Monday, June 04, 2018

9th Loan kay Moola Lending -Successful!

Pagkatapos kong bayaran ang aking loan sa Moola Lending, agad rin akong nagrequest ng reloan sa pang siyam na pagkakataon. Simula umpisa hanggang pang 9th reloan, wala akong na encounter na problema kay Moola Lending. Dahil late night na akong nag reloan, expected na kinabukasan pa ito makikita ng mga taga opisina ng Moola Lending. 

Hindi nga ako nagkamali dahil pagpatak ng alas otso ng umaga, agad akong nakakatanggap ng text mula sa kanila na deposited na yong reloan ko. Dahil umaga yon, sigurado akong hapon na yon papasok mga between 5pm-6pm. Yon kasi ang kadalasan na papasok sa mga bank account ng mga nagloan sa kanila.

Maganda ang record ko kay Moola Lending kaya, unlike sa iba wala ng tumatawag sa akin na isang agent para e confirm at ulitin ang pagbabasa ng terms ang condition nila. Maluwag na ang Moola Lending sa akin. Nakailang P20,000 reloan na ako sa kanila. Ilang pindot lang approved na agad ang reloan ko at papasok na ito sa aking bank account.

Mga bandang 3pm sinubukan kong i-access ang aking bank account through online banking. Hindi ako nagkamali sa hinala, maagang pumasok sa account ko ang aking P20,000 reloan. Pero dahil may processing fee na 10% kaya P18,000 nalang ang pumasok. Di bale, nangangailangan ako kaya OK lang sa akin kahit magbabayad ako ng additional P8,000 pagkatapos ng 30 days. Ibig sabihin magiging P26,000 ang babayaran ko sa panahon ng aking due date.

Hindi Moola Lending ang may pinakamalaking interest dahil mas may mas mataas pa sa kanila. Isa na sa listahan ang Robocash at Lalapeso. Ganun pa man, hindi ito alintana ng karamihan kay sa nakatunganga ka lang at walang mangyayari lalo pa't ito'y iyong lubos na kinakailangan.

Siguraduhin lang natin na kapag tayo'y umutang, alam natin kung saan kukunin ang ating pambayad pagdating ng singilan. Marami ang umutang na hindi alam saan kukunin ang pambayad ng kanilang utang kaya pagdating ni bayaran, gumagawa ito ng maraming dahilan. 



Huwag naman sana ganon, lagi nating tandaan na nakakatulong ito sa atin at dapat tumanaw din tayo ng utang na loob. Sad to say, marami ang mga tao ngayon na hindi tumupad ng usapan. Basta-basta nalang kalimutan ang mga pinapangako nong nangangailangan pa ito.

OK lang naman ma-delayed minsan sa hindi inaasahang pangyayari pero kung sadyain mo na hindi bayaran ang iyong utang, siguradong pinapahamak mo na ang iyong sarili at pati ang iba na umaasa din sa pangungutang dahil pati sila hindi na rin makakautang. 


Kawawa yong mga matitino dahil sila ang unang tatamaan pagdating sa kanilang oras pangangailangan.

Kung gusto nyong subukan ang magandang serbisyo ng Moola Lending, paki basahin ang step by step guide na makikita sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/moola-lending.html

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.