Thursday, June 21, 2018

Micromoney Last Payment at Paalam Na!

Nakadalawang loan din ako sa Micromoney na walang kahirap-hirap. Pero sa pagbabayad talagang nahihirapan ako. Everytime na due date ko lagi nalang may abirya ang BPI. Kung dati ang SLANG na agent ng Micromoney ay hindi nangungulit, ngayon medyo iba na. Napansin ko na tawag sila ng tawag kapag hindi mo ito nasagot. 

Actually, last week pa ang due ko pero dahil holiday at weekend wala akong magawa kundi maghintay hanggang Monday dahil ang BPI closed kapag Holiday at weekend. Kaya hindi ako masyadong gumagamit ng aking BPI account. Mas gusto kong gagamitin ang aking BDO dahil until Saturday sila bukas sa karamihan ng kanilang branch.

Kaya nong Lunes, tumawag sila bandang hapon at nag follow-up sa aking payment. Pina email ko uli ang aking total payable kasa ang penalty at interest. Kung ang dapat na babayaran ko nong Friday, June 15 ay P10,200 sa loan ko na P8,000. Nagiging P10,840 na ito. Nadagdagan ng P640 pero kahit ramdam ka na medyo malaki binayaran ko pa rin dahil utang ko yon at hindi ko nabayaran sa due date. Hindi ako tulad sa ibang nangungutang, sila na nga nangungutang, sila pa yong galit eh sila din naman ang lumabag sa agreement.

Oras na sanang bayaran ko kahapon ng umaga pero nagloko ang BPI kaya ilang beses ko itong inulit dahil lagi ding natawag ang Micromoney nagpa-follow up. Sinubukan ko na ang dalawang app ng BPI, yong old at new pero hindi makakapag transfer ng pera. Lumipat ako sa chrome browser, ganon pa rin ayaw magtransfer. Pumasok ang payment ko gabi na around 6pm.  


Pagkapasok ng aking payment, agad ko ito pinadala sa number ng Micromoney through viber. Nagpasalamat ako at agad ding nagreply ang Micromoney agent. Hindi ko na kinausap pa tungkol sa reloan kasi alam kong nakapending ang reloan nila dahil marami ang hindi nagbabayad ng mga loans nila. Wala na rin akong balak pang mag reloan dahil mahihirapan na naman ako sa pagbabayad pagdating ng due date.

Naghihigpit na rin sa requirements ang Micromoney at maraming application ang hindi na napapansin dahil nagiging busy na sila sa paniningil ng mga nangungutang sa kanila na nagpast due na pero wala pa ring planong magbayad. Kung meron kayong utang kay Micromoney, maaawa naman kayo sa kanila. Bayaran nyo na para maging malinis ang konsensya nyo. Huwag kayong maging sakim sa pera, maliit na halaga lang yan. Tulongan nyo ring makakautang ang iba kapag nagbabayad kayo. ANG UTANG AY DAPAT BAYARAN, HINDI PILIT NA KALIMUTAN.

PARA SA AKIN PAALAM MICROMONEY!

1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.