Micromoney Reloan ay Napakabilis

Share:
Kahapon ng umaga maaga rin akong nagising at hindi ko na check kung anong nangyayari sa payment ko nong nakaraang gabi. Mga bandang tanghali, may tumawag sakin at bagong number ang tumatak sa cellphone ko, hindi ko nasagot dahil may kausap ako at nasa labas na naman ako ng bahay. Nong tumawag uli at yong number na ng Micromoney ang nabasa ko dahil naka phonebook na ito, sinagot ko na at nag excuse ako doon sa kausap ko at lumayo kunti. Yong babae na naman na kausap ko nong nakaraan at tinanong nya ako kung gusto ko bang mag reloan. Tinanong ko muna sya kong natanggap nya yong PM ko regarding my payment. Sinabi nya sakin na natanggap na daw nya kaya nga she offered for a reloan.

Tinanong ako kung yon pa rin ba ang papasokan ng reloan ko ang BPI account. Sagot ko OO. She as me again, "can you please confirm again your BPI account number?" sagot ko naman, hindi ko kabisado ang bank account number ko dahil nasa labas ako. Tatawag nalang ako after 2 hours pagka nasa bahay na ako. Dahil hindi ko na confirm ang tamang papasokan, bago mag 2 hours...pinadala sa akin ang eGiveCash reference number ng Security Bank. Hindi man lang ako inantay na makarating ang ma confirm ang BPI acount number ko. Ilang minuto lang, I got a message sa Viber na naglalaman ng PASSCODE sa eGiveCash.

Kahit mali ang pagkapadala ng pera pero pasamalat pa rin ako dahil napakabilis nila magprocess ng reloan. Wala ng mga requirements na hinihingi maliban sa bank account na dapat pasokan ng inyong loan proceeds.

By the way, habang nasa labas ako at hindi ko na check ang aking inbox nag email pala sakin ang Micromoney na hindi nila natanggap ang bayad ko. Kung hindi ako magbabayad ngayon, tatawagan nila ang employer ko. Kaso bago ko pa ito nabasa, nakikita na nila ang SS ng payment ko sa messenger.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.