Thursday, May 03, 2018

Moola Lending 7th Loan Repayment

Oras na naman ng bayaran, hindi ko masyadong napansin ang due date ko sa sobrang busy dahil lumipat kami ng bahay. Isang linggo din ang preparation para maayos ang lahat. Four days ago meron tumawag sakin isang agent ng Moola Lending, pasensya at hindi agad nasagot. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 7x silang tumawag pero hindi ko nasagot, sa pang walo ko na sila nasagot. Hindi naman sila nagagalit. Mahinahon pa rin ang nasa kabilang linya.

Tinanong nya lang ako kung kailan ko raw maaaring babayaran ang aking loan sa kanila. Dahil sa May 3, 2018 daw ang aking due date. Sinagot ko sila na sa araw mismo ng aking due date ako magbabayad. Wala siyang maraming mensahe na iniwan sa akin. Alam kasi nya na maganda ang record ko sa kanila mula pa nong first loan ko kaya sa mga succeeding loan, hindi na nila ako pinapahirapan. Bukod sa maximum amount na binigay nila na P20,000, yong pre-approved loan ko ay automatic na pumapasok sa account ko na wala ng tawag para ulitin ang mga terms and condition.


Nakailang reloan na rin ako na maximum amount ang nakuha ko. Bihira lang nila itong binibigay maliban nalang kung good payer ka at wala kang delay sa pagbabayad. Nagustuhan ko yong magandang serbisyo ng Moola Lending kahit mataas ang kanilang interest compared sa karamihang lending companies. Hindi naman ako nagsisi na umutang ako sa kanila dahil ginamit ko naman ng husto ang aking loan para makakabayad ng aking loan pagdating ng due date. Kapag may will kayong magbayad, sure na makakabayad kayo. Importante na gagamitin mo ang iyong loan sa tamang paraan. Laging tandaan na ang utang ay dapat bayaran at hindi kailan man maaaring kalimutan. 

Maaaring nagawa mo nga kalimutan pero hindi mo alam na darating din ang araw na ikaw rin ang mangangailangan. Siguradong mahihirapan ka ng umutang kahit sa kapitbahay at pamilya mo. Nasa huli lagi ang pagsisisi, kaya sana naman huwag na nating hintaying na dumating pa sa point na iyon.

Kanina, tumawag uli ang taga Moola Lending para ibigay sa akin ang REFERENCE NUMBER na gagamitin ko sa pagbabayad. Kanina ko lang din napansin na yong mga text pala nila tapos namin mag-usap sa agent 4 days ago ay wala palang karugtong na reference number. Sila mismo ay alam dulat na inconvenient para sa mga magbabayad this week. Humingi sila ng apology at pinakopya sa akin ang reference number sa papel hindi pa naayos ang system nila. Dagdag pa nya, hopefully this week ay maaayos na ito.

Medyo kinakabahan ako nong nasa 7-Eleven na ako kasi on-going yong pagpindot ko sa CLIQQ machine para makakuha ng resibo at gagamitin ko sa pagbabayad sa cashier, kaso biglang nag black out. Hindi natapos at biglang dumilim. Matagal din bumalik pero hindi ako umalis umaasang babalik para makapagbayad ako at hindi masisira ang credit record ko sa Moola Lending. Buti nalang after 15 minutes at bulik ito. Dali-dali akong tumungo uli sa CLIQQ machine at ginawa ulit ang pagpapalabas ng resibo para gagamitin sa Cashier. 

Successful ang pagbabayad ko kay Moola Lending. While nasa daan habang nagdrive ng aking motor, narinig ko na tumunog ang cellphone ko at alam kung galing sa Moola Lending, acknowledging my payment sa kanila. Pagkadating sa aking shop at napatunayan ko na galing nga sa kanila ang text na iyon. Dahil bayad na ako, ready na din ako para sa pagwalong reloan ko sa kanila. Salamat Moola Lending sa patuloy na serbisyo. Kahit papaano, malaking tulong ang pera nyo para maging OK ang business ko.

2 comments:

  1. Hello good afternoon, pwedi ba akong mang hiram ng pera, kasibpo kailngan ko talaga, babayaran konmn kayo agad with interst po.

    ReplyDelete
  2. Hello pwedi po b ako mka hirM ng pera sainyo

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.