Coco Life -Ano Ito?

Share:
COCO LIFE 

Ang Cocolife ay isa sa pinaka sikat na Insurance company sa Pilipinas ,Maraming klaseng insurance ang mayroon sa kanila mula sa Bank Insurance, Health Care, Mutual funds, Special Market at ang pinaka popular ang Individual Insurance.

Sa Individual insurance my limang (5) Klasipikasyon ito :

 1. Protection.
Ito ay para makaipon ng savings sakaling may mangyaring masama sa Policy holder ay may makuhang pinansiyal na benepisyo ang maiiwang pamilya.

2. Education
Ito ay iniipon para may magamit ang anak na pambayad ng tuition pag sya ay mag aaral na.

3. Investment / Savings
Ito ang karaniwang kinukuha ng mga tao dahil maliban sa may savings ka na maari pang lumaki ang iyong pera sa paglipas ng taon. 

4. Pension/Retirement
Ito ay para sa mga nagreretiro , upang magkaroon sila ng pondo na gagamitin nila kapag sila ay matanda na. 

5. Medical
Ito ay insurance na puwedeng gamitin pambayad ng hospital kapag sakaling ikaw ay magkasakit at mangangailangan ng pinansyal para sa emergencies. 

Ang limang ito ay produkto lahat ng Cocolife. Ngunit katulad ng nabanggit ko kanina ang Investment Policy ang pinakapopular at tinatawag itong Flexi10 investment.

 Ito ay puwedeng bayaran sa loob ng sampung taon. Para naman sa kung saan gagamitin, ito ay maaring magsilbing capital sa nais gawing negosyo o kaya ay pambili ng bahay. 

Kailangang magbayad ng P60,000.00 kada taon hanggang makumpleto ang sampung taon. Pag ito ay natapos ang mga sumusunod ang puwedeng makuhang benepisyo. 
1. Pag patak ng ika-15 na taon maaring madagdagan nga 4% ang perang naipon.
2. P500,000.00 death Benefit 
3. 1,000,000.00 karagdagang benefit pag ang pagkamatay at dahil sa aksidente .

 Ito ang kagandahan ng kumukuha ng Insurance Policy , sa gayun may maasahan na mapagkukunan sa oras ng pangangailangan.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.