Manulife Financial Plans -Kilalanin

Share:
Ang insurance company na ito ay nagsimula noong 1907. Katulad ng iba ang pinaka layunin nila ay matulungang makaipon ng pera na kakailanganin sa kanilang pagtanda o kaya ay sa kanilang pagpanaw. Importante ito sapagkat hindi natin maiwasan na magdadala ng kahirapan sa pamilya ang pagkawala ng kanilang bread winner o kaya sa simpleng salita taong tagataguyod sa kanyang pamilya. Kaya naman naisip ni Manulife na gumawa ng mga policy na naayon sa pangangailangang ng bawat tao at ito nga ay nahahati sa 5 na kategorya:

1.Edukasyon
Sa sangay na itong may dalawang klase:
 A.Manulife Education Builder
Dito puwedeng nag ipon ng pangtuition fee ng anak sa pamamagitan ng pagbayad ng premium at pagdating ng edad na 18 ng anak ay maari itong gamitin sa pagbayad ng kanyang tution fee. Maliban dyan may karagdagan ding benepisyo kung saan makakakuha ng 50% 4 to 5 taon bago sya mag 18 na katumbas ng kanyang annual na binabayaran. At kapag may hindi inaasahang pangyayari at ang taga bayad ay nakaranas ng disabilidad ang kanyang balanse ang hindi na niya kailangang bayaran.

B. Manulife Gradmaker

Ito ay isang app sa cellphone kung saan puwede kayo magregister dito at nakapaloob na lahat kung papaano kikita ang pera na gusto ninyo ma invest. Para sa computation ito ay nakabase sa halaga ng tuition fee sa kasalukuyang panahon at ang puwedeng kitain ng pera ninyo ay puwedeng umabot sa 8% kada taon. Sa simpleng salita para siyang online bank at insurance na rin para makaipon ng pagpapa aral sa ating anak.

2. Wealth

A.Manulife Affluence Gold
Simple lang ang policy na ito maliban sa total ng pera sa insurance mo ay mabibigyan pa ng 25% na karagdagan ang pamilya mo kapag ikaw ay pumanaw sa hindi inaasahang panahon.

B. Manulife Affluence Gold
Katulad din nito ang Manulife Affluence Gold may karagdagan lamang , dito maari mong baguhin ang klasipikasyon kung saan mo maisip ang palaguin ang pera mo . Maari ka ring maglabas ng pera mo pag ito ay kailangan mo at panghuli sa lahat hindi na kailangan pang mag presinta ng medical records para makuha ang benepisyo.

C. Manulife Affluence Builder Plus
Ito ay mas flexible kompara sa mga naunang klase .Dito maari mong ilipat ang iyong investment sa gusto mong klasipikasyon. Mayroon ka ring accident at death benefit sa policy na ito.

D. Manulife Affluence Income
Para sa policy na ito ay makakakuha ang holder ng 3% kada taon bilang pay out. Ang insurance ay pang habang buhay at pag ang holder ay kumabilang buhay sa hindi inaasahang panahon makakakuha ng 125% death benefits ang kanyang pamilya.

3. HEALTH
Madalas ang sakit na hindi inaasahang dumating ay nakakaubos ng pera , kaya para maiwasan ito ang policy na ito ay ginawa upang maproteksiyunan ang pinansiyal ng pamilya. Ang mag sunusunod ay ang 3 klase:

A.Manulife health Choice
Mayroong 35 na nakapaloob na sakit na puwedeng i cover nitong klase ng insurance tulad nga stroke, heart attack, kidney failure at cancer.. Nag kagandahan kapag kayo ay nadiagnose nito ay maaaring ibigay ang buong halaga na kailangan ninyo para sa pagpapagamot.
Maari ring i loan ang insurance pag ito ay kailangan.
Pagnagkataon na may nangyari sa holder na hindi inaasahan ay makukuha ng inyong naiwanang pamilya ang buong basic premium na binayaran ninyo.
Paglipas ng 20 years ay maari ninyong kunin ang kabuuan ninyong binayaran at ikakaltas ang nagamit ninyong hospital benefits.

B. Manulife Adam Series
Ito ay eksklusibo lamang sa mga kalalakihan may asawa man o wala. Layunin nito na maproteksyunan ang maiiwang pamilya sa kadahilanang lalaki ang madalas na padre ng pamilya.
Mayroong 35 na nakapaloob na sakit na puwedeng i cover nitong klase ng insurance tulad nga stroke, heart attack, kidney failure at cancer.
Para sa mga hindi inaasahang pangyayari makakatanggap ng karagdagang benepisyo ang pamilya ng holder.
Kung sakaling makaranas ng disability ang holder ay mayroon ding makukuhang karagdagang benepisyo ang kanyang pamilya.

C. Manulife Eve Series

Para naman ito sa mga babae may asawa man o wala.
Kasama rito ang insurance for surgical procedures, para sa hysterectomy, breast tumor removal, at cervix amputation.
May karagdagang tulong pinansyal ding makuha sa pregnancy-related complications tulad ng ectopic pregnancy and stillbirth o kaya pag na panganak ang bata na may congenital conditions tulad ng hydrocephalus and Down's syndrome.
Para sa mga hindi inaasahang pangyayari makakatanggap ng karagdagang benepisyo ang pamilya ng holder.
Kung sakaling makaranas ng disability ang holder ay mayroon ding makukuhang karagdagang benepisyo ang kanyang pamilya.

4. RETIREMENT
Likas sa atin ang retirement pag tayo ay wala nang kakayahan para magtrabaho kaya naman gumawa ang Manulife ng policy para dito aymga sumusunod ay iba’t ibang klase nito:

A. Manulife Freedom
Para sa policy na ito maari mong kunin na lumpsum ang iyong cash benefit o kaya ay maari ring regular schedule depende sa pipiliin mo.
Para sa emergency maari mo ring i -loan ang iyong pera.
Ang insurance coverage ay 15, 20, o kaya hanggang sa edad 65, para sa iyong seguridad kasama na rin ang inyong pamilya.

B. Manulife Affluence Builder
Sa Policy na ito ay may maximum coverage ang policy holder at pamilya niya.
Pinapayagan din ang fund switching , maari mong ilipat kung saan mo gusto ang iyong investment. Puwede ka ring mag withdraw ng pera mo pag kailangan mo ito.
Mayroon ding pero at dollar investment fund. At panghuli maari kang magdagdag ng Rider mo o tinatawag na beneficiary.

5. PROTECTION

A.Manulife Seasons 100
Para sa policy na ito ang holder at ang pamilya niya ay makakatanggap ng benepisyo hanggang sa edad na 100.
Maari ring siyang makakuha ng emergency funds .
Pag siya ay umabot sa edad na 100 maari niyang makuha ang buong halaga ng insurance niya.
Sa edad na 75 makakakuha siya ng percentage ng life insurance niya.

B. Manulife Horizons
SA policy na ito ay mayroong total protection coverage .
Puwede ka ring mag withdraw ng pera mo pag kailangan mo ito.
Maaring baguhin ang investment nang sa gayun ay mapunta ang pera sa mas mataas ang kita.

C. Manulife Yearly Renewable Term (YRT) and ReACT5
Makakakuha ng annual insurance and protection para sa isang taon o kaya ay fixed period sa limang taon.
Pagkatapos ng policy years ito ay automatic na marerenew.

Ito ang iba’t ibang klase ng insurance na maaring pagpilian , ginawa ito upang maging flexible depende sa pangangailangan ng mga kliyente.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.