Saturday, May 12, 2018

PPO versus BENJU -Alamin ang buong Kwento

Hindi ko lubos maisip na ganito ang mababasa mo sa mga post ng BENJU FastLend sa fan page nila na naka "ON HOLD ang reloan" dahil sa mga PPO members na hindi pa nagbayad ng kanilang mga loans. Marami ang nag-apply ng loans sa kanila galing sa PPO simula nong ito'y inilabas namin sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Lingid sa kaalaman ko bilang ADMIN ng PPO at Author ng USAPANG PERA blog kung paano at ano ang mga hinihingi nilang mga requirements sa mga taga PPO.

Sinubukan ko ang service nila bago ko pa pinalabas ang tungkol sa kanila para naman ma-share ko sa mga members ng PPO ang karanasan ko sa BENJU. Alam din ng Benju na ako ang ADMIN ng PPO pero hindi sila humingi ng kahit anong information tungkol sa mga tao sa PPO. Basta nalang nagpapautang sila sa PPO members. Masyado silang maluwag pagdating sa processing ng loan services nila. Ako nga, kahit almost every hour nasa PPO ako pero hindi ko kabisado ang takbo ng utak sa mga taga PPO. 

Sa panahon ngayon, napakahirap magtiwala, lalo na sa online world dahil maraming manloloko at mahihirapan na tayong alamin kung sino ang fake at sinong totoo. Dahil pwede na maging fake ang totoo at maging totoo ang fake na tao. Napaka hightech na ng mga manloloko, gagawin ang lahat makalamang lang sa tao at kumain ng galing sa hindi pinaghihirapan nila.

Nangyari na nga, marami ang hindi nakakabayad sa tamang panahon based doon sa agreed date na galing sa PPO, kaya yon ang dinahilan nila kung bakit naka HOLD ang loan at reloan. Kanino kayang kasalanan bakit ganon ang nangyari na maraming hindi nakapagbayad ng loan? Ito ang natuklasan ko at ako din mismo ang nakakaranas nito.

Lahat na hindi nakapagbayad ay hindi alam ang repayment details. Although karamihan sa kanila alam ang due date pero ang amount kung magkano ang babayaran sa araw na iyon ay hindi alam. Paano kaba magbabayad kung hindi mo alam kung magkano ang babayaran mo? Kung sakaling bayaran mo, paano kayo kung kulang o sobra ang binayad mo? 

Hindi bago sa karamihan dito na bawat lending company na approved ang loan application natin, kasabay ng loan disbursement ay meron tayong matatanggap ng repayment details sa SMS at sa email, pero sa BENJU walang ganun sa kanila at AKO MISMO ANG NAKAKARANAS NITO. Nagtxt ako sa kanila kung meron chance ang reloan ko pero walang reply at nag PM ako sa messenger, wala ding reply. Buti nalang nong nag check ako sa online banking ko, at meron pumasok. Nong una hindi ko alam kung kanino galing pero kinuha ko ang mga details sa mga pumapasok at pinaghambing ko sa mga nakaraang pumapasok at nakita ko na galing yon sa BENJU. Tiningna ko ang date at binilang ko kung kelan mag 15 days para ma alert sa BILL TRACKER ng aking iphone para hindi ko makakalimutan. 

Ang problema ngayon hindi ko alam kung magkano ang babayaran ko after 15 days. Buti nalang 2 days before ang due date may nag message sa akin at nagtanong kung meron akong natanggap na ganitong amount sa BPI account ko. Inamin ko agad na meron at sinabihan ko sila bakit ganon, wala man lang abiso na pumasok na at walang details para sa repayment. Nag apology ang agent na nakausap ko kesyo nakalimutan daw nong nag asikaso sa reloan ko. Pwede pala ang ganung rason. WOW naman. SANA NAKALIMUTAN nalang talaga nila na may UTANG ako. Sa totoo lang hindi valid reason yon para sa akin, meron akong proof na ang txt ako at pati sa messenger kaya hindi nila ako maloloko sa rason nila. 

Nakausap ko karamihan sa taong involved doon sa delayed repayment at same scenario, walang repayment details. NagPM pero walang nagrply dahil nakabakasyo daw. Ang malas naman nitong Mr. Fernando Flores, kumuha ng mga tao na hindi marunong sa ganitong larangan. Sana magiging systematic ang BENJU at hindi gawing rason ang PPO, dahil kung naging maayos lang ang sestima nila at pamamalakad hindi magkakagulo ang serbisyo nila.

Wala sa PPO ang problema, nasa BENJU ang problema kaya nagka ganito. Isa pa sana ayusin na nila ang website nila at wag na silang gagamit ng FREE HOST na website. Kung gusto nyong kumita gumastos naman kayo kahit sa website, yong merong security naman kahit kunti. Hindi naman ganun kamahal ang pagawa ng website lalo na kung start up palang.


Huli na yong pag build nyo ng TRUST sa akin. Dapat ginawa nyo ito nong umpisa palang, hindi yong nagkaproblema na saka kayo umaksyon. Hirap nyo din kausap sa totoo lang. Nakailang beses kayo nagtanong sa messenger kung anong oras pwede akong tawagan, ilang beses ko rin sinagot ANYTIME pero nagmiscall lang kayo at sa messenger na kayo nakikipag-usap. 

Sana maayos nyo na ang gusot sa inyong serbisyo para maging maayos na din ang takbo ng inyong lending company. Mukhang sumabak kayo sa giyera na kulang ang inyong kaalaman at makinarya. Hindi pa naman huli ang lahat, learn from your previous mistakes. 

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.