Finally, nakuha ko na rin ang maximum amount na kayang ipahiram ng Pera Agad sa kanilang good standing client. Nakuha ko ito sa pang-apat na reloan ko sa kanila. Kung nasundan nyo ang dati kong mga post tungkol sa Pera Agad, P3,000 lang ang unang loan ko sa kanila. Nasundan ito ng P5,000 sa pangalawa at pati sa pangatlo P5,000 pa rin.
Sa pangatlong loan ko, ginawa ko itong 24 weeks. Masyadong matagal at kung kokumpyutin mo ang total interest sa 24 weeks, napakalaki na. Kaya nitong pang-apat na loan ko sa kanila, gusto ko sana 6 weeks lang pero hindi tinanggap ng system. Ang option na pwede kung pagpipilian ay 12, 16, 20, 24, 28, 32 weeks lamang. Kaya inulit ko ang pag sent at pinili ko yong 12 weeks. Agad nagreply at tinanong ako kung anong option ang pipiliin para ma CLAIM ang loan. Dalawa lang naman ang pwedeng pagpipilian, Pera Hub at SmartPadala. Pinili ko ang SmartPadala at agad akong nakatanggap ng REFERENCE NUMBER galing sa Smartmoney.
Dahil SmartPadala center ako kaya agad ko itong pina-process para papasok sa aking SmartPadala account ang pera galing sa Pera Agad loan. Ang nakuha ko ay P9,950 dahil mayron silang binawas na P50 para sa system fee para kay SMART. Kung sa ibang SmartPadala center ko ito kinuha, mababawasan pa ito ng 2%. P9,950 x 2% = P199. Atleast nakaka save ako ng P199 para sa SmartPadala charge or Pera Hub charge.
Ang weekly repayment ko ay P1,098 sa P10,000 loan ko kay Pera Agad. Babayaran ko ito sa loob ng 12 weeks. Ang total amount na maibabayad ko kay Pera Agad after 12 weeks ay P13,176.
Basic computation ay P1,098 x 12 weeks = P13,176. Ibig sabihin P3,176 ang interest ng P10,000 sa loob ng tatlong buwan o 12 weeks.
I have plan na babayaran ko ito within 6 weeks lang pero kailangan ko pang kausapin ang Pera Agad kung ang interest at mababawas din kapag babayaran ko ito ng maaga.
Yon pangatlong loan ko kasi mayron pa akong limang linggo na babayaran sana pero binayaran ko na agad kahapon. Tapos kung bayaran, akala ko mayron akong refund para sa aking 5 weeks na interest pero as of this writing, wala akong natanggap na feedback o reference number galing sa Pera Agad. Sana makikita nila yon sa system nila at ibalik nila yon tulad sa ginawa nila nong first loan ko sa kanila.
Kung gusto nyong magloan kay Pera Agad, siguraduhin na SMART or TNT user kayo. Bukod dito kailangan nyong sundan ang guide na nakasulat sa blog na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/pera-agad.html
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.