RFC Radiowealth Finance -Last Day of Payment

Share:
Kung nasundan nyo ang first review post ko sa RFC -Radiowealth Finance, medyo hindi maganda dahil siguro naninibago lang ako sa paraan kung paano sila gumawa ng credit investigation. Bukod kay Pagasa Lending Foundation, sila ang pangalawa na nilapitan ko upang humiram ng pera.  Sa Pagasa, hindi sila masyadong nangungulit sa akin dahil hindi naman talaga ako mangungutang sa kanila kung hindi dahil sa kaibigan ko at school nong college, BS Entrep ako siya naman BSBA. Magkatabi ang rooms namin kaya kilala namin sila dahil madalas kami tumambay sa hall way.

Nong time na ng RFC upang mag-CI sa amin, pumunta sa bahay namin ang agent nila at nag Q&A kami tapos bago umalis pinikturan ang loob ng bahay at pati ang labas na kasama ako. Hindi ako sanay sa ganun pero tiniis ko kasi ako naman nangangailangan.  Problema lang, matagal ang waiting time ko doon sa released ng aking loan kaya muntik ko ng e cancel. Isa pa marami akong narinig na hindi maganda tungkol sa kanila. Dahil mabait naman yong agent nila kaya sinubukan ko. Maganda sa kanila pwede kang mamili ng weekly or monthly payment. Pinili ko ang monthly dahil convenient ako doon, tapos ma rool over ko pa ang pera na instead ibabayad ko weekly.

Isa pang kagandahan sa kanila, pwede kang mamili CASH or CHECK. Pinili ko ang check kaya nag-issue ako sa kanila ng anim na PDC dahil 6 months to pay ang aking P30,000 loan sa kanila. Every 19th of the month ang clearing date ng aking PDC kaya hindi ako pressure sa paghahabol ng pambayad. Ang kagandahan sa kanila, bago nila i-deposit ang tseke sa bangko, magti-text muna ang agent nila to remind me na due date ko, baka pwede na nila i-deposit yong tseke. Malayo ito sa sinasabi ng isang member ng Pinoy Pautang Online na kahit kinausap nya na huwag muna i-deposit ang tseke, pinasok pa rin kaya na closed ang CHECKING account nya.

Sa P30,000 na inutang ko sa RFC, ang total na binayaran ko every month kasama ang interest ay P6,266. Sa loob ng anim na buwan ang total ay P37,596. Ibig sabihin ang interest na pinatong sa P30,000 ay P7,596 na maliit lang compared sa ibang lending companies. Siyempre dahil last payment ko na, kaya tinanong ko yong agent na humawak sa account ko kung pwede akong magreloan. Napakalaking OO ang sagot nya. P40,000 ang offer para sa reloan ko pero kinausap ko baka pwedeng gawing P50,000.


Malalaman ko kung approved yong pakiusap ko kapag magtxt na ang agent sa akin pero kung hindi kaya ang P50K, I told him I will go for P40,000 payable within 6 months, yon ang option ko kasi sinabi nya sa akin na pwede gawin kong 9 months pero inayawan ko, lalaki ang interest kung patatagalin ko. Overall rating ko sa RFC Radiowealth Finance, maganda itong subukan ng mga may negosyo kay sa Pagasa dahil hindi na kailangan ng savings every payment, you can maximize the usage of the funds na inutang mo sa kanila.

Sa mga gustong sumubok sa RFC Radiowealth Finance, sundan nyo ang link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/rfc-paano-mag-apply.html

1 comment:

  1. Good day po ask ko lang po pwede rin po ba mag apply ng loan sa radio wealth kahit wala kang passbook nag umpisa pa lang po ako sa negosyo ko

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.