Wednesday, June 13, 2018

FAQ Tungkol Sa DIGIPAY

Digipay FAQ  
1.Paano mag-download ng Digipay application?

- Pumunta lamang sa Google Play Store, i-search ang “Digipay Agent”, at pindutin ang “Install”.

2.1.Paano makapag-transact ng maayos at mabilis?

- Siguraduhin lamang na palaging updated ang ginagamit na Digipay App at siguraduhin din na mayroong internet connection.


2.6.Mayroon bang resibo na ibinibigay si Digipay?

- Nag i-issue po tayo ng Transaction Confirmation Receipt. Mayroon pong 3 klase ng resibo na pwede ibigay sa customer. Maari pong SMS Receipt, Printed receipt at E-Mail.

- Sa inyong web browser pumunta lamang sa website ng Digipay na www.digipay.ph. Mag login at i-click ang Sales Data. May mga icons po doon na pwedeng pagpipilian, maari nyo itong i-print, i-send sa email o i-send sa mobile number ng customer.

- Ang bawat SMS receipt ay nagbabawas ng piso (Php 1.00) sa inyong Digipay wallet per transaction. 


2.3.Paano at saan makikita ang mga ginawang transactions?

- Maaring makita sa Sales Data ang lahat ng mga successful transactions na ginawa. Pwede din po natin i-filter bawat transaction type  at kung anong araw lamang ang gusto ninyong makita.

3.Paano mabubuksan ang account kung nakalimutan ang password? 

- Maari po kayong tumawag sa aming DIGIPAY hotline numbers: Globe: 9270539396, Smart: 09298810125  at landline: (02) 785-5246 upang i-reset ang inyong password.  Kayo po ay bibigyan ng temporary password at kailangan nyo pong i-log in sa inyong account at palitan ng sarili ninyong password.

- Tandaan po natin na dapat ang may-ari lamang ng account ang nakakaalam ng  password at iwasang ibigay o ipaalam ito sa iba upang maiwasan po ang mga “Fraud Transactions” (ilegal na transaksyon). Inirerekomenda po namin na magpalit ng password kada buwan para masiguro po natin ang seguridad ng inyong account.


2.4.Paano kung hindi sigurado kung tama ang ginagawang transaksyon?

- Mayroon po kaming binigay na Biller Guide at Workbook na pwede nyong pag-basehan sa bawat transaksyon..

2.7.Saan makikita ang mga nabawas at nadagdag na halaga sa aking Panalo wallet?

- Maari pong pumunta sa Sales Data at piliin ang Wallet Ledger, dito makikita ang lahat ng pumasok at lumabas na pera sa inyong wallet. Tandaan po na ang makikita lang natin na impormasyon sa Wallet Ledger ay ang mga transaksyon na naganap sa loob lamang ng isang araw. 

2.5.Paano malalaman kung magkano ang aking kita sa bawat transaksyon?(magkano ang income namin)

- Maaring pumunta sa Sales Data at piliin naman ang Revenue Report, dito makikita kung magkano ang kinita sa bawat transaksyon. Tandaan po na ang makikita lang natin na impormasyon ay ang mga transaksyon na naganap sa loob lamang ng isang araw.

- Maari nyo rin po i-check sa Rate sheet na ibinigay sa inyo para malaman ninyo kung magkano ang kikitain nyo sa bawat transaksyon ng e-load, bills pay o mobile money.

-
4.Ano ang Convenience Fee?

- Ito ay ang dagdag na kita na maaari mong ipatong sa bawat transaksyon. Ngunit may ilang mga billers na may Maximum Allowed Service Fee at kailangang sundin ito. 

5.Ano ang System Charge?

- May mga billers na may System Charge pa sa ibabaw ng halaga ng bill na babayaran ng customer. Sa ganitong pagkakataon, idaragdag mo pa ang sarili mong Convenience Fee at iyon ang iyong kita.


6. Ilang araw bago mai-post ang binayad para sa Bills Payment?

- Ang Posting po ng bawat transaction ay 2 to 3 working days. Kapag meron pong customer na nagreklamo na hindi pa naipo-post ang payment, pwede po ninyo ibigay ang Reference Number na makikita sa resibo at maari po nila itong ipakita bilang patunay ng kanilang pagbabayad.

- Sa mga Government Billers katulad ng SSS at Pag-ibig, ang posting po nito sa Customers Account ay makaraan ang 1 buwan. Maaari nilang kumpirmahin sa tanggapan ng SSS at Pag-ibig kung nai-post na ang kanilang binayad sa pamamagitan ng Reference Number.


2.2.Paano maiiwasan ang Double Transaction?

- Siguraduhin lang po na updated ang PANALO App sa inyong device. Kung kayo ay nagta-transact at hindi kaagad ito pumasok, i-refresh o i-restart muna ang app at tignan kung ang inyong wallet ay nabawasan o hindi. Maari ring i-check ang Sales Data kung mayroong pumasok na transaksyon. Kung wala naman ay maaari nang ulitin ang transaksyon.



