Monday, June 11, 2018

INSULAR SAVERS BANK, INC. -Kilalanin

Itong bangkong ito ay subsidiary ng Philippine Business Bank , Inc. Sila ay nagbibigay ng salary, real mortgage , second hand car financing at iba pa. Para sa pangunahing dokumento ito ay ang mga sumusunod:

1. Application form na dapat ay kompleto ang mga impormasyong kanilang kailangan.
2. Para sa mga unang beses na mag loan: tatlong buwang payslip ay kailangan
Para sa mga gustong mag renew: pinakabagong payslip
3. Dalawang valid IDs
4. 2x 2 ID picture
5. Proof of billing or barangay clearance
6. Proof of income

MGA IBA’T IBANG KLASE NG LOAN:
1. Makaguro loan:
Maliban sa pangunahing dokumento kailangan din ang mga sumusunod na kwalipikasyon:

a. Mga guro or kahit na mga hindi nagtuturo basta nakasama sa DEP ed payroll.
b. Mula 21 hanggang 30 taong gulang.
c. Dapat pasok sa minimum take home pay.

2. Auto Loan
Sa loan an ito maaaring magloan para sa pambilli ng sasakyan o kaya ay pa refinance ang sasakyan. Ngunit magsisi silbing collateral ang Certificate of registration ng sasakyan.

3. Micro Finance Loan
Para ito sa mga may maliliit na negosyo at nangangailangan ng karagdagang kapital.
Maliban sa pangunahing dokumento ka kailangan din ng Police clearance bilang karagdagang requirements.

4. Salary Loan

Para ito sa mga empleyado na may gustong pag gamitan ng pera tulad ng tution fee o kaya mga d inaasahang pagkakataon tulad ng pambayad ng credit card ,o kaya ay pagpapaayos ng bahay.
Maliban sa pangunahing dokumento ka kailangan din karagdagang requirements tulad ng :
a. Dapat ay empleyado na sila ng kompanya ng dalawang taon o higit pa.
b. Dapat ang kompanya ay limang taon o mahigit nang tumatakbo.
c. Ang borrower aya dapat 21 hangang 60 taong gulang sa loan maturity .
Para sa interes ang pinakamababa ay 1.27% kada buwan.
d. Post dated check
e. ITR

5. Real Estate Mortgage Loan
Para sa loan na ito ginagamit ang bahay at lote bilang collateral sa loan na gustong kunin. Maliban sa pangunahing dokumento ka kailangan din karagdagang requirements tulad ng :

a. Detalyadong Real Estate Application Form
b.Dalawang Valid IDs, with 3 specimen signatures at the side (Borrower & Spouse)
c. 2 ID Pictures (2 x 2)
d. Bagong kuha na Community Tax Certificates/Cedula (and Spouse)
e. MRI/Group Insurance Application Form
f. Para sa mga empleyado ITR -2 years & Financial Statements at Audited Financial Statements
g. Anim na buwang Bank Statements
h. Kopya ng TCT para sa verification
i. Kopya ng Tax Decalaration, Tax Receipt, Tax Clearance
j. Litrato ng property
k. Vicinity Map/Location Plan (Blue Print)
l. Para sa Korporasyon
●Company/Business Profile ●ITR for 3 years ●Articles of Incorporation/ By-Laws/ SEC Registration Certificates ●Board Resolution/Secretary's Certificate ●Suretyship Agreement , kung kinakailangan.

6. Bus Loan
Para ito sa mga kompanyang gustong bumili ng bus . Ang magiging collateral ay ang certificate of registration ng makukuhang bus. Para sa requirements kapareha sa Real estate mortgage loan at karagdagan na mga sumusunod:
a. Kopya ng ltfrb franchises owned (companies) appraisal if used buses
b. Litrato ng mga bus na pag aari ng kompanya kasama ang OR/CR at franchise nito.

Para sa interes na hindi nabanggit ito ay depende sa laki ng loan na makukuha at malalaman ito pa ang borrower ay nag file nang loan.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.