Thursday, June 14, 2018

Micromoney Takot sa Holiday

Ngayong araw na ito ang Due Date ko kay Micromoney pero kahapon, nakadalawang tawag ang agent nila para singilin ako. Binilang ko ang number of days para malaman kung 28 days naba ang nakalipas. Nalalaman ko na 27 days palang kahapon kaya sinabi ko sa kanya, "di ba ang agreement ay babayaran ko ang whole amount kasama interest on 28 days of my loan?". Sumagot ang agent na, napaka slang mag english, "I'm worried sir because tomorrow is Philippine Holiday".


Natatawa ako habang pinapakinggan ko siya. Halatang hindi nya alam ang kalakaran dito sa bansa natin na kapag ang due date mo ay pumalo sa Sunday o Holiday, dapat the next day mo na babayaran ang iyong loan. Hindi pwede na, gawin mo yon advance dahil ang interest ay computed based doon number of days na hiniram mo ang pera. Pwede mong gawing advance pero kailangan mong bawasan ang interest. Unless, kung ikaw mismo voluntarily nagbayad ng maaga, wala ng question doon.


Nong narinig niya explaination ko bigla nalang siyang nag-OK. Pero nagpahabol pa ito, sige "Make it sure you can pay tomorrow even Holiday". I said to here YES. Napaisip tuloy ako, lago paano kaya it bukas, eh sa pagka-alam ko lahat ng BPI branches sa Pilipinas closed. Hindi tulad ng BDO na maraming branched ang bukas kahit Holiday lalo na sa mga big cities. Mayron mga cash deposit machine ang BPI sa kanilang piling branches pero marami din kasi nagsasabi na hindi maganda ang mga machine nila dahil instead na real time ang posting, aabutin daw ng isang linggo dahil madalas mag error. Medyo nakakatakot kung ganon pero susubukan ko baka oobra.



Akala ko naintindihan ng agent ang sinabi ko, hindi pa pala dahil bandang hapon, tumawag na naman ito uli at siningil ako. Sinabi ko uli sa kanya ang rason kung bakit ayaw ko pang magbayad. Inulit na naman nya na holiday nga raw ngayon. Napaka ulyanin ng agent ni Micromoney pero mabait naman kausap sila. Takot lang talaga sila sa holiday, tatawag siya ngayon uli. Yon ang pahabol nyang sabi sakin kahapon bago ko binaba ang cellphone ko. Marunong na din silang mangungulit, hindi tulad sa umpisa. Siguradong marami na silang bad experience sa mga Pinoy. No doubt, ilang buwan simula ngayon maaaring arogante na sila. At sure akong mas matindi pa ang mga requirements nila sa mga bagong aplikante. Napansin ko na marami ng tumatakbo sa kanila kaya nag-iba na rin ang paraan nila ngayon sa paniningil hindi tulad nong first loan ko na hindi pa makukulit.

1 comment:

  1. Okay pa nman sna micromoney , naghigpit na talaga sila ngayon.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.