Friday, June 08, 2018

Nawalang Sim Kay Tala -Anong Gagawin?

NAKU LAGOT! Nawala ang cellphone ko? Paano na ang Tala app at ang loan ko, gusto ko ng magbayad pero paano na wala na akong access sa Tala app.  



Yan ang karamihang tanong ng aming mga tagasubaybay at members ng Pinoy Pautang Online facebook group. Marami sa kanila ang hindi alam kung ano ang gagawin para lang maibalik ang kanilang Tala account.

Ang iba't-ibang dahilan kung bakit nagka problema ang karamihan sa kanilang Tala app ay ang mga sumusunod:

1. Ninakaw o nahulog ang cellphone sa byahe -Kapag ninakaw ang cellphone, syempre kasama sa ninakaw ang simcard. Kapag wala na ang simcard, mahihirapan kanang e retrieve ang inyong Tala account.


2. Nasira ang Simcard -maraming instances na hindi natin sinasadya, bigla nalang masisira ang ating simcard at agad mawala ang signal. Maaaring ang dahilan nito ay palaging paglipat-lipat ng inyong sim sa ibang cellphone.


3. Nasira ang cellphone -Kapang nasira ang cellphone, maaaring ang simcard ay OK pa ang condition or signal nito. Malaki ang chances na mabubuksan mo pa ang inyong Tala app.

Sa bagong technology natin, may mga solution na kung sakaling naranasan mo ang isa sa tatlong dahilan kung bakit nawala ang Tala app sa cellphone mo. 

Kung sakaling ninakaw ang cellphone mo at kasamang natangay ng magnanakaw ang simcard o di kaya'y nahulog sa byahe, hindi na ito malaking problema mo para makuha uli ang inyong CELLPHONE NUMBER. 

Pwede na kayong makakuha ng AFFIDAVIT OF LOSS sa kahit saang PAO o Public Attorney's Office na malapit lang sa inyo. Libre ang kumuha sa kanila ng affidavit of loss. K


apag nasa kamay nyo na ang documento, dalhin nyo ito sa pinakamalit na Globe business center para mapalitan ang inyong simcard ng bago with the same cellphone number.


Kapag nasira naman ang inyong simcard, pwede nyong dalhin agad ito sa pinakamalapit na Globe business center para mapalitan ng bagong sim. Kapag hawak mo na ang new simcard na may parehong number sa nasira pwede nyo ng mabuksan ang inyong Tala app.

Kung cellphone nyo lang ang nasira at gumagana pa ang simcard, pwede nyo na agad gagawin ang sumusunod para mabuksan ang Tala app nyo.

Unang-una siguraduhin na hindi kayo naka VPN, kasi hindi nyo mahahanap ang Tala app sa Google Playstore. Kung sakaling naka VPN kayo, meron pa din naman solution jan. 



Humingi kayo sa mga kaibigan nyo na malapit lang sayo na Data ang ginagamit kasi sila siguradong makaka install ng Tala app or kung meron na talaga sa cellphone nila, pwede kayong mag app transfer gamit ang SHAREIT para mas mabilis.

Kapag napasa na sayo ang Tala app, agad intong i-install sa inyong cellphone. Kasunod nito, install nyo agad. Open the app, enter you cellphone number, ilang segundo lang makakatanggap kana ng CODE para e grant ang pagbukas mo ng inyong existing account. 

Kapag nakapasok kana, tatanungin kayo kung ito ba ay inyong bagong cellphone. 



Pindutin mo yon para tuloyang makapasok sa inyong Tala account. Kapag nakita mo na ang inyong balance, ibig sabihin solve na ang problema mo, isa nalang ang hindi pa na solusyonan, ang bayaran ang over due na Tala loan mo. 



Kaya pindutin mo agad ang MAKE PAYMENT para magiging masaya si Tala at pati na rin ikaw dahil makaka reloan kana.



Sa mga gustong magloan kay Tala na hindi alam kung paano gagawin ang step by step process, sundin lamang ang guide na nakasulat sa link na ito: http://bit.ly/TalaLoanApply



4 comments:

  1. paano po kung wala p rin po akong phone at new sim card kc po due date ko n po at wala po akong way n alam n pwede kong gamitin n mkpag make payment sa ngaun unless mkikilogin ako sa iba

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po kayo pwedeng mag log-in gamit ibang number dahil magpapadala ng code ang system sa old number mo, hindi mo matatanggap kasi wala na ang sim na iyon. try pong makiusap sa kaibigan mo na may tala account at idulog sa kanila ang problema mo.

      Delete
  2. Pano po yung sakin nawala ang simcard ko pero nakapag bayad nko... Problma ko po hnd ko marecieve payment sa tala

    ReplyDelete
  3. Paano po gagawin kong nagpalit ako ng phone di ko mabuksan ung tala ko pero simcard ko pa rin gamit ko. . Yung phone na ginamit ko may gumamit na ng tala ayaw mag register ng tala ko

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.