SMART MONEY:

1.Bakit hindi ibinibigay ng ibang Smart Money outlets ang perang ipinadala?

- Mayroon po tayong dalawang klase ng Smart Money Account Numbers. Ang mga nagsisimula sa 5577 ay lehitimo o awtorisado na Smart Padala Centers, ang mga nagsisimula naman sa 5299 ay mga Smart Money Account na para sa personal na gamit lamang. Siguraduhin lang po na dun lamang po tayo magpadala sa lehitimong Smart Padala Stores para maiwasan ang abala at isyu sa pag-Money Out.

2.Kailan pwede magpadala sa Smart Money Account na nagsisimula sa 5299 xxxx xxxx xxxx?

- Maaari lamang po natin padalhan ang Account Number na nagsisimula sa 5299 kung Money In  ang ginagawang transaction. Ang ibig sabihin po ay Personal Account po ito ni Customer at nais niya lamang lagyan ng Load ang kanyang personal na Smart Money account.

3.May limit po ba ang pagpapadala sa Smart Padala?

- Ang mga Smart Money Account Numbers lamang na nagsisimula sa 5299 ang mayroong daily limit sa pag Money In at Money Out. Siguraduhin po lamang natin  na sa mga lehitimong Smart Padala Outlets lang tayo magpadala na nagsisimula sa numerong (5577).


BILLS PAYMENT


Government Services:

Paano mag process ng NBI Clearance?

- Pumunta lamang po sa link na ito https://www.nbi-clearance.com/ para sa NBI online application at i fill-up ang form. Piliin ang “MULTI PAY” para makapag transact ng payment gamit ang Digipay App. 

- Sa Digipay App, i-type sa field 1 ang 8-digit alphanumeric reference number na inyong makukuha pagkatapos mag fill-up online. 


Paano mag process ng Pag-ibig Loan and Contribution Payments?

Para sa HOUSING LOAN: I-type ang HL/20 digit account number.  (Halimbawa : HL/15316013531611152128)

Para sa REG 100 (Monthly Contribution): I-type sa field 1 ang MC/12-digit account number / year-month, year-month  at ilagay sa field 2 ang kompletong pangalan ng miyembro. 
(Halimbawa: MC/121095004470/201710201710)

Para sa MP2 (500) Fund: I-type sa field 1 ang MC/12-digit account number/year-month,year-month at ilagay sa field 2 ang kumpletong pangalan ng miyembro. (Halimbawa: MC/121095004470/201710201710)

* Siguraduhin po natin na updated ang buwan na babayaran para mai-process ang ating payment.



Paano mag process ng SSS Payments?

I-type sa field 1 ang 10-digit SSS number kasunod ng month at year  at ilagay sa field 2 ang kompletong pangalan ng miyembro. (Halimbawa: 3467753816102017)

* Siguraduhin po natin na updated ang buwan na babayaran para mai-process ang ating payment.


Ano-ano ang mga pwedeng bayaran sa NSO Helpline Plus?

- Ang mga certificates na pwede natin bayaran sa ating Panalo App  ay ang Birth Certificate, Marriage Certificate, CENOMAR (Certificate of No Marriage) at Death Certificate.


Paano mag process ng NSO Helpline Plus?

- I-type lang ang link na ito https://nsohelpline.com at i fill-up ang online application form. Mayroong ibibigay na Reference Number at iyon ang gagamitin para makapag bayad gamit ang Panalo.
Telco:

Ano ang pagkakaiba ng Globelines at Globe Handy Phone?

- Ang Globelines ay ang bill ng Globe landline at internet. Mayroon itong 9-digit account number na nagsisimula sa 1,6,83,84,85 at 86. 
- Ang Globe Handy Phone naman ay ang bill ng mga naka- post paid plan. Mayroon itong 8-10 digit account number na nagsisimula sa 1,2,3,4,5,6,7.


Alin ang mga billers na may requirements sa pagbabayad?

A. Mayroon tayong mga billers na may partikular na requirements sa pagbabayad. Kasama na dito ang mga Electric Cooperatives at Water Districts. Exact Amount ang kailangang ibayad at dapat walang Previous Balance. Ang maaari lamang nating tanggapin ay iyong mga bills hindi pa lagpas sa Due Date. 

Narito ang ilan sa mga billers:

1. Angeles Electric Corporation
2. Batangas 2 Electric Cooperative Inc.
3. Batangas 1 Electric Cooperative Inc.
4. Cebu II Electric Cooperative (CEBECO2)
5. First Laguna Electric Cooperative Inc. (FLECO)
6. Ilocos Norte Electric Cooperative
7. Iloilo Electric Cooperative Inc. (ILECO 1)
8. MERALCO’
9. Nueva Ecija 2 Area 1 Electric Cooperative Inc. 
10. Nueva Ecija 2 Area 2 Electric Cooperative Inc.
11. Pampanga 2 Electric Cooperative Inc. (PELCO 2)
12. Pampanga 3 Electric Cooperative Inc. (PELCO 3)
13. Pampanga Rural Electric Service Coop. (PRESCO)
14. Peninsula Electric Cooperative Inc. (PENELCO)
15. Tarlac 2 Electric Cooperative Inc. (TARELCO2)
16. Daraga Water District
17. Legazpi City Water District (LCWD)
18. Mabalacat Water District
19. Metro Cebu Water District (MCWD)
20. Prime Water Infrastructure Corporation
21. Sorsogon Water
22. Sta Maria Water
23. Tabaco City Water District (TAWAD)




