Thursday, June 14, 2018

GOODBYE PAGASA LENDING FOUNDATION

Marami ang natutulongan ng Pagasa Lending sa buong Pilipinas. Hindi naman sila masyadong mahigpit lalo na kung pagsisingil ang pag-uusapan. Mula umpisa, maganda na talaga ang relasyon namin ni Pagasa Lending. Ito'y dahil, kaibigan ko ang branch manager na naka-assigned dito sa lugar namin. Malaking factors din siguro kung bakit maganda ang treatment nila sa akin dahil kaibigan ko ang Boss nila. 

Nakatalong reloan din ako sa Pagasa na maganda ang pakiramdam ko sa aming samahan. Dahil nagka problema ang kabilang branch na malapit dito sa amin, inilipat doon ang kaibigan kung Pagasa branch manager. Tapos, napalitan din ang taong may hawak sa account ko. Ang pumalit babae, na sobrang mabait din at wala akong problema sa kanya pati ang mga tauhan ko sa shop sakaling wala ako. Madalas din itong nagttxt sakin kapag nakailang bayad na ako at pwede na akong magreloan.

Nitong last reloan ko, hindi nya natapos dahil kabuwanan nya na. Nakadalawang buwan na ito at hindi na nakabalik. Iba na ang humawak sa account ko. Ang humawak, mukhang walang CARE sa client nila. Pumunta sa shop ni wala man lang ibang salita kundi sasabihin taga Pagasa Lending at kukunin ang Yellow book. Hindi din kilala ng mga tauhan ko at mas lalong hindi namin kilala.

Nakalimang reloan na ako sa Pagasa at approved ako sa P35,000 nong 5th reloan ko. Dahil P5,000 ang increase bawat reloan, ngayon sa pang-anim magiging P40,000 na sana ang makukuha kong loan sa kanila. Pero medyo nag-iba ang ihip ng hangin dahil napansin kung mayrong unfair na rules betweeen borrowers at ng Pagasa Lending. Hindi ako pabor doon sa Savings program nila. Bakit kailangan pa ng savings? Dahil daw kung sakaling hindi nakakabayad, doon kukunin ang pambayad. Napaka clever ni Pagasa dahil ang savings mo ay walang tinubo, ni pesong interest ay wala. 

Ang hindi ko gusto, yong savings mo ay dapat kalahati ng inyong loan sa kanila. Sa P35,000 na loan ko, dapat P15,000 ang savings ko. Ibig sabihin P20,000 lang ni loan ko sa kanila tapos ang interest na binayaran ko ay buong P35,000 kasama ang savings ko. Bottom line, kumikita pa sila sa savings ko dahil may interest ito kapag hihiramin ko pero wala silang interest na binigay sa savings ng bawat borrowers. Nakakatulong nga sila pero hindi buo, dahil ginagamit din nila ang pera natin para maka earn ng interest pero wala silang binalik na interest sa pera natin. Lugi tayo kung tutuusin dahil sila lang kumikita savings natin, dahil sa tindi ng pangangailangan natin hindi natin ito napapansin.

Hindi ako mapaisip ng ganito at hindi rin ako magising kung hindi nag-iba ang pakikitungo nila sa akin. Matagal akong client nila at nasa P17,420 na ang savings ko sa kanila. Malaki na ang pundo ko sa kanila at pinapakinabangan nila ang perang iyong para ipautang na may balik na interest samantalang wala akong makukuha na interest sa perang yon.

Dahil last payment ko kanina, pumunta uli ang agent nila para kunin ang bayad. Isa pa sa ayaw ko sa kanila, hindi sila tumatanggap ng Tseke, kailangan daw cash ang ibabayad tapos weekly pa ang singil. Marunong talaga ang Pagasa, kailangan makakakolekta sila ng pera para pang release nila sa iba. Yong para sa savings mo weekly din nila kinokolekta sabay sa loan mo.

