Friday, May 04, 2018

MY 8TH RELOAN KAY MOOLA LENDING -VERY FAST

Matagal-tagal na rin akong umutang kay Moola Lending. From the very beginning ito ang pang walong utang ko na sa kanila. Nabanggit ko kahapon na binayaran ko na ang aking pang pitong loan sa kanila. Ang bilis nga ng panahon at hindi ko napansin, 30 days na pala pagkatapos nilang pinasok sa BDO account ko ang aking loan proceeds. Kasabay sa text na natanggap ko confirmation na posted na yong payment ko ay isang link na naglalaman sa pre-approved loan ko.

Tapos mag dinner kasama ng pamilya at nakapahinga na, palagay ko mga bandang 8pm ng gabi yon, inasikaso ko yong reloan ko uli sa Moola Lending. Ganun pa rin ang amount na niloan ko P20,000. Within 2 minutes natapos agad ang proseso na wala ng kailangan pang e fill-up sa kanilang website. Ilang pindot lang tapos na agad. Tapos kong magawa, inaantay ko nalang yong text galing sa kanila na approved na yong reloan ko at within 24 hours ay papasok na ito sa aking BDO account uli. Around 8:42pm, natanggap ko ang text galing sa Moola Lending na approved na yong loan ko at yon na nga kinabukasan papasok na ito sa aking bank account. Nakasaad doon na ang amount na babayaran ko after 30 days ay P26,000.


Dahil sa text na iyon, kampante na akong nag-antay na around 5pm-6pm nasa bank account ko na. Tulad nong mga succeeding reloan ko, wala ng tumawag sa akin para ulitin ang mga dapat kong tandaan while meron akong loan sa kanila. Siguro 5 times na akong hindi nakakatanggap ng tawag tapos kung e process ang reloan. Yon na nga ang nangyari kanina. Advantage talaga kung maganda ang record mo sa kanila kasi hindi kana nila pahihirapan pa para lang makakareloan.

Mga 3:30pm ng hapon, I check my BDO account at pumasok na nga ang loan ko sa Moola Lending. P18,000 ang pumasok sa account ko dahil may bawas itong P2,000 para sa processing fee. Napakabilis talaga ng disbursement nila kapag repeater ka at maganda ang record mo. Marami ang hirap magbayad sa utang nila kay Moola Lending dahil daw sa malaki ang tubo. Yes tama naman talaga yon, malaki ang tubo nila pero kung kailangan mo talaga, wala kang magagawa kundi uutang sa kanila dahil wala itong hinihinging maraming requirements. Hindi ka nila pahihirapan para lang makakapagloan at reloan.


Kaya nga pinapaalalahanan namin na kung hhirap kang magbayad ng utang mo sa kanila at hindi mo naman ito kailangan bakit kapa uutang at pahihirapan ang sarili mo? Huwag na nating sukatin ang capacity natin para umutang. Kung uutang ka, siguraduhin mo na pagdating ng due date makakabayad ka sa ayaw at gusto mo dahil nag-agree ka sa terms and condition nila nong hindi mo pa hawak ang pera nila. Lagi mong tandaan na obligasyon mong bayaran yon dahil hindi mo naman hiningi yon kundi inutang mo yon.

Sa mga nagnanais umutang sa Moola Lending, welcome ang lahat basta siguraduhin na may trabaho ka at meron kang valid id na ipapakita sa kanila. Napakadaling pumasa sa kanila at marami na ring umutang sa kanila. Kung tingnan natin ang statistics, maliit na porsiento lamang ang hindi nakakabayad sa kanila. Tanging yong walang willingness to pay their loan.

Payo mula sa USAPANG PERA AT IBA PA! team, ugaliing e evaluate muna natin ang ating kakayahang magbayad bago tayo umutang. Dapat siguraduhin na meron kang pagkukunan ng pangbabayad sa kanila, hindi yong saka kana maghahanap kapag oras na ng bayaran. Karamihan sa mga hindi nakakabayad ay sa umpisa palang hindi na nila alam kung saan kukunin ang pambabayad sa inutangan.

Sa mga gustong umutang kay Moola Lending, paki sundan lamang nyo ang complete guide sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/moola-lending.html

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.