Friday, May 25, 2018

Dragon Pay -Ano Ito?

DRAGON PAY

Ang Dragon pay ay isang alternative online payment option, ibig sabihin ito ay isang portal kung saan sila ang gumagawa ng connection ng customer at company or negosyante para makapagtransact online. Ang kanilang layunin ay magamit ang e-commerce kahit na hindi gumamit ngcredit crads. Sa halip puwede silang magbayad sa pamamagitan ng online banking o kaya ay Over-the-counter sa banko. At kagandahan nito mabilis ang transaction at makikita agad kung bayad na ang customer.

Kadalasan ang mga kompanya na naka tie up sa kanila ay mga lending company told ng Moola lending at LenddoDahil uso na ngayon ang loan online ito na ang pinakamadaling paraan para sa pagbayad ng amortization ng loan. Ang kagandahan nito ang kanilang charge para sa bawat payment ay mula 3% hangang 15% lamang ng halagang babayaran. At ito ay puwedeng bayaran sa banko o kaya sa mga payment center tulad ng seven eleven. Kaya magiging madali para sa mga kliyente ang magbayad.

Marami ding banko ang nakatie up sa kanila tulad ng:
a. BPI
b. BPI Express
c. RCBC
d. Metrobank

Mayroon ding siyang tinatawag na mass pay out kung saan ang buong transaksiyon ng kompanya ay sila na ang may hawak sa, ganitong paraan masmapapadali ang pagtanggap ng bayad ng kompanya mula sa kanilang kliyente.

Sa pamamagitan ng paggamit sa online payment mas nagiging madali ang pagbili at pagbayad ng serbisyong gusto nating kunin kahit na wala tayong credit card. Dahil sa laganap na pagbebenta sa pamamagitan ng online ang Dragon pay na tumatayo bilang thirt party ay malaking tulong para mapagkonekta ang buyer at seller sa online na transaction.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.