Ang rule ng Pagasa kapag naka 19th payments kana pwede kana uling mag reloan. Dahil kadalasan 24 payments ang kailangan mong buohin para ma completo ang 6 months term mo. Umabot na sa last payment saka pa ako sinabihan mag fill-up ng form para daw ma release kaagad ang reloan ko. Dahil hindi ko naman ito kailangan sa ngayon, I realized na lugi talaga ako kung ipagpatuloy ko. Ang P17,420 savings kung ako ang gagamit nito sa negosyo, lalaki ang interest nito lalo na kung sa Loading business at SmartPadala ko ito ilalagay.

Dahil hindi na ako napasok sa shop at laging nasa bahay nalang dahil sa online job ko, sinadya kung kunin ang Yellow book at tumungo sa opisina nila at hinanap ko yong humahawak ng account ko. Mas lalong nabuo ang desisyon ko na tuloyan e closed dahil, nong hinahap ko ang humawak sa account ko, sabi wala daw doon ay hindi siya ang humahawak sa aking account. Pero nong iabot ko ang Yellow book at ang form, sabi nya saan ko daw nakuha ang form, sagot ko naman iniwan sa shop ko. Nadulas siya, ah iniwan ko yan kanina kasi wala ka. Sabi hindi siya ang humawak eh bakit siya ang nagpunta sa shop.

Nagpapasalamat nalang ako at sinabi na hindi na ako mag reloan pa dahil hindi na ito kailangan sa ngayon. Noong isang linggo pa sana, pero pakana ko lang yon dahil palaki ng palaki ang savings ko na wala man lang interest na ibinibigay, ang masaklap para sa akin kumikita sila sa pera ko kapag hiniram ko ito. Hindi maganda ang ganitong kalakaran, kaya mas pabor pa din ako sa walang savings program kahit malaki ang interest. 

Pero sa mga walang ibang choices, subukan nyo ang Pagasa. Di birong mas maganda naman ito compared sa Robocash, Moola Lending, Lalapeso at sa iba pang mataas maningil ng interest. Sana tanggalin na ng Pagasa ang Savings program nila. Ang tao talaga kung magaling magbayad, magbabayad talaga yan. Kung ang tao clever din tulad nila, kahit anong savings program pa yan, hindi talaga yan oobra.

PAALAM PAGASA LENDING!

5 comments:

  1. Paalam Pag-asa lending, subukan naman nating sa Pag-Ibig Fund umutang...mababa ang interest

    ReplyDelete
  2. Ang savings po ninyo o ang tinatawag na LCBU (Loan Collateral Build-up) ay hindi ginagamit para maging kapital sa pagpapautang ng Pagasa Philippines Lending Co, Inc. sa mga borrowers. Ito po ay labag sa permit na ibinigay ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Pagasa. May sapat po na kapital ang Pagasa para magamit sa pagpapautang sa mga borrowers. Ang mga local banks po ay syang nagpapahiram sa Pagasa. Bukod dito, may mga kapital na nagmumula sa ibang bansa. Ito po ay makikita sa Financial Audit report na taon-taong ginagawa ng SGV (Sycip, Gorres, Velayo & Co) auditing firm. Sana po ay naliwanagan kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok palagay na natin na hindi ginagamit ni pagasa sa pagpapautang, eh saan napunta yon dba sa account din ni pagasa. Sa bangko at sa BSP as long as na ma maintain nila ang ADB para hindi sila mapaso, hindi na maghahanap si bangko o si BSP kung kanino ito. Pera pa rin yon ng tao na kung tutuusin kung sa bangko nila nilagay dapat may interest na ito...

      Delete
  3. 20% lamang po ng loan amount ang dapat na i-maintain sa savings. Kung ang loan ay 35,000, nangangahulugan na 7,000 lamang nag dapat na matira sa savings at pwedeng i-withdraw ang sobra dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba ang nangyari sa savings ko bakit umabot ng 15k.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.