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.