May post ako last week tungkol sa last payment ko sa RFC Radiowealth Finance. Finally, fully paid na ako sa P30,000 loan ko sa kanila na binayaran ko for 6 consecutive months. Dahil bayad na ako sa utang ko sa kanila, agad akong nag-apply ng reloan. Pinayagan naman ako agad ng RFC dahil hindi ako na delayed ng kahit isang beses lang sa akong monthly payments sa kanila.
Noon sabado, June 23, 2018 pinapapunta kami ng asawa ko sa opisina ng RFC para permahan ang contrata. Dahil half day lang sila kapag sabado kaya minabuti naming pumunta ng umaga. Tapos namin permahan ang contrata, tinanong ko ang agent na nakatuka sa akin kung kailan ma-release yong reloan ko. Walang specific date na sinabi ang agent, ang sagot lang nya tatawagan ako next week.
Lunes, Martes, Merkules, Huwebes ng umaga walang balita kaya kaya ako na mismo ang nagtxt sa agent at tinanong ko kung kumusta na yong reloan ko at kung kailan ang release. Agad siyang nagreply na papuntahin ako sa opisina para kunin yong Check ko dahil release na daw ang reloan ko. Dahil may lakad din ako sa oras na yon, minabuti ko nalang sabihin sa agent na kinabukasan nalang Friday, pupunta ako sa opisina nila. Pumayag naman ito na bukas na lang.
Friday ngayon, kaya umaga pinuntahan ko ang opisina ng RFC para kunin ang tseke. Agad akong pinalapit sa Manager's Desk para kunin ang tseke at permahan ang kailangang permahan para sa release. Inabot sa akin ng manager ang tseke na nagkakahalaga ng P37,812. May bawas itong P2,188 para sa kanilang processing fee. P40,000 ang approved loan ko sa kanila. Every reloan sa RFC ay may increase na P10,000 kapag good payer ka. No need na kahit anong savings para ma-increase ang reloan mo hindi tulad sa Pagasa na kailangan mong habulin ang required savings para magka increase ka ng P5,000. Ito ang dahilan kung bakit iniwan ko ang Pagasa at mag concentra sa RFC nalang at sa ibang lending na hindi kailangan ng SAVINGS.
Sa P40,000 reloan ko sa RFC, ang monthly payment ko ay P8,342 payable for 6 months. Ang standard kasi nila ay 9 months pero ako ang nakiusap na kung pwede ay gawin itong 6 months nalang para hindi lalaki masyado ang interest. Ang maganda, maaga mong mabababayaran, makaka reloan ka kaagad. Ibig sabihin after 6 months another P10,000 ang madagdag sa reloan mo. Ang aking due date ay every 29th of the month. Ang unang repayment ko ay sa July 29, 2018.
Pagkatapos ng 6 months ang total na mababayaran ko sa RFC ay P50,052. Sa loob ng 6 months ang total interest na dinagdag nila sa P40,000 reloan ko ay P10,052 plus P2,188 processing fee. Ang total interest plus processing fee ay P12,240 divide 6 months equals P2,040 per month lang ang interest at processing fee. Mas mababa ito compared sa nagsulputang bagong mga lending companies sa internet at pati sa offline.
Nagugustuhan ko talaga ang pamamalakad ng RFC Radiowealth Finance. Bago ang first payment ko, saka ako magbibigay ng anim (6) post dated checks or PDC sa kanila. Pumayag naman ang manager dahil iyong din ang ginawa ko nong nakaraang loan ko sa kanila. Iba din ang RFC, salungat ito sa sinabi ng kaibigan ko dahil bago nila ipasok ang PDC mo, magtxt muna sila sa iyo kung pwede naba nila ipasok sa bangko ang tseke. Pwede kang makiusap ng isa o dalawang araw kung nagipit kayo. Pero magkaiba ang bawat branch, marami ding branch ang hindi pumapayag lalo na kung masusungit ang mga incharge ng opisina nila.
Napansin ko sa taga RFC dito sa branch namin, walang babae sa loob ng opisina. Lahat ng mga staff at agent ay mababait. Nakikita ko ang mga ugali ng lahat lalo na kapag merong pumapasok na client, customer oriented ang lahat ng staff dito sa RFC branch kung saan ako nagloan. Sana ganito sa lahat ng branches nila para mas dadami pa ang client ng RFC sa buong Pilipinas dahil nationwide ang covered ng RFC.
Kung gusto nyong umutang sa RFC, pwede nyong gamitin ang kanilang website at mag-apply. Pagka tanggap ng main office nila sa Manila sa application nyo, e turn-over kayo sa pinakamalapit na RFC office para maasikaso kayo at mapuntahan ang business at bahay nyo para sa Credit Investigation. Kudos RFC Radiowealth Finance!
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.