Pagkatapos ng 28 days, oras na upang bayaran ang aking loan kay Micromoney. Masyadong hindi ko napansin na mag almost 1 month pala simula nong pumasok sa aking BPI account ang pera na inutang ko sa kanila. Problema ko ngayon, wala akong email na natanggap tungkol sa repayment details. Wala akong idea paano magbayad pero dahil merong mga member din ng PPO na nakakatanggap ng email kaya ginagaya ko nalang sila kung paano magbayad sa Micromoney. Dahil utang kaya kailangan talagang magbabayad sa takdang oras ng inyong pinag-usapan kahit hindi gaanong malinaw kung paano gagawin ito.
Dahil nasa labas ako ng bahay kahapon at sobrang busy, hindi ko namalayan na merong tumawag sa akin kahapon ng hapon. New number ang tumatak pero series ito sa number na ginamit ng Micromoney sa pagtawag sakin nong nakaraan bago na released ang loan ko. Malamang worried na rin sila dahil hapon na at hindi pa ako nagbigay update sa kanila about my payment.
Nakuha ko na rin ang BPI account ng Micromoney mula sa kapwa borrowers na nakakatanggap ng email mula sa kanila kaya naisip ko na mag bank transfer nalang gamit ang Mobile Banking BPI. Problema ngayon naubusan ako ng pundo sa BPI kaya kailangan kung dumeskarte para magkalaman uli ito. Buti nalang merong nagmagandang loob, isang trusted person at pinadala ko sa kanyang COINS wallet ang pera at kinuha nya ito sa Security Bank. Dahil malapit lang siya sa isang BPI branch siya na din mismo ang nag deposito sa BPI account nya at inilipat sa BPI account ko kasi hindi ko agad naibigay ang BPI account ko nong time na iyon dahil busy din sa ibang bagay. Nakikiusap lang din kasi ako sa aking mga tauhan sa shop para mapadala ang pera sa coins nong trusted person through Cebuana.
Kinagabihan nauwi na ako sa bahay at oras na para bayaran ko ang aking loan. Kaso nong ginawa ko na ang transaction, palaging FAILED ang sabi tapos ko pindutin makailang beses ang CONFIRM. Nagtataka ako bakit ganon? Malapit ng matapos ang araw ng due date ko baka magbabayad ako ng penalty kinabukasan. Inusisa ko yong BPI account ng Micromoney, nagtataka ako bakit meron itong dalawang zero sa unahan. Sa pagka-alam ko, BDO lang ang merong ganun. Kaya sinubukan ko na tanggalin ang dalawang zero sa unhan at iyon, successful ang FUND TRANSFER. Doon pa ako nakahinga ng maluwag.
Doon sa Note bago ko pinindot ang CONFIRM. Nilagay ko nalang na LOAN PAYMENT OF (MY NAME). Pagkatapos ng successful transaction, kinuha ko ang SCREENSHOT at yon ang pinadala ko through PM sa messenger ng Micromoney. Pagkatapos non natulog na ako at hoping na sana walang palpak sa pagbabayad ko.
Mga bank account kung saan pwede kayong magbayad ng inyong loan sa Micromoney:
Accounts for repayment
East west - 200029613167
Security Bank - 0000016572613
BPI- 4289169399
BPI - 4283432365
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.