B. May mga billers din na kailangan i-round off ang halaga na dapat bayaran. Halimbawa, ang bill ay 1,350.15, ang kailangang halaga na dapat i-type sa PANALO App ay Php 1,350.25 para maging matagumpay ang transaksyon. 
Ito ang mga billers na kabilang rito:

1. Globelines
2. Globe Handy Phone
3. PLDT
4. Smart Communications Inc.
5. Sun Cellular Postpaid
6. BPI Credit Card
7. Home Credit
8. Manila Water
9. Maynilad Water Services
10. BP Water Works
11. Laguna Water
12. Visayan Electric Company (VECO) 
13. Benguet Electric Cooperative (BENECO) 












Additional FAQ

DIGIPAY 

Paano mag-download ng Digipay app?
- Pumunta lamang sa Google Play Store, i-search ang “Digipay Agent”, at pindutin ang “Install”.

Saan makukuha ang PIN na hinihingi sa pag-lologin sa DIGIPAY account?
- Ang PIN ay parang password na sariling gawa at isineset ng may-ari ng account.
- Sa unang beses na pag-login sa iyong DIGIPAY account ay kinakailangan magbigay ng sariling PIN na dagdag sa seguridad ng iyong account.
- Tandaang maigi ang iyong PIN dahil kinakailangang itype ito sa tuwing bubuksan ang DIGIPAY app.

Mayroon bang resibo ang bawat transaksyon sa Digipay?
- Maaaring pumili kung sa pamamagitan ng SMS o e-mail ang gustong mareceive na resibo ng transaksyon.
- Ito ay makikita sa pagpipilian bago pa man matapos ang isang transaksyon.

Paano magre-send ng resibo o Transaction Confirmation Receipt kung tapos na ang transaksyon?
- Magpunta lamang sa SALES DATA at i-filter sa history kung aling transaksyon ang nais muling makuha ang confirmation receipt.

Ano ang pwede naming gawin sa tuwing mayroon kaming katanungan tungkol sa DIGIPAY?
- Maaari ninyong makausap ang aming Support Team sa Chat Support feature na matatagpuan sa app. Maari ninyo silang i-chat sa lahat ng mga katanungan kaugnay sa DIGIPAY app.

Paano namin mamo-monitor ang mga transaksyon at ang  galaw ng pera sa aming wallet?
- Ang mga transaksyon at galaw ng pera sa inyong wallet  ay nasa ilalim ng Sales Data. Dito makikita ang History, Distribution, Statistics at Wallet Ledger. 
*History - Dito makikita ang lahat ng detalye tungkol sa lahat ng transaksyon mula sa una hanggang sa pinaka bagong transaksyon.
*Distribution - Ipinapakita nito ang pagkakahati ng lahat ng gastos ng inyong wallet sa isang araw. Dito makikita kung aling transaksyon ang pinakamadalas maganap.
*Statistics - Ito ang nagtatala ng galaw ng pera at dalas ng transaksyon sa bawat buwan at araw.

*Wallet Ledger - Ito ang talaan na nagpapakita ng paglabas at pagpasok ng pera sa inyong wallet sa isang araw.

13 comments:

  1. Papaano kung hindi ko naienter ang eemail ko sa pag send to bank sa.gcash.. at nabura na din ang confirmation code.. mai tatop up padin ba ito after 3days.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahirap po kapag ganun, dapat may proof kayo na galing sa inyo yong pero na ipinasok nyo sa account ng digipay.

      Delete
  2. Papaano kung hindi ko naienter ang eemail ko sa pag send to bank sa.gcash.. at nabura na din ang confirmation code.. mai tatop up padin ba ito after 3days.

    ReplyDelete
  3. Papaano kung hindi ko naienter ang eemail ko sa pag send to bank sa.gcash.. at nabura na din ang confirmation code.. mai tatop up padin ba ito after 3days.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Check nyo po sa bank history nyo tapos kumuha kayo ng statement, tugma sa bank account ng digipay.

      Delete
  4. paano mag top up ng digipay po?

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming way po, pwede over the counter sa kanilang mga bank account or pwede din online banking. Recommended ang BDO mas mabilis ang posting.

      Delete
  5. pwede po ba mag cash in sa coins.ph gamit ang digipay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pwede po, Gcash, paymaya at smartpadala lang po.

      Delete
  6. May initial amount po ba pr sa unang top-up?

    ReplyDelete
  7. Pwde bang mg load sa mga load wallet?

    ReplyDelete
  8. Paano malagyan ng credits ang digipay ko